Patlang

February 24, 2016 (9 months ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , ,


Kung tutuusin sa estado kong ito dapat ay masaya na ko. Halos lahat ng simpleng pangarap ko nung bata pa ‘ko ay nakamit ko na. Sobra- sobra pa nga eh! Maayos na trabaho, maayos na matitirhan, maayos na pamilya...hehehe paulit-ulit yung maayos...syempre naman! Sino ba’ng ayaw ng maayos 😊

Araw-araw ay masigla akong nagtatrabaho. May mga panahon din naman na matamlay pero bihira lang yun. Madalas ay puno ng ngiti habang ginagampanan ko ang aking mga gawain. Pati mga kasama ko nga ay nahahawa sa saya na aking dala. Laging nagbibigay ng pagganyak sa mga kaibigan na kinakakitaan ng panghihina. Ngunit ano’t bakit sa mga oras na ito ay tila yata ako ang nanghihina?!

Lumalaon ay dumadalas ang ganitong pakiramdam. (huwaaaaa! age factor ba ‘to? ‘di naman siguro noh! Pero sige sige sige aaminin ko na...ako na tanders hahaha)

Hindi ko namamalayan ang pagtulo ng aking mga luha. Iniisip ko bakit ako umiiyak? Bakit nga ba ko malungkot? Ngunit wala akong maisip na kasagutan. Madami naman akong kaibigan pero bakit hindi ko maipahayag sa kanila ang nararamdaman ko? Lagi kong itinatago sa aking sarili ang kakaibang lungkot na aking nadarama. Sa isip ko bakit ko ba sasabihin sa kanila ‘to eh hindi naman nila ko mauunawaan. Natatakot akong baka husgahan lang nila ko kapag sinabi ko sa kanila ‘to...hmmm..ayokong mabago ang pagtingin nila sa’kin...di bale na... Read More

About the Author :

Joined: November 29, 2014 (2 years old)
Writings: 4

Send PM · Female · Offline

47 comments   0 favorite   1,394 views