Para Kanino?

Posted in
Blog: Tagalog · Categories: Non-Erotic · Tags:
Date: April 30, 2018 (3 months ago)


5:00 ng madaling araw ng magising ako sa tilaok ng mga tandang sa paligid. Nasa probinsya ako para sa isang bakasyon. Sumisilip sa silid na aking tinutuluyan ang liwanag ng ilaw na nagmumula sa kusina. Madilim pa ang paligid pero bumangon na ako. Binuksan ko ang bintana at huminga ng malalim. Ang sarap ng samyo ng hangin sa nayon. Nakakapagbigay ng kakaibang saya sa puso ng sinomang mula sa siudad na ang hangin ay halos usok na ang bumubuo. Lumabas na ako sa silid at tinungo ang kusina. Inabutan ko ang pinsan kong si Danielle. Nakaupo at kaharap ang isang mug na umuusok ang laman. Ang sarap ng halimuyak ng kape. Tumingin sa akin ang pinsan ko. Napatitig din ako. Nakasuot lang siya ng manipis na sandong puti at pajama.
"O kuya gising ka na pala" sabi nito.
"Oo insan" sagot ko naman. "Punta lang ako sa bathroom sandali" pahabol ko.
Pagbalik ko sa kusina nagulat ako. May nagsalita sa likod ko. Si Daniella.
"Halika kuya" sambit nito. "Kape tayo" dagdag niya sabay abot ng mug na may mainit na kape.
Pagkaabot nito sa mug ay inilapit nito ang bibig sa aking tenga at binulungan ako.
"Kuya Gex, PARA KANINO KA GUMIGISING?" tanong nito.
Napangiti ako sabay sagot ko...

About the Author :

Joined: October 11, 2013 (4 years old)
Writings: 3
Send PM  ·  Male  ·  Offline
Description:
GOVERNMENT WARNING: NEVER ABUSE SEX NOR LET SEX ABUSE YOU. TOO MUCH SEX KILLS.

Suggested writings:

0  ·  4  ·  1  ·  1,151
 · 

Comments
S
SeniorCitizen50
April 30, 2018 (3 months ago)

Mas sumasarap pag may mainit na tinapay...😆Part 2 aabangan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
somebodyuused2know
May 3, 2018 (3 months ago)

Hahaha natuwa naman ako dito. Mahusay ang pagkakasulat ha. Sana next post mo, story na. This blog is really a feel-good read. Ang simple. Pero nakakapag pangiti.

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
frozenwars
May 17, 2018 (3 months ago)

Nakakamiss magkape sa probinsya. Yun nga lang tanghali nako gumising hahaha.
But nothing beets a coffee while the sun is setting

By the time you learn the rules of life, you’re too old to play the game.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
frozenwars
May 17, 2018 (3 months ago)

Nakakamiss magkape sa probinsya. Yun nga lang tanghali nako gumising hahaha.
But nothing beats a coffee while the sun is setting

By the time you learn the rules of life, you’re too old to play the game.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
Recent Comments