Sex Story

Para Kay Andoy

December 2, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Exhibitionist and Voyeur, Interracial Sex, Wife Lovers, Reluctance | Tags: , , ,

“Inday papasok na ako ha?” sabi ni Andoy, isang security guard sa isang mall pagkatapos kumain ng almusal.

“Sige mahal, ingat. Oo nga pala, sa katapusan na ang bayad sa upa sa bahay. Dumaan kanina si Mang Khan…”

Napabuntunghininga si Andoy sa sinabi ni Inday. Doon lang niya naalalang magbabayad na naman sila sa bahay.

“Naku…baka pwedeng pakiusapan mo na lang uli si Mang Khan na sa susunod na linggo ko na lang ibibigay, siningil kasi ako sa opisina doon sa hiniram kong pera para sa pagpapagamot ni nanay. Sigurado magbabayad ako…”

Biglang lumungkot ang mukha ni Inday. “Alam mo namang ayokong makiusap sa bumbay na iyon. Yun nga lang magbayad ako sa kanya eh naiilang na ako. Kung makatingin sa akin eh parang kakainin ako nang buhay.”

Naiintindihan naman iyon ni Andoy. Bakit naman hindi magkakaroon ng pagnanasa ang kanilang kahero sa kaniyang asawa? Sa edad na 30, ay parang bente lang ang itsura ni Inday dahil sa katawan nitong 35-28-37 at may tangkad na 5’0”, kahit may anak na silang dalawa ay sadyang maalaga si Inday sa kanyang katawan.

“Pasensiya ka na mahal, kapos talaga ako ngayon eh. Sige ako na lang ang kakausap kay Mang Khan. Kapag nakaluwag na ako ng mga inutang natin sa susunod na linggo babayaran ko agad ang upa sa bahay.”

Huminga nang malalim si Inday. “Sige ako na lang ang makikiusap. Abala ka sa trabaho mo, ayokong madagdagan pa ang po-problemahin mo sa mga bayarin. Kung may maayos sana akong trabaho…” mangiyak-ngiyak na sabi ni Inday.

“Ma, gustuhin ko mang tulungan mo ako sa paghahanap-buhay ay ayaw ko namang mapabayaan mo ang mga anak nating alagain pa. Oo nga kinakapos tayo pero nakakaraos naman tayo kahit paano di ba? Hayaan mo, malalagpasan natin ito.”

Hindi na kumibo si Inday sa katwiran ng kanyang asawa kaya hinalikan na ni Ando yang kanyang asawa para magtrabaho.

Ganito ang buhay nilang mag-asawa at pamilya. Dahil sadyang kinakapos ng sweldo si Ando, kailangan nilang makiusap kay Mang Khan para bigyan ng palugit ang kanilang bayarin sa upa. Bukod pa dito, nagpapautang din si Mang Khan sa kanila ng mga gamit sa bahay, o kung minsan naman ay pera mismo kaya hindi maiwasang mabaon sila sa atraso kay Mang Khan. Ang nagustuhan lang ni Andoy kay Mang Khan ay ang pagiging maunawain nito. Kapag hindi siya nakakabayad agad ay madali naman siyang magbigay ng palugit kaya hindi rin niya maiwasan na makisama dito dahil sa likas na kabaitan ni Mang Khan.

Dose oras ang duty ni Andoy sa mall kaya gabi na ito nang makauwi. Pagpasok niya sa bahay ay tulog na ang kanyang mga anak sa kwarto pero wala si Inday.

“Ma? Nakauwi na ako. Anong ulam?” sigaw ni Andoy.

Nagulat si Andoy nang may narinig siyang mga boses sa kusina at tila mga kalabog na tila may kumikilos nang mabilis. Pagbukas niya ng kurtina ay nandoon si Inday nakatayo sa lababo at si Mang Khan ay nasa hapag kainan umiinom ng kape. Pinupunasan ni Inday ang duster niya ng kamay na tila may nililinis.

“Mang Khan…andito pala kayo.”

“Ah. Hello Andoy. Singil ako upa sa bahay pero sabi misis wala ka pera. O sige, bigay kita next week bayad ka ha?”

“Sige po Mang Khan maraming salamat. Pangako, ibibigay ko ang bayad sa inyo agad pag nakuha ko pera…”

Tumango lang si Mang Khan nginitian niya si Inday. Pero nagkaroon ng kutob si Andoy lalo na nang tila hindi mapakali ang misis niya dahil hindi ito makatingin nang diretso sa bumbay.

At ganoon nga ang nangyayari kapag kinakapos sila at sumasala sa pagbayad ng upa. Hindi man lang niya nakitang nagalit si Mang Khan kahit minsan kapag nakikiusap ang kanyang misis.

Tulad ngayon, tila maabala na naman ang pagbabayad nila ng upa sa bahay dahil may binayarang utang si Andoy sa katrabaho na matagal na ring naniningil kaya kailangan niyang pumasok nang maaga para makahanap ng pwedeng mahiraman para sa upa. Pero bago siya umalis papuntang trabaho ay hindi niya makita ang kanyang first aid kit kaya naghalungkat ito sa kanilang aparador. Sa pagbukas niya sa isa sa mga drawers ay may nakita itong nakabalumbon na limang libo. Nagtaka siya kung kanino o saan ito galing.

“Mahal, halika rito saglit…”

“O, bakit mahal?” sagot ni Inday na bagong paligo.

“Sa iyo ba itong limang libo sa drawer? Kanino mo ito kinuha?”

“H-ha? eh, nabanggit mo kasing wala na naman tayong pambayad kay Mang Khan kaya…humiram ako kay…Aling Lorena, oo.”

“Ganon ba? Eh bait hindi mo na binigay kay Mang Khan eh dumaan na dito kahapon.”

“Ah…nakalimutan kasi niyang kunin kasi nagmamadali.”

Hindi na kumibo si Andoy at tinanggap na lang ang paliwanag ni misis. Nang makita ang hinahanap na first kit ay nagpaalam na itong papasok na. Pagdaan niya sa eskinita ay nasalubong niya si Aling Lorena na may-ari ng tindahan sa lugar nila. Binati niya ang matanda ng magandang umaga.

“Nay, salamat at pinahiram niyo si misis ng pera, makakabayad na kami sa upa sa tamang oras. Yaan niyo sa inyo ko ibibigay agad ang pera sa sweldo ko.”

“Iho, anong sinasabi mo diyan? Hindi nangutang si Inday sa akin. Bayad na nga ang mga inutang niyang paninda ko ilang buwan na…”

Biglang natigilan si Andoy sa sinabi ni Aling Lorena. Nagsinungaling sa kanya si Inday. Ang tanong ay bakit?

Makalipas ang isang buwan ay nagpalit ng shift sa trabaho nila kaya naging panggabi na ang pasok ni Andoy. Dumating din ang araw ng sweldo niya. pero kakapusin na naman sila ng bayad kaya binilinan na naman niya ang kanyang misis na makiusap uli kay Mang Khan na sa susunod na linggo na siya magbabayad. At tulad ng dati, nagpakita man ng pag-alinlangan si Inday ay umayon na lang ito.

At pumasok na nga sa trabaho si Andoy nang gabing iyon. Pero pagkatapos ng anim na oras ay nagreport siya ng undertime dahil tila lalagnatin siya ng mga oras na iyon kaya nagpaalam siya sa kanilang security leader na umuwi nang maaga at pinayagan naman siya kaya pabalik na si Andoy sa kanilang bahay bago maghatinggabi.

Maulan ang gabing iyon nang umuwi si Andoy na nagpalala pa sa nararamdaman niyang sakit ng katawan. Inaasahan niyang tulog na ang kaniyang mag-iina pero nagtaka siya nang ma... Read More

Part #: 1

About the Author :

Joined: July 7, 2013 (3 years old)
Writings: 235

Send PM · Male · Offline

an introvert, chronic smoker, 80s man exploring the dark recesses of my mind and materializing those abstracts through the push of a pen or keyboard.
14 comments   4 favorites   7,924 views