Sex Story

Pomagat Part 5

September 16, 2016 (2 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, First Time, Romance | Tags: , ,

Pomagat Part 5"TAGAMOP" nanghilakbot siya, parang may malamig na bumalot sa buo niyang katawan. Bakit bumaligtad ang pagbasa ng kanyang titulo na dapat ay "Pomagat" na nakalimutan niya na i-edit. Dali dali niyang binuksan ang pahina at binasa ang prologue hinahanap niya ang kanyang main character na si Fredie.

"Ako si Eiderf isa akong janitor sa malaking hotel sa makati dahil sa........" hindi na niya tinapos ang binabasa dahil sa kilabot, Pomagat ay naging Tagamop, Fredie ay naging Eiderf. Eiderf nga pala ang tunay na pangalan ni Eid kaya pala nito nasabi na siya ang main character.

Mabilis niyang binuksan ang laptop at hinanap ang kanyang orihinal na manuscript. Pagbukas ng application na kanyang ginagamit ay lalo siyang naghilakbot. "TAGAMOP" ang bumungad na titulo, pati ang bidang si Fredie ay naging Eiderf kahit sa lahat ng pahina. Halos mahimatay siya sa mga nangyayari, akala niya ay tapos na ang kababalaghan sa kanya ngunit lalo pa itong tumitindi.

Sumapit ang Ala sais at nagpasya na siyang umuwi. Inaantay niya si Mang Carding, ilang araw na din di niya ito nasasakyan. Pumunta siya sa mga nakaparadang taxi at nagtanong sa mga driver.

"Manong, bakit hindi ho namamasada si Mang Carding?" tanong niya sa isang driver na naninigarilyo sa may tindahan.

"Ay ma'am, patay ho ang kanyang anak na babae, nagluluksa po. D'yan lang po ang bahay nila sa gilid ng bangketa may iskinita ho dyan at un bahay ho na may lamay un ang bahay ni Mang Carding." mahabang sagot ng driver.

"Maraming salamat po!!" paalam ni Luz na medyo nabigla sa narinig.

Lumakad siya papuntang bangketa at pumasok sa iskinita para makiramay sa itinuring na niyang kaibigan. Dito ay nakita niya ang bahay na may lamay at agad hinanap si Mang Carding, nakita niya ito nakaupo malapit sa kabaong ng anak.
"Mang Carding" tawag ni Luz habang lumalakad palapit.

"Nakikiramay ho ako, nabalitaan ko po sa mga kasama ninyong taxi driver ang nangyari sa anak niyo." malungkot na sabi ni Luz.

Dito ay humagulgol ng iyak si Mang Carding, nawala na ang dating makulit at masayahing mamang taxi driver. Umupo siya sa tabi nito sabay tinapik tapik ang likod at ng kalmado na ito ay nagsabing..

"Sandali lang ma'am at ikukuha ko kayo ng maiinom" sabay tayo sa kinauupuan at hindi na siya inantay sumagot.

Nabaling ang paningin niya sa pangalan ng nakaburol at tiningnan ang petsa ng pagpanaw nito. Halos kasunod na linggo lamang iyon ng isapubliko nila ang kanyang nobela. Masyadong ring malaki ang pagkakasulat ng umpisang letra kaya una niyang nabasa ang initial F. R. I Fely Rose Ibay 16 years old.

Bumalik na si Mang Carding, may dalang isang baso ng juice at biscuits. Iniabot sa kanya ang juice at ipinatong ang plato ng biscuits sa isang bakanteng upuan. Umupo ito sa kinauupuan niya kanina at sinimulang magkwento.

"Malakas at masayahin pa siya nung isang araw, wala naman siyang sakit kaya hindi ko matanggap ang pagkamatay niya" pasimula ni Mang Carding.

"Martes ng ilabas ang nobela mong "TAGAMOP" sa publiko ay agad siyang bumili at hindi ito tinigilan hangga't hindi natatapos dahil sa iniidolo ka niya.
Maghapon niya itong binasa sa kanyang kwarto ni magmeryenda ng hapon ay hindi niya ginawa matapos niya lang ito basahin. Maghahapunan na at hindi pa din siya lumalabas kaya nagpasya akong tingnan siya, halos mahimatay ako sa aking nakita, maputla na siya at dilat ang mata, nakanganga ito akala mo sumisigaw, at tsaka.... " hindi na niya naituloy ang pagsasalaysay at bigla muling humagulgol, marahil ay mabigat sa kanya ang idetalye pa ang nasaksihan sa pagkamatay ng anak.

Sa base ng pagkakadetalye ng pagkamatay ng anak ni Mang Carding at pagkamatay ng kanyang ama ay parang may pagkakapareho.

Nahihiya man siyang magtanong dahil nagdadalamhati pa ito subalit hindi na niya mapigil ang sarili mag-urirat dahil may kutob na siya.

"Nawala ba ang itim ng mata at parang puro puti na lang?" tanong ni Luz.

Napatigil sa paghagulgol si Mang Carding at napatingin sa dalaga, "Papaano mo nalaman iha?" nagtatakang tanong ni Mang Carding.

Walang maisagot si Luz.

"Ah eh, Narinig ko ho sa mga kaibigan ninyo" palusot niya.

Dito ay nakumpirma na niya na hindi aksidente o sakit sa puso ang ikinamatay ng kanyang ama pati ang anak ni Mang Carding. Ngunit may mga katanungan pa din siyang wala pang kasagutan.

"Ano ang kinalaman ng anak ni Mang Carding sa pagkamatay ng kanyang ama at bakit halos pareho ito ng itsura ng mamatay?" Tanong niya sa sarili.

Nagpaalam na siyang uuwi at lumabas ng eskinita, naglalakad siya sa bangketa ng marinig ang malakas na boses ng matandang babae.

"Lalo siyang lumalakas iha!" napatingin siya at hinanap ang nagsalita, ang nanay ni Utoy.

Napatigil siya at nilapitan ang matandang babae.

"Ano po ang kailangan niya sa akin?" mahinahong tanong ni Luz sa matanda.

"Paghihiganti!! Paghihiganti!! Iha!!" malakas na boses ng matandang babae.

Paghihiganti? Bakit maghihiganti sa kanya ang lalaking iyon gayong hindi niya ito kilala? Ano ang nagawa niya dito? Tanong niya sa isipan at balak itanong sa matanda ng magsalita ito.

"Ikaw ang nakakakita sa kanya kaya ikaw ang may kakayahang pigilan siya." Paliwanag nito.

"Paano ko siya mapipigilan? Malakas siya at wala akong kalaban laban sa lalaking iyon?"

Hindi sumagot ang matanda at tumayo, kinuha ang tungkod at tumalikod sa kanya at lumakad ng ilang hakbang palayo. Tinawag niya ito  at sinundan.
"Manang! Manang! Manang sandali, may tinatanong pa ho ako, di ba gusto ninyo akong tulungan." Tumigil ang matanda sa paglakad at nagsalita kahit nakatalikod sa kanya.

"Walang nabubuhay sa nakaraan subalit nakaraan ang daan para mabuhay ka sa hinaharap" ito ulit ang sinagot ng matanda.

" Patayin mo siya!" wika ng matanda.

" Multo na siya, papaano ko siya mapapatay?" nagtatakang tanong ni Luz.

" Patayin mo siya, gaya ng unang siyang mamatay, patayin mo siya gaya ng ikinamatay niya." matalinghagang sagot ng matanda.

"Ano po ang ibig ninyong sabihin? Hindi ko maintindihan, may kinalaman ba ang lalaking ito sa pagkamatay ng anak ni Mang Carding at ng aking ama?" Sunod sunod niyang tanong.

Bagkus siyang sagutin ng matanda ay tumuloy na ito sa paglakad habang nagsabing…

"Ipatigil mo ang pagbebenta ng aklat na hawak mo." sabi ng matanda sabay sulyap ni Luz sa hawak na aklat. Ito ang bago niyang nobela na ireregalo sana niya kay Mang Carding. Nagpatuloy umalis ang matanda at naiwan siyang nagiisa at napagpasyahan na niyang mag imbestiga.

Nakaupo si Luz sa salas at hanggang ngayon ay pinag iisipan pa rin niya ang mga matalinghagang sagot sa kanya ng manghuhula. Dito ay naalala niya na pinapatigil ng matanda ang pagiimprenta at pagbebenta ng kanyang bagong nobela.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Mr. Mercado.

"Krriiiing! Krrriiing! Kriiiiing!"

" Hello! Fernando Mercado Publishing" sagot ni Mr. Mercado.

" Hello! Sir! Si Luz po ito." pagpapakilala ni Luz.

"Oh, Luz napatawag ka?"

"Sir, ipatigil ninyo na ang pagbebenta ng bago kong nobela," sabi ni Luz.
"Bakit iha? Mabenta ito at tuloy tuloy ang order ng mga bookstore, kahit mga bangketa ay makikita ang nobela mo. Bakit mo naman naisipang ipatigil? " parang galit na sabi ni Mr. Mercado.

"Ka-kasi ho sir." utal na sagot ni Luz subalit hindi niya masabi ang dahilan dahil wala naman talaga siyang maisip na kaugnayan nito sa lalaking duguan at sa mga nagaganap na kababalaghan kundi ang pahayag lang ng nanay ni Utoy.

Pinutol niya ang linya at binaba ang cellphone ng hindi nagpapaalam. Papaano nga naman niya ipapatigil ito kung wala naman siyang basehan, baka bulyawan lang siya ng kanyang boss lalo na at mabenta ito.

Lumabas si Lanie sa dating kwarto ng ama na may dalang kahon.

" Lanie! Ano yan?" tanong niya sa kapatid.

" Mga gamit ni tatay, itatago ko na lang, wala naman gagamit nito dahil pareho tayong babae." sagot ni Lanie.

"Patingin nga ako " sabi ni Luz at agad itong dinala ng kapatid, bumalik ulit ito sa kwarto para ituloy ang paglilinis.

Hinalungkat niya ang laman ng kahon mga pantalon at damit ng kanyang tatay, hinugot niya din ang polong light blue na nakakuha ng kanyang atensyon.

Binasa ang nakasulat sa bulsa sa kaliwang dibdib ng polo. "Fernando Mercado Publishing", sa likod nito ay Utility ang nakasulat.
Eto ang kanyang pinagtatr... Read More


About the Author :

Joined: August 1, 2016 (4 months old)
Writings: 26

Send PM · Male · Offline

http://pulandit.com
10 comments   0 favorite   1,700 views