Paybstar

August 11, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Sa isang sulok nangangarap,
Nagbibilang ng talang babagsak sa aking mga paa
Upang damputin, upang ipunin, at sa kisame'y ilalawit
Upang magsilbing liwanag
Sa kadiliman ng kwadradong silid
Umiindayog, umiinog, umiikot
Wari'y tsubibong kinakalawang.
Isa,
Dalawa,

Limang
Bituin ang nangamatay
sa aking mga palad,
At sa init ng kanyang hiningang
sa leeg ko'y lumalakbay
pababa sa aking karupukan,
At mga matang nangingintab
sa apoy ng kanyang kalamnan,
At mga butil ng maiinit na pawis
sumisingaw na parang mga luhang
umaagos, umuukit, umiiwang
Wari'y rumaragasang ilog

Ako'y nilulunod,
Ako'y sinasakal,
Ako'y ibinabaon
Sa mga abo ng aking kamalayan,
Humihimlay sa kapiranggot na telang
sa aking paanan ay naghihingalo,
nagmamakaawa, nangungulit

Sa kanyang mga bisig
na sa aki'y pumupulupot,
gumagapos sa aking mga salita,
Gumuguhit sa aking lalamunan,
Sinasaid ang aking diwa.
Isa,
Dalawa,

Limang
putok ang kumawala,
Kasabay ng pa... Read More

About the Author :

Joined: March 20, 2014 (2 years old)
Writings: 12

Send PM · Female · Offline

She tastes like nectar and salt. Nectar and salt and apples. Pollen and stars and hinges. She tastes like fairy tales.
12 comments   0 favorite   871 views