Poem

Paso (burn)

September 9, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , , , , , ,

Narito sa gitna ng disyerto,
Nahihirapan na kong tumayo,
Di magawang humiga't umupo,
Dahil mas lalo lang mapapaso.

Galit ng araw ay napasakin,
Sa akin nakatuon ang pansin.
Ano ang kailangan kong gawin?
Upang ang init ay matapos din?

Nawa'y ang hangin ay umihip na,
Nang ang init ay maibsan sana,
Ngunit ang kanya ngang dala-dala,
Pumapaso sa 'king kaluluwa.

Saan pa nga ba ako gagawi?
Upang paghihirap ay mapawi.
Parati na lang bang nakangiwi,
Pangalan man ay di na masabi.

Tatakbo palayo't paparoon,
Sa kung saan mang lilim... Read More

About the Author :

Joined: July 14, 2013 (3 years old)
Writings: 48

Send PM · Male · Offline

"I love Halloween. the one time in a year where everyone wears a mask not just me.
people think its fun to pretend that youre a monster. me, i spend my life pretending im not."
12 comments   0 favorite   813 views