Pang-Akit ng Probinsya (parte Ika-Dalawampu)

July 28, 2017 (2 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, Erotic Horror, First Time, Supernatural, Romance, Sci-Fi and Fantasy | Tags: , , , , , , , , ,

Pang-Akit ng Probinsya (parte Ika-Dalawampu)Pang-Akit ng Probinsya (parte Ika-Dalawampu)
author: cloud9791

Names and persons in this story are entirely fictional. They bear no resemblance to anyone living or dead.

-------------------------------------------------------

Kay Jenny...

Sa pagtatanong-tanong, natunton ni Jenny ang bahay nila Romeo. Isang magandang bahay na may malawak na bakuran. Nagliwanag ang mukha nang dalaga.

Romeo... namiss kita... sana mapatawad mo pa rin ako... ang sabi sa isip nang magandang dalaga.

Sa Bakuran may nagwawalis ng mga tuyong dahon galing sa isang malaking puno sa may kaliwang parte sa harapan ng bahay.

Nakilala agad yun ni Jenny. Ang magandang ina nang boyfrend. Si Tita Alma!

"Tita! Ti-tita Alma!" ang tawag ni Jenny sa mama ni Romeo.

"Je-jen? Jenny? " ang nagulat na reaksiyon ni Alma.

"O-opo Tita... Ako nga poh!"

"Anong ginagawa... Pa-pasok! PAsok! Bakit di ka man lang nagpasabi? " agad na

binuksan nang ina ni Romeo ang Gate na gawa sa kawayan.

Parang nagising sa isang mahabang masamang panaginip ang dalaga. Kahit may kasalanan sya sa boyfrend na si Romeo... Ganun pa rin... mabait pa rin ang trato sa kanya nang ina nito.

"Anong nangyari sayo? Bakit ito lang ang suot mo?"

"Mahabang kwento po Tita..."

"Mabuti pa pumasok ka muna... "

"Aling Theodora! Ranilo!" tawag ni Alma sa mga kasamahan sa bahay.

Inakay ang dalaga ng mga magulang ni Romeo. Inasikaso na tulad ng dati. Pinaghanda nang bihisan. Halos mas matangkad lang naman sya nang kaunti sa kapatid ni Romeong si Aby. Kasya sa kanya ang short at tshirt nang nakababatang kapatid nang nobyo.

Nagulat si Jenny sa pag-aalaga sa kanya nang mga magulang ni Romeong si Ranilo at Alma. Siguro ay hindi sinabi sa kanila ni Romeo ang mga nangyari.

Sa hapag-kainan meron din isang dalagitang naghahanda nang pagkain para sa kanya.

"Pyar... nakahanda na ba ang pagkain? Paki-timpla mo rin nang juice si Ate Jenny mo

ha..." utos ni Tito Ranilo sa may itsurang dalagita kasambahay ata ng mga ito.

"Opo kuya..." sagot nito.

Habang nakaupo sa sala si Jenny... palinga-linga sya. Hindi mapakali parang may hinahanap. Gusto nang makita ang binata. Ilang minuto ang dumaan, walang Romeong dumating.

Hindi na makatiis...

"Tita Alma..." mahinang tawag ni Jenny.

Humarap ang ina ni Romeo na nasa may hapagkainan kasama ang dalagitang si Pyar.

"Ano yun Jenny?"

"Si-si Romeo po?"

"Ahhh... Yung batang yun talaga... hapon na naman wala pa rin sa bahay... Anduon

siguro kasama na naman ng barkada nya iha!" sagot ni Alma.

Si-si Romeo ko may mga kaibigan na? Mejo nagulat ang dalaga. Nuong nasa maynila pa ang nobyo ay umiikot lamang ang mundo nito sa kanya. Isang mahiyain at tahimik na binata.

Maya-maya nga may napansin ang dalaga. PAgsilip sa malaking bintana, nakita nya sa harapan may mga parating.

Si-si Romeo yun! Ang biglang pagdaloy nang katuwaan sa pakiramdam ng dalaga. Napatayo sya, gusto nyang salubungin ang binata. Gusto nya itong yakapin!

Tumayo naglakad sa may pintuan... Natigilan si Jenny sa nakita. May mga kasama si Romeo! Marami! Mga Anim na magkakasamang binata at dalaga!

Masayang naglalakad ang mga ito kahit... warat-wasak-wasak ang mga damit. Saan ba galing tong mga to naisip ni Jenny.

Saang lupalop... Saang giyera!?

Sa kaliwa ni Romeo may isang dalagang pagkaganda-ganda ang kasabay maglakad ng nobyo nya. Partida hindi pa ito naka-ayos at sira-sira ang damit nitong parang dress, lutang pa rin ang kagandahan ng dalaga!!

Sa kanan naman, may isa pang seksing dalaga ang nakahawak pa sa kanang braso nang siyota nya!! Naka-shorts lang ito at tshirt. Lalong nadadagdagan ang pagseselos ni Jenny.

Sa may likod naman ni Romeo, may karga pa itong kayganda ring dalaga! Mukhang hubo't hubad pa yun!! Nakayakap pa ang dalawang kamay palibot sa leeg nang nobyo!!!

Napasimangot si Jenny... Sino ba itong mga babaing ito!!? Bakit maraming kasamang babae si Romeo!!? Ang unti-unting nang nagagalit na si Jenny.

Bukod sa tatlong dalaga, meron pang isang babaeng maganda at parang modelong sa tangkad, na mukhang foreigner ang naglalakad din kasama nang grupo.

Sira-sira rin ang suot nitong t-shirt at maong pants.

SA tabi nang matangkad na babae may naglalakad na isang binatang nakasalamin na naka-backpack.

At merong pang isang binatang halos singtangkad ni Romeo ang wala nang pang-itaas, Naka-shorts nalang. Puro dumi ang buong katawan!!

-----------------------------------------

"Eeehh! Ibaba mo na yan pogi... ako naman ang buhatin mo, pagod na ako eh" ang sabi

si RAchel.

"Rachel! " saway ni Jasmine sa kaibigan.

"Naman Eeehh!! Tingnan mo nga yang babaeng yan oh! Kanina pa buhat-buhat ni Romeo!" ang

pagdadabog ni Rachel.

"HMP! " Tila parang pinaalala, sumama na naman ang loob ni JAsmine. Mabilis na umikot ang mukha

paiwas sa binata. Bumusangol ang nguso.

"A-Ayaw kasi bumaba... Ja-Jasmine sorry na..." ang hingi nang paumanhin in Romeo.

"E bakit kay Jasmine ka lang nagso-sorry? Sakin di ka magsosorry?" si Rachel naman.

"Eh... Teka saglit lang..." si Romeong nalilito na.

"Ayiiee!!" ang singit naman nang nakasakay sa likod ni Romeong dalaga. Lalong

humigpit ang yakap sa binata.

"Uy! Miss! Teka-Teka! Wag maxadong mahigpit! Nasasakal na ata ako!!" si Romeo

naman.

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

-------------------------------------------

Kung titingnan ni Jenny maigi ang eksena, Parang nag-aagawan ang tatlong dalaga sa binatang nasa gitna.

"Ahahahaha!! I think she wont let go of Hotshot, no matter what! " tawa naman ng

matangkad at mukhang foreigner na dalaga.

"Haay, buti pa si Romeo... maraming nag-aagawan... ako wala..." ang sabi naman ng

naka-salaming lalaki.

"Jasmine!! Puwede naman kitang buhatin kung gu-gusto mo eh!! " singit naman

ng isa pang binatang wala nang pang-itaas na suot.

Umikot naman ang mata nang dalagang sinabihan nang binata.

"Ayan iha... Yan ang mga kaibigan ni Romeo... Tingnan mo nga naman parang mga bata!

Andudungis!! Haha!!" si Tita Alma na tumabi sa kanya.

May unting pag-iinggit na nararamdaman si Jenny sa napapanuod.

Talaga namang kay saya panuorin nang mga magkakaibigang ito. Parang may sariling masayang mundo.

Gusto nya ibalik yung dati... Yung sa kanya lang umiikot ang mundo nang nobyo! Humakbang palapit sa boyfren ang mga paa ni JEnny. Papunta sa harapan ni Romeo...

"Ro-Romeo... " mahinang usal ni Jenny sa pangalan ng binata.

Natahimik bigla ang mga magkakaibigan. Maging si Romeo ay natulala din. Nakatitig sa kanya ang mga mata ni Jenny.

Siyang tabi ni Alma sa gilid ni Jenny.

"Honga pala mga bata... Eto nga pala si Jenny... galing maynila. Jenny eto si Richard, si

Jasmine, si Rachel, si Nia at Herberto..." pagpapakilala nang mama ni Romeo simula

kanan papunta sa kaliwa.

"Hi! Jenny... Jenny Ramilla..." pagpapakilala nang kanyang sarili.

Isa-isa ring sumagot ang mga kaibigan ni Romeo.

Mula sa kanan, Unang bumati sa kanya ang walang pang-itaas, mukhang batak ang katawan, Singtangkad ni Romeo o mas matangkad pa unti.

Isang simpleng "Richard!!" nakangiti ito sa kanya.

Sumunod ang dalagang may magandang mukha at katawan... Di ito nagsalita. Tiningnan lang sya sa mga mata.

Sumunod naman dito ang isa pang dalagang may mapang-akit na mukha at katawan...

"Kamusta! Ako ang girfren ni Romeo.... Rachel..."

Duon napasungit nang bahagya ang mukha ni Jenny sa dalagang si Rachel.

"Hello! Nia!!" simpleng bati naman nang isa pang maganda at matangkad na mukhang

foreigner na babae.

Sa tabi nang Nia... ang isa pang binata mukhang mabait at may salamin...

"Herberto po..." si Herberto

"Anak si-sino tong isa pang hindi ko kilala... Bago mo ba kaibigan yang nakasakay sayo?

Ay!! Bakit nakatapis lang sya!? " ang nagulat na mama ni Romeo'ng si Alma.

"Ayi!" sagot nang di kilalang dalaga sa mama ni Romeo.

"Hehehe... Si ano nga pala ma... Ahhh... Ano nga bang pangalan mo?" ang napa-kamot

nalang na si Romeo.

"Ayyeeee... Ayieeh!" sagot nang dalagang naka-bold, may takip lang na parang malaking

kumot galing kay Herberto.

"Haha! Ancute mo naman sumagot, " tawa ng mama ni Romeo.

"AY-Ayiee!"

"Romeo, Anak! Bakit mo hinahayaan naka-hubad ang pagkagandang babaeng yan sa

labas... Haay Anak! Marami pang damit ang kapatid mong si Aby sa loob," ang tila

pangaral nang Inang si Alma sa anak na binata.

"O-opo Ma" si Romeo.

"Ahahahaha" nagtawanan ang iba pa sina, Rachel, Richard, Nia at Herberto.

Simpleng ngiti lang ang kay Jasmine.

"Ganyan nga po Yan Aling Alma... " ang pasimpleng sulsol ni Richard.

Doon napansin ni Aling Alma ang mga hitsurahin nang mga kabarkadahan ni Romeo. Lahat madumi ang mga katawan at suot.

"At Kayo! Saan ba kayo nanggaling mga bata kayo!? Bakit ganyan ang mga hitsura

nyo!! Pasok! Pasok!! Maligo kayo at Magbihis!!"

"Te-teka uuwi nalang po ako... " Si Richard na akmang papatakas.

"Hinde!! Pumasok ka at maligo! Iba nang amoy mo oh!" Kurot ni Alma kay Richard.

"O-opo- opo"

Tahimik namang nakatayo lang si Jasmine nang tawagin ni Alma.

"Aling Alma... baka iniintay na po ako nang nanay ko..."

"Maglalakad ka sa daan na ganyan itsura Iha? Hinde... mag-ayos ka muna sa loob...

papahatid kita kay Romeo mamaya..."

Nang marinig yun ng dalaga parang nasiyahan si Jasmine...

"Sige na Jasmine Iha... Pasok... Sige na... wag ka na mahiya... masilipan ka pa nyang loko

kong Anak na yan... Si Romeo, maloko yan..." may paghimas pa sa pisngi sa may mukha

nang kaygandang dalaga ang kanang kamay ni Alma... Na parang isang Ina sa Anak.

"Ma naman... " si Romeong namula sa hiya.

"O-opo... Aling Alma..." Si Jasmine, na namumula rin ang magandang mukha.

"Ops! Papasok na po ako Aling Alma, sabay kami maligo ni Rom... ay este ni Jasmine!" si

Rachel na pangiti-ngiti.

Sunod na nilapitan ni Alma si Nia, Ang Mishrin.

"Mam, Are you sure? " si Nia.

"Yes, Go inside.... At ikaw boy... pumasok ka" si ALma kay Herberto.

"Yes po! Hindi na po pala ako boy..." si Herberto.

"Syahala, Pasok! Pasok!" ulit ni Alma sa Lahat.

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

------------------------------------------------

Nauna ngang pumasok si Romeo sa bahay nila... Halos mapatalon si Jenny sa
pagkasabik nang papalapit na si Romeo sa kanya. Sira- sira ang suot nitong t-shirt. Pero di pa rin maitatanggi ang gwapo nitong mukha na may kaunting dumi. Na-miss nya ang boyfrend!

Hindi nalang nya pinansin ang dalagang nasa likod nang binata. Sasalubungin nya at hahalikan si Romeo sa pisngi. Naka-tingkayad na nga siya at matangkad si Romeo.

Pero laking gulat ni Jenny nang nilagpasan sya ni Romeo na parang walang napansin.

PAra tuloy syang binuhusan nang malamig na tubig sa katawan. Kahit alam nyang malaki ang kasalanan sa nobyo, hindi parin akalain ni Jenny na ganun ang gagawin ni Romeo.

Parang gustong umiyak ni JEnny sa pwesto kung saan sya nakatayo. Malaki pa rin ang galit sa kanya ni Romeo. Bakit pa nga ba sya nagtataka, pinagtaksilan nya ang nobyo na nuo'y halos sambahin sya, paglingkuran at alagaan.

Naiwan syang nakatayo sa harap nang bahay nila Romeo, habang isa-isa nang pumasok ang mga kaibigan ni Romeo.

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

Dinirecho ni Romeo ang kargang di kilalang dalaga sa CR nila. Malaki ang Banyo nila Romeo. May malaking bathub pa. Malawak. Maganda ang hitsura.

"Psst... dito... maligo ka daw sabi ni Mama... Oh baba na..." sabi ni Romeo sa dalaga.

"Ayiiiieeee" ang parang tonong pag-ayaw nito. Kumapit pa lalo kay Romeo. Parang gusto

isama ang binata sa loob ng banyo.

"NAku... Miss.. Di pwede..." si Romeo. Pero kapit na kapit pa rin ang hubong Dalaga sa

likod nya. Umakap hindi lang pati kamay, kundi pati ang mga hita at paa.

"Hoy! Hoy! Bumaba ka Diyan! Pagsasamantalahan mo pa si Romeo ko ha!" si RAchel na

pilit tinatanggal ang pagkakapit nang dalagang Bold kay Romeo.

"AYYiiieEE!! Yiyiyiyiy...Yiyiyiyi..." ang parang hagulhol nag dalaga.

"Ark! " si Romeo na nasakal dahil sa tindi kumapit nang di-kilalang dilag.

"Bumaba ka! Bumaba ka sabi..." si RAchel.

"Teka lang mga iha... Ay! WAg kayo mag-away..." nang makita nang mama ni Romeo

ang pagkakagulo nang mga babae.

"AYIE! AYIEYE!" ang tila parang sumbong nang dalagang Bold kay Alma.

"Hon... Aba! At marami pala tayong bisita..." biglang dating ni Ranilo, ang daddy ni

Romeo galing sa may likod bahay.

"Good afternoon po" bati nang karamihan ng mga dalaga sa Daddy ni Romeo.

Kasama naman dumating ni Ranilo si Lolo Reuben...

"UhLaLa! Puro mga CHICKAS! Pakilala mo ako sa kanila Romeo, Apo! " si Manong

Reuben na kumislap ang mga mata sa mga nakitang kadalagahan.

Mula kay Rachel, Jasmine, Nia, Jenny, at ang di kilalang Bold na dalaga...

Palipat-lipat ang mga manyak na mata nang Lolo ni Romeo. Halos magkandulawa na sa pag-sipat sa mga kababaihang kaibigan ni Romeo.

TOK!!

"Dyaske kang matanda ka!! Ang tanda mo nang wala ka pa ring pinagkatandaan... Uwi!

Uwi sa Bahay!! " si Lola Theodora na biglang sulpot sa likod nang matanda.

"Theodora naman, napapahiya ako sa mga bisita..." si Lolo Reuben na wala nang

naggawa.

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

-----------------------------------------

"Halika iha... sumama ka sakin... Hindi pwede sumama ang lalake sa paliligo nang

katulad mong babae.... " ang malambing na pakiusap naman ni Alma sa dalagang karga

ni Romeo sa likod.

"Ayiiiiee?" ang sagot nang Bold na dalaga na mejo parang nagdadalawang isip pa rin.

"Uu... o-sha... baba ka na diyan... Hindi naman aalis yan si Romeo... di ba Anak?"

"O-Oo... OO! Dito lang ako pangako..." dugtong pa ni Romeo sa sinabi nang Ina.

Doon lang bumaba ang hubad na dalaga, pagbaba biglang nahulagpos ang pagkakatapis nang telang suot-suot.

"OH MY LHORD!! " si Herberto na napatakip sa may ilong nyang parang may tumulong

dugo nang makita tuluyang nahubo ang di-kilalang dalaga.

"You Perverted..." si Nia nang makita ang Accompanist.

"Wow... " Si Richard naman, di mapigilang hindi mapatingin sa Bold na talaga ngayon

dalaga.

BOG!!

"Akk!!" Si Richard nang dibdiban sya ng malakas ni Jasmine.

"Ang mata mo! Ang Mata mo!" sabi pa nang kalinara sa Kababata.

"O-OO! OO Jasmine!! Di naman sinasadya e... Alaay ko... Tsakit... " Si Richard na halos

maubusan nang hininga.

"AYYY! Pogi baka makita mo!" si Rachel naman na biglang tinakpan ang mga mata ni

Romeo.

"Araykup! Wag naman pati ilong ko... Teka" si Romeo na nahirapan makahinga.

"AY Sorry Pogie!! " si Rachel na nagpanic nang kaunti.

Mabilis na inalalayan naman ni Aling Alma ang walang saplot na dalaga sa loob nang
CR.

"Kayong mga lalaki... Duon sa likod! Sa likod!" paglabas ni Aling Alma nang CR.

"Opo Ma" si Romeo.

"O-opo ALing Alma..." si Richard.

"Yes po Mam!" si HErberto.

Magkakasunod lumabas ang tatlong binata papunta sa likod bahay. Dumaan sa may kusina... naglakad sa isang pasilyo. Lumabas nang pinto. May Dirty Kitchen... paglabas pa uli duon ang likod bahay.

Duon parang may isang malaking igiban nang tubig. Isang malaking palanggana. Si Isko iniigiban na ang malaking palanggana nang maraming tubig.

"Sige na Kuya Romeo... Kuya Richard... MAgbanlaw-ligo na kayo diyan. Ako nang bahala"

si Isko habang patuloy sa pag-igib ang binatilyo.

"O eto ang tabo Romeo... Andudumi nyo! Eto ang sabon at shampoo..." abot ni Alma

nang mga gamit pang-ligo sa tatlong binata.

"Thank you po Ma. " Si Romeo, nakangiti.

Ganun din si Richard.

"Salamat po Aling Alma" ang ngiting ubod nang tamis.

"Thank you po! " Si Herberto naman.

Nang maka-alis na ang Mama ni Romeo.

"O eto oh, " abot ni Romeo sa karibal. Hindi na naka-ngiti.

Ganun din ang karibal na si Richard. PAgka-alis na pagka-alis ni ALing ALma, sumimangot na rin.

ETo na naman tong dalawang to. Naisip ni Herberto habang nagtatanggal nang suot. Itinira ang panloob na shorts na hanggan tuhod at sando.

Saglit lang at naka-boxer shorts nalang si Romeo. Si Richard naman ay nagtanggal hanggan, briefs nalang ang natira.

Kapwa matangkad, kapwa matikas ang mga katawan. Mas maitim nang kaunti ang balat ni Richard.

"Liguan na!!" si Richard biglang salok nang tubig sa napalaking palanggana. Sabay

buhos nang buong lakas.

Nakampucha! Si Romeo nang matalsikan nang tubig. Kuha na rin nang isa pang tabo
at nagbuhos.

Parang nagpaligsahan ang dalawa sa pagligo. Dahan-dahan naman sa pagsingit si Herberto sa dalawa.

"Ano ba naman tong dalawang to, Anggugulo..." sa isip ni Herberto.

"Maligo ka na!!! " sigaw ni Richard sabay binuhusan nang tubig bigla si Herberto.

"WORROOOHHH!!! Anlamig!!" sigaw ni Herberto.

"Wag ka nga magulo! Nagsasabon na kong..." si Romeo na natalsikan pala sa pagbuhos

ni Richard.

"Ang Arte mong... " si Richard, sabay buhos uli nang malakas.

"Para kang Kiti-kiti!" si Romeo.

Patuloy lang sa pagsasagutan ang dalawa habang naliligo.

Nagkatinginan nalang si Herberto at Isko. Napapatawa nalang sa dalawang binatang parang mga malalaking bata kung mag-away.

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

----------------------------------------------

"Wow! You're a prettly little thing!!" si Nia.

Nang makita nila ang kahubaran nang di-kilalang dalaga.

"Ayi?" sabi nito.

Mahaba ang magandang buhok nito na abot halos hanggan paa. Ang kapansin-pansing kayputi at makinis na balat nito.

"Hey, I finish putting water, come... You can go in now..." muwestra nang Mishrin sa

magandang dilag sa may malaking bathub.

Parang naintindihan naman ito nang babae. Sumalang sa bathtub na puno nang tubig. Doon na nakita ang tunay na pagkatao nang di-kilalang dalaga.

Ang mga paa nito, mula balakang pababa... Unti-unting naging isang mala-isda. Isang makinang na kulay Silver! Kumikinang sa pagkakababad sa tubig.

"Ang Ganda!! Isa ka palang sirena!" si Rachel sa pagka-mangha.

"Ayii" ang dalagang sirena.

"Yung nakita namin ni Romeo, ikaw yun..." si Jasmine napangiti nang sumungaw at

silipin ang dalagang nakababad sa tubig.

"Ayii!"

"Teka nga, Teka nga! Ikaw ba eh walang ibang alam sabihin kundi Ayie?" si Rachel.

"Ayie!" sagot kaagad ng sirena.

"Hayyy" si Rachel na parang napakunot ang noo.

"What are you waiting for? Lets wash up! " si Nia Wohlenger.

Doon na naghubad nang kanya-kanyang mga kasuotan ang mga kadalagahan.

"Wow! Jasmine! Youre really beautiful and youre body is Perfect!! So that's why those

two boys are head over heels for you!" puri ni Nia nang makita ang kahubaran nang

Kalinara.

Totoo nga namang, ang perperktong at tayung-tayong mga suso at ang sakto lang na pagkaka-kurba nang balakang. Kahit sinong Anak ni Adan ay siguradong matutukso sa kagandahang pinagpala!

Bukod pa sa mukhang kayganda... Parang noong nagbuhos nang kagandahan ang Gumawa, kay Jasmine lahat napunta!

"Thank you..." nahihiyang si Jasmine. Naconcsious nang pansinin ang kahubaran nya

nang Mishrin.

"Hmmm... Hindi lang si Jasmine ang maganda rito ai!" si Rachel nang maghubad.

"Whoa Girl! That's some really Hot Body you got there huh!" nang mapatingin ang

Mishrin sa dalagang Galeya.

Ibang lebel naman ang kaseksihan nang dalagang si Rachel. Yun pag dumaan sa beach siguradong mapapatingin ang mga lalaki! Kasabay nuon ang mukhang parang laging nang-aakit at sensual.

PAgkatapos noon ang dalagang mandirigma naman ang napagmasdan nang dalawang dalagang Probinsya...

"Grabe! Pwede ka sumali sa Miss Universe! Di ba Jasmine?" si Rachel. Puri sa

kagandahan din nang Mishrin.

"Uu... Pwedeng-pwede..." ang segunda ni Jasmine sa kaibigan.

"Sheeeshh... Those are for Girly-girls... Not my cup of tea friends..." ang sagot nalang ni

Nia sa dalawa.

Sabay talikod para buksan ang Shower. Pinagmasdan nang dalawang dalaga si Nia. Sa tangkad nito at kagandahan. Pagsuotin mo lang ng Two-piece pwede mo na isali sa mga Beauty Pageant.

"Hinde nga! Di kami nagbibiro!" si Rachel.

"Stop that talk... It's time to take a bath Girls!! " todo ang lakas ng Tubig... Biglang

tinutok nang Mishrin ang malakas na Shower sa dalawa.

"AAYYYY!! EAYYAAHH!! Sigaw ni Jasmine at Rachel sa ginawa ni Nia.

"AYYIIIEE!" kisali naman ang dalagang di-kilala nakababad sa bathtub.

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

-------------------------------------------------

"Jusmiyo... Anong ginagawa nang mga yun duon sa banyo... " si Aling Theodora habang

naghahanda nang makakain sa may hapag-kainan kasama ang bagong kasambahay nila

Romeo na si Pyar.

Dinig na dinig sa buong kabahayan nang Pamilya Florentino ang mga tilian at hiyawan nang mga kadalagahan.

"Hahah... kakatuwa talaga yung mga batang yun eh" si Alma.

Tahimik lang naman si Jenny. Ang iniisip ay si Romeo. Nasaktan sya sa hindi pagpansin sa kanya nang nobyo. Oh pwede na rin sabihing ex-boyfriend? Siya nalang ata ang nag-iisip na sila pa rin nang binata.

"Jenny Iha..." si Alma.

"Po-poh?"

"Pakitingnan mo nga kung tapos na ang mga binatang yun doon sa may likuran...

tawagin mo na sila Romeo..."

"O-Opoh Tita" si Jenny.

Siyang dating naman ni Aby ang bunsong kapatid ni Romeo. Nakapamasok pa itong uniform sa katabing bayan.

"Hi Ma! Hi Ate Jenny??!" si Aby.

"Hello Abs!" sagot ni Jenny. Hinalikan pa sya sa may pisngi nang nakababatang kapatin

ni Romeo.

"Kelan ka pa dumating Ate?!"

"Ngayon lang"

"Hihi Na-Miss ka ni Kuya!!"

Napangiti nalang si Jenny. Siguro hindi pa alam nang mga ito kung ano talagang nangyari sa kanila nang Ex.

"AYYYIIEEE!! AAYYYYY!! HAHAHA! WAG!! WAG!! TIMEPERS!! AYOKO NA!" ang

mga sigawan ng mga babaeng nagmumula sa CR.

"Ma! Whats that? Anong Meron?" nang marinig ni Aby ang kaguluhan sa banyo nila.

"Ahh... Wala yun... mga kaibigan ni Kuya Romeo mo" sagot naman nang inang si Alma.

"Ahahaha puro babae... lagot si Kuya kay Ate Jenny" si Aby.

Duon na tumalima si Jenny para puntahan si Romeo. Nasasaktan siya na akala nang pamilya nito na sila pa rin. Pero ang mismong binata ay hindi sya pinapansin.

Paglabas nya sa may pintuan sa likod. Unang nakita at hanap nang mata ni Jenny ang dating nobyo.

Nasa parte na nagbabanlaw ang mga binata...

Si Romeo! Suot lang ay boxer shorts... Tiningnan mula ulo hanggan paa ni Jenny ang dating nobyo.

Ang guwapo at maamo nitong mukha! Doon sya nakaramdam nang sobrang pagka-miss sa binata. Parang gusto nyang halikan ang labi nito. Ang mga pisngi!

Bumaba ang mga tingin nang dalagang-tiga-maynila sa katawan ng binata. Oh My! Ang katawan nang Ex! Napalunok si Jenny. Hindi na ito katulad ng dati.

Ngayon maganda na ang pangangatawan nang binata. Anong meron sa probinsyang ito? Ano ang mga pinagdaanan ni Romeo?

Nakaramdam nang pag-iinit si Jenny. Napalunok... Anong nangyayari? Mabilis ang tibok ng Puso. Nag-iinit ba sya? Nagnanasa?

Pilit pinigil ni Jenny ang nararamdaman. Unting segundo pa at baka tumakbo na sya sa piling nang binata! Tiningnan naman ni Jenny ang ibang kasamang naliligo ni Romeo.

Yung isang nakasalamin... naka-suot ito nang mahabang shorts. Sakto lang ang katawan. Mas maliit kay Romeo. May itsura rin ito at may pagkacute din.

"SARAP MAGBANLAW!!" sigaw nang pangatlo pang binata.

Duon napatingin si Jenny sa isa pang binatang nangangalang Richard. Ito yung halos kasingtakad o mas matangkad pa nang kaunti kay Romeo.

Gwapo rin ito... Mas matipuno nang kaunti ang pangangatawan kay Romeo nya. Mas maitim ang balat. Pababa pa ng pababa ang tingin nang dalaga huli na napansing nyang naka-brief lang ito!

Habang nagbabanlaw, pinasok pa nito ang isang kamay paloob, sa may bandang harapan nang brief at binuhusan nang tubig ang ari ata nito.

"WWOOOH SARAP!" sigaw pa nito.

"Ay Shit! BASTOS!" di napigilang napatili nang dalagang tiga-maynila.

Doon namula at nagtakip nang mukha si Jenny. Napatingin na rin si Romeo sa dating girlfriend.

"Je-Jen-Jenny?!" biglang talikod ni Romeo.

"Miss!! Miss Jen!" talikod din ni Herberto.

Si Richard naman ay parang walang naririnig at patuloy lang sa pagbanlaw. Sinuksok naman ang kaliwang kamay sa may bandang likod naman, paloob ng brief at taas-baba ang kamay habang patuloy ang pagbuhos nang tubig sa katawan.

"HAAY SARRAP!" sigaw pa nito.

"Ku-Kuya... Kuya Richard may babae" pilit binabalaan ni Isko ang binata.

Nakita naman yun ni Romeo.

"Huy! May babae! Tigilan mo na yan!" si Romeo.

Pasipol-sipol pa si Richard, nagbuhos pa uli. Parang hindi narinig o ayaw talaga pansinin ang karibal.

Wutangina talaga tong lintek na to! Sa isip ni Romeo. Si Jenny parang tuod na doon sa may pintuan nang likod bahay nila. NAkatakip nang mga kamay, pero parang nakasilip pa rin sa kanila.

Doon na nilapitan ni Romeo sa may bandang likod si Richard. Walang malay ang binatang may anting nang Apoy.

Sinipa nang ubos lakas ang karibal sa may likuran nang puwit!!

"Umm!! Wutah ka!!" malakas ang boses ni Romeo nang gawin yon.

"Enghh! Patay na!" si Herberto. Alam na nya ang kasunod nito.

"Kuya! Anong!" si Isko rin nagulat.

SPLASHH!!!

Nang tumilapon sa may malaking batya nang tubig si Richard. Nalublob ang buong katawan sa tubig doon. Nagkakawag pa ito bago naka-hangos mga ilang segundo rin.

Mabilis ding nakatayo ang binatang may kapangyarihan nang Apoy.

"Uhu! Uhu! AAHHHH!!! Sinong??!" sigaw agad nito. Galit na galit ang mukha. Parang

nakainom nang tubig ang itsura.

Mabilis na Tumalikod naman ang binatang si Romeo.

"ROMEO!! IKAW YUN NO!!" si Richard.

Hindi naman sya pinansin nang binatang, kunwa'y walang alam.

"TANGINA MO KA!!" sabay sugod ni Richard sa kalaban sa pag-ibig.

Mabilis na binigyan nang headlock ni Richard si Romeo.

"AHHK! WUTANGINA MONG!!"

Pilit kumawala ni Romeo sa pagkaka-ipit nang ulo, biglang nadulas ang dalawa sa basang makinis na Semento.

Blag!! Pero hindi tumigil ang dalawa... Nagpatuloy mag-panangbuno kahit may nanunuod na mga tao!

"Ayy!!! Tita! TITA!!" sigaw ni Jenny.

"Me-May mga Tao na!! Awat na!! Sigaw naman ni Herberto.

Duon naman nagsidatingan si Lolo Reuben at ang daddy ni Romeo'ng si Ranilo.

"Ano YAN??! Tama na YAN!! Richard!! Romeo!!" sigaw ni Ranilo sa dalawa.

Paikot-paikot pa ang dalawa habang palit-palit sa kung sino ang nasa ibabaw! Parang nagwre-wrestling na may halong Ju-jitsu!!

"Umm!!UMMM!!

"TANG!! YAN-YAN!!"

Ang mga sagutan nang dalawa habang nagpupung-sagupa pa rin sa may basa at madulas na likod palikuran.

"Dyaskeng mga bata to!! Away nang Away!! " si Lolo Reuben.

"WHAT THE FUR!!! Herberto!! Do Something!" nang mapasilip ang nakatapis lang na si

Nia Wohlenger sa may pinto.

"Nyie! Miss Nia! Anong maggagawa ko sa dalawang yan!" sagot nalang ni Herberto.

Isa-isa nang sumilip ang mga kadalagahang naliligo kanina. Lumabas sa may pintuan sa likod nang bahay.

"Pogie!! Ricardo!!" si Rachel na gulat na gulat.

"Ayiee?!" ang sigaw ng dalagang di-kilala.

Huling sumilip si Jasmine. Ang dalagang tinatangi nang dalawang binata.

"JASMINE OH!!" malakas ang boses na sumbong ni Rachel sa kaibigan.

Nang marinig kapwa nang dalawang binata ang pangalang Jasmine. Doon lang tumigil ang dalawang binata.

"AY! POGIE!!! ANO BA YAN!! " si Rachel na nanlaki ang mga mata.

"AYIEE!!!" ganun din si di-kilalalang dalaga.

"OH MY GOLLY!!" si Nia.

Si Jenny naman ay tahimik rin lang na napasilip sa pag-aari nang nobyo dati! AY Grabe!! Sa isip lang habang naka-silip sa pagitan ng mga butas nang mga kamay.

Doon lang napagtanto nang dalawang binata, halos mahubaran sila pareho. Si Romeo halos kita ang harapan... nakababa ang suot na panloob at boxers. Si naman Richard kita ang kuyukot nang puwitan. Mabilis na tumagilid... Sabay na nagtaas nang kanya-kanyang mga suot ang dalawa. Nanginginig sa hiya at takot. Ang mga itsurang parang mga basang tuta sa ulan.

"So-Sorry po!! Sorry Po!!" si Richard.

"Daddy... Ma... Sorry..." si Romeo.

Di nila napansin ang paglapit nang dalagang si Jasmine sa dalawa. Nakatapis rin lang... naglakad patungo sa dalawang binata.

"Iha!" sigaw ni Alma.

"Ayan! Yan! Patay kayo ngayong mga dyaskeng Bata kayo!" Si Lolo REuben.

Sumunod noon ang mga sigawan nang dalawang lalake.

"AH-ARAY!! ARAY!! SAGLIT MASAKIT!!"

"TE-TEKA LANG!! SYA ANG MAY... ARRAY KU!! MAHUHUBARAN AKO!!"

Sa gitna pala nang dalawa binata, kurot-kurot nang Kalinarang si Jasmien ang mga tenga ng mga ito.

"Ahhahaha!! Sige iha... Si Jasmine lang pala katapat netong mga to eh!" halakhak ni

Ranilo ang Daddy ni Romeo.

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

------------------------------------------------------

Vladeria Artemitifiri...

Sa malamlam na liwanag nang mga nagliliyab na sulo nang apoy. Nakaupo sa isang malaking throno ang isang magandang babaeng naka-bihis nang pormal ng mga sinaunang panahon.

Maya-maya umangat ang ulo nito... may tumulong dugo sa mula gilid ng labi.

DAG!! Itinapon sa isang tabi ang halos wala nang buhay na binatilyo. Sa may leeg nito ang dalawang butas. Mga pamilyar na kagat nang isang bampira.

"Huummm... refreshing! Nothin like a young un' to satisfy my hunger!" sabi ni Vladeria... Ang

Ina... Ang Reyna nang mga Bampira.

May lumapit na isang binata... pormal din ang kasuotan...isa ring bampira.

"Would you like one more my Queen...?" tanong nito.

"Who are you...?"

"Joel... my Queen..."

"Where are my Guardians? "

"I believe they are already on their way back My Queen..."

Biglang bumukas sa di kalayuan ang pintuan papasok sa madilim na malaking lugar. Pumasok ang kaunting liwanag mula sa itaas. Doon nakita sa malaki at pahabang Hallway...

Ang pagkaraming mga Bampira!!

Mga lagpas Dalawampu sa kanan... ganoon din sa kaliwang parte ng sementadong dingding. Nakalinya nang maayos. Parang mga sundalo sa pagkakatayo.

Mga Firstbornes!! Ang mga itsura nito ay mga foreigner na mga dalaga't binata. Lahat magaganda at gwapo ang mga itsura. Mga pormal ang suot

Naunang pumasok, akay-akay nang mga first bornes ang malaking si Max. Wala na itong pang-itaas. Wasak-wasak ang pang-ilalim na slacks.

"My Queenn... urrrhhh..." sabi nito.

"Disgusting... put him in the other room..." sabi nang Reyna.

"Yes our Queen" sagot nang dalawang binatang lalaki na umaakay kay Max.

"But... My Queeen" parang apela pa nang malaking bampira.

Pagliko sa kanan, pinagbuksan nang mga bampira sa gilid ang isang pinto. Doon nga dinala nang dalawang bampira si Max... ang isa sa mga Tiga-bantay.

Sumunod na pumasok ang dalawang nag-aakay naman kay Alberto. Isang dalaga at binatang First bornes... Puno nang hiwa ang kasuotan nang bampira. Wala pa itong malay.

Sumenyas na si Vladeria nang makita si Alberto. Lumiko din ang mga may dala sa bampira sa kung saan dinala si Max.

Ang huling pumasok ay si Alfredo, akay-akay ni Johannes.

Wasak-wasak ang kasuotan nitong pang-itaas at pang ibabang pormal attire. Butas-butas at duguan.

Initaas nang Reyna ang kanang kamay na senyas na pinapalapit ang dalawa.

"I'm very disappointed Alfredo... Didnt I tell you to always take care of youre face? Now look

at you... You're filthy... you're beyond disgusting... tsch..." sabi ni Vladeria.

"So-sorry my Queen..."

WAMPVS!!! Isang mahinang-mabilis na kumpas nang Reyna Vladeria nang kanang kamay. Tumalsik sa malayo ang Tigabantay na si Alfredo!!

BAGGSSH!!! Nang tumama ito nang malakas sa sementadong Dingding! Sa lakas ay nag-krak ang paligid kung saan tumama si Alfredo.

Gustong makialam ni Johannes, pero delikadong makialam sa Reyna pagganito ang mood nito.

"Uhu-uhu-Urk..." Si Alfredo. Naka-tukod kapwa ang tuhod at mga kamay.

Gustong rin tumulong nang ibang Firstbornes, pero natatakot sila sa Reyna. Siguradong pag napagbalingan ka ng galit ni Queen Vladeria...

"Come... come my dear..."

"Ye-yes my Queen..." si Alfredo pilit tumatayo nang mabilis. Pumatak ang dugo mula sa sugatan

pa ring bampira.

Kitang-kita sa Reyna Vladeria ang unti-unti na namang naiinis ang mukha sa bagal ni Alfredo. May isang babaing Firstborne ang nagtangkang alalayan ang sugatang bampira.

"Don't..." ang mahinang usal ni Vladeria. Lumabas ang isang pangil nito. Nakakatakot ang itsura

nang Reyna.

Alam na ni Johannes at nang mga bampira yun. Bumalik sa dating pwesto ang babaing bampira. Kaawa-awa si Alfredo habang dahan-dahan ang paglalakad patungo sa Reyna nila.

"Hihihi... You look pathetic you stupid fool..." ang tila nasisiyahang Reyna.

Hanggan sa ilang minuto ang lumipas... nasa harapan na rin sa wakas ni Vladeria ang tiga-bantay nyang si Alfredo. Inilawit nang Reyna ang kanang kamay nito sa harapan ng tiga-bantay.

Mabilis na hinalikan naman ni Alfredo ang itaas nang kanang kamay ni Vladeria.

"And now... for your reward..." ang Reyna.

TIK! Ang pagpitik ng kamay nang bilang senyas para sa isang bagay.

Bumukas uli ang isang pinto sa kung saan ipinasok sina Maxx at Alberto. Lumabas duon ang isang bampira may hawak na isang dalagang nakahubad. Parang isang bihag ang itsura nito. Tulala at parang isang sunud-sunuran nalang.

TIK! Isa pang kumpas nang kamay nang Reyna. Biglang hinawakan ng dalawang bampira ang babaing bampira na balak tumulong kay Alfredo kanina!

"My Queen..?!" ang sabi nang babaing isa ring Firstborne.

"Come...Come..."

Kapwa itinabi ang dalawang babae sa may magkabilang tabi ni Alfredo.

"No My Queen..." mahina ang boses ni Alfredo.

"YOU WILL!!! AND YOU WILL NOT DISOBEY ME AGAIN ALFREDO!!" ang galit

nang tono nang Reyna.

"Ye-Yess My Queen... As you wish..." napilitang sagot nang tiga-bantay.

Nanginig saglit ang paligid sa galit nang Reyna. Kinabahan ang mga First borne Vampires maging ang tigabantay na si Johannes. Nilipad ang mahaba nyang buhok.

Hinarap ngayon ni Alfredo ang babaing bampira.

"It's alright Master Alfredo..." ang sabi nang bampirang babae sa kanya.

Maganda ang dalagang bampira na yun na may pagka-brown ang kulay nang buhok at lagpas lang ng tenga. Iniayos ni Alira ang buhok... Itinagilid nang bahagya ang ulo... Lumitaw ang maputing leeg nito...

"I'm sorry... Alira..." si Alfredo.

Pagkasabi nuon mabilis na sinagpang ni Alfredo ang leeg nang babaing bampira nagtangkang tumulong sa kanya kanina. Baun na baon sakto sa mismong pinagdadaluyan nang ugat ang mga pangil nang tiga-bantay! Sunod-sunod agad ang ginawang paglunok at sipsip. Mabilis na naubos ang lakas kasunod nang pagka-ubos nang dugo nang bampirang si Alira!

Mabilis namang bumalik ang kapangyarihang Aura nang dilim ni Alfredo. Sa buong katawan bumalot ang mahinang baluti nang Aura.

Hindi tinigilan nang tigabantay ang dalagang bampira, hanggan sa lumaylay ang mga kamay nito sa pagkaubos nang dugo.

Duon na itinigil ni Alfredo ang pagsipsip sa dugo ni Alira. Kung itinuloy pa nya nang ilang segundo ay baka ikinamatay na ito nang babaing bampira.

"Good! Good! But you got to finish it..."

"No-no my Queen... Please..." ang pagmamakaawa ni Alfredo.

Si Alira ay isa sa mga bampirang sinanay ni Alfredo nuon sa Europa. Kaya ganuon na lamang ang pag-mamakaawa ni Alfredo.

"Will you do it or not?" madilim ang ngiti nang kaygandang mukha nang Reyna Vladeria

Artemitifiri.

"Ye-yes..." si Alfredo.

Hinawakan naman nang nanginginig nang mga kamay ni Alira ang braso ni Alfredo.

"I-its ok Master, If its you... Its ok..." pilit ngumiti nang nanghihina nang bampirang dalaga.

"I'm sorry... Alira..." at duon na muling kinagat ni Alfredo ang babaing bampira.

Napapapikit na ito habang tuluyan nang sinaid ni Alfredo ang natitirang dugo at Aura nang kadiliman.

Wala nang buhay si Alira nang tigilan ni Alfredo. Nang bitawan nang Guardian Vampire ang dating estudyante. Pumatak ang ilang luha mula sa mga mata ni Alfredo. Dahan-dahan nyang ibinaba ang katawani Alira sa malamig na sementong sahig.

"Very Good Alfredo! Very Good!! " ang Reyna na pumalakpak pa.

"Te-Thank you my Queen..."

"And now for the Dessert..." tumingin si Vladeria sa dalagang taong hubad sa may kanan ni

Alfredo.

Kahit ayaw... Lumapit si Alfredo sa dalagang tao. Matagal na syang hindi pumapatay nang mortal na tao. Pero alam ni Alfredong mas lalo lamang magiging malupit ang Reyna kung magpapakita pa sya nang pag-aalinlangan!

Parang wala namang alam sa mga nangyayari ang dalagang Tao. Nang biglang sagpangin na rin ni Alfredo ang malambot at maputing leeg nang mortal na Dalaga!!

Walang tigil ang ginawang pagsipsip ni Alfredo sa buhay na dugo nang babae, hanggan sa nangisay ito! Tanda nang papaubos na ang nananalantay na dugo sa katawan!!

Duon nagliyab ang napakalakas na Aura nang Kadiliman ni Alfredo.

"Perfect... One of my favorite Guardians... Alfredo..."

Nang matapos ang tiga-bantay sa dalaga. Muling humarap ito sa Reyna Vladeria. NGayon bumalik sa dati ang pangangatawan!! Ang mga sugat ay nawala na! Ang kapangyarihan napakalakas!

"Now... Dont ever... Hold youre power back again Alfredo..." sabi nang Reyna.

"Yes my Queen... My Highness..." Si Alfredo... malamig na ang tono nang boses nito. Ang mga

mata puno na nang lupit. Hindi na ang dating mabait na Alfredo.

"AHAHAHAHAA!! My Black Death Alfredo is Back!!" tawa nang Mahal na Reyna nang mga

Bampira si Vladeria Artemitifiri.

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

----------------------------------------------------------

Isa-isang nagdatingan sa hapag kainan ang mga bisitang dalaga nang Pamilya Florentino. Suot-suot ang mga hiniram na damit mula bunsong kapatid ni Romeong si Aby at Mama nyang si Alma.

Si Rachel na naka-pink jogging pants at pulang damit.

Si di-kilalang dalaga na pagka-cute tingnan sa suot-suot na isang Puting T-shirt na pantulog may Hello Kitty sa harapan. Mahaba na yun hanggan sa may hita.

Si Jasmine, pagkaganda sa suot na Bulaklaking Duster, pinahiram nang mama ni Romeo.

Si Nia Wohlenger, fit ang suot-suot na shirt at naka-hanging pa dahil sa matangkad at shorts na pang-alis ni Aby. Bakas tuloy ang kaseksihan at magandang hubog nang katawan.

Ang mga lalaki naman...

Simpleng Tshirt at shorts na pambahay.

May sariling damit si Herberto at laging bitbit ang backpack na may extrang mga kagamitan.

Si Richard naman ay pinahiram nang damit ni Romeo.

Inis na inis si Romeo at kelangan nya ipasuot ang T-Shirt at Shorts nya sa Karibal. Pero wala siyang maggawa at utos nang Daddy at Mama nya.

Hindi rin sya makatanggi at may kasalanan pa sya sa Daddy nya. Yung kaninang nag-away sila ni Kulupong.

Siguradong isa pang atraso at magaggalit na sa kanya ang Daddy nya.

Ganun din naman si Richard. Wala nang maggawa at wala syang susuotin. Pero merong isang hindi ipinahiram si Romeo sa karibal...

Lecheng... Hirap neto ah... Di ako sanay!! Isip ni Richard.

Paano'y wala syang suot na brief. Di kaya masilipan ako nito? Tangina naman talaga oh! Ingat na ingat sa paglalakad ang binata. Maluwag pa ang pinahiram sa kanyang shorts ni Manila boy! Sinasadya talaga!! Putang-ina humanda ka sakin! Tatandaan ko to!! Grrrr!! Si Richard.

Naiilang... Paano'y maraming babae sa paligid. Pilit lumalayo sa kababatang si Rachel at magaslaw ito. Baka biruin sya at mahubuan pa sya nang shorts. Mabisto pang wala syang suot na brief!! Oh My Gulay!! Nakakahiya!! Andito pa naman si Jasmine!! Siguradong Bawas Pogi points!! Ang mga naiisip ni Richard bilang pag-aalala.

Ehehehehe... Magdusa kang Kulupong ka!! HEHEHE!! Patawa-tawa sa loob si Romeo.

Habang papunta sa dining room, tumabi pasimple si Richard kay Herberto.

"Psst... Uy!" sitsit ni Richard sa Accompanist ni Nia.

"Ye-yes? Bakit?"

"Me-me-meron ka ba dyang... perdible?"

"Ano yun?"

"Perdible... Yung..." Pinakita pa ni Richard kay Herberto kung para saan ang gamit.

"Ahh! Pin! Yup Meron!" Ang naliwanagan na ring si Herberto.

Pasikreto pang nag-abutan ang dalawang binata, Si Richard palinga-linga pa sa paligid. Patuloy naman sa paghag-gikgik si Romeo sa tuwa.

© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

---------------------------------------------------------

"Kumain kayo nang kumain ha..." ang sabi ni Ranilo sa lahat.

Sa malaking Dinner table nang Pamilya Florentino. Nakahanda ang isang parang mala-piyestang hapunan! Kaydaming mga pagkaing Filipino! May idinikit pang isa pang lamesa sa may main dinner table para magkasya ang lahat.

May bulalo, may prinitong bangus, may laeng, may sinigang, may lumpia, may liempo, may pritong tilapya, may fried tsiken, at marami pang iba!

"YES! OF COURSE SIR!" sagot nang parang sabik na sabik na si Nia. Nagniningnging pa ang

mga mata nang Mishrin habang nakatingin sa mga pagkain.

Nakita yun ni Herberto. Di na sya nagtataka. Isa sa mga pinakamatakaw na Mishrin sa kasaysayan etong si Nia Wohlenger ang 7th Rank na Mishrin!!

"AYIEE!!! ang masigla ding sagot nang di pa rin kilalang dalaga.

"Hoy! Hoy! Saglit lang..." pigil ni Rachel sa dalaga na balak nang mauna.

"Ahahaha... kakatuwa naman tong mga batang to..." si Alma.

Mula sa pinaka-unahan ng lamesa anduon si Ranilo. Sa kanan ni Ranilo ang asawang si Alma, kasunod ang mga lalaking si Romeo, si Herberto, si Isko, Si Richard, si Lolo Reuben at ang asawang si Lola Theodora.

Sa kaliwa naman ni Ranilo, si Jenny kasunod si Aby, Jasmine, Nia, Rachel, si di-kilalang dalaga at si Pyar.

"What are we waiting for? Its eating Time!! Hihi!" si Nia. Nanguna na sa paglagay sa plato nya.

Si Romeo at Richard naman ay kapwa pasulyap-sulyap kay Jasmine habang naglalagay ito nang pagkain sa plato. Kapwa gusto katabi ang dalaga. Pero sadya talagang pinaghiwa-hiwalay ang mga kababaihan at mga kalalakihan.

Ahh! Makakain na nga lang!! Si Richard na naglagay na nang para sa kanya. Ganun din ang ginawa ni Romeo.

"Eh Kasi naman eh! Bakit ako ang katabi nito ni Sirena? " reklamo ni Rachel.

Parang wala kasing alam sa paggamit nang kubyertos ang di-kilalang dalaga. Si Rachel tuloy ang tiga-lagay nang pagkain sa plato nang sirena.

"Gusto mo ako na diyan iha? Hehe" si Lolo Reuben na naka-ngisi.

"Heh!! Magtigil ka diyan Reuben ha!!" saway ni Lola Theodora sa asawa.

"Darleng naman..." si Lolo Reuben na namula sa hiya.

"AYIE!! " ang tila reklamo nang sirena.

"Ba-bakit? Marami na yan ah..." si Rachel.

"Eto po ata gusto nya..." si Pyar. Nilagyan nang pritong isda ang plato nang di-kilalang dalaga.

"Ayiee!!" napangiti naman na parang napapaluha pa sa pagkatuwa ang sirena.

"Nyie! Akala ko hindi ka kumakain nang isda eh! " si Rachel.

"Miss Rachel, sa dagat yan ang mga kinakain nang mga Sirena. Mga isda at mga halamang

dagat." parang pangaral ni Herberto sa Dalagang Galeya.

"Ayan ka na naman Herberto eh, Pwede ba! pwede ba! Hah!" si Rachel na halatang inis.

"Ahahaha!! " tawa ni Nia.

"Miss Rachel naman..." Si Herberto.

Napapatingin nalang si Jenny sa maingay na mga kaibigan ni Romeo. Kitang-kitang ni Jenny kung gaano kasaya ang ex-boyfriend na si Romeo.

"Ranilo, ginaganahan talaga ako kumain ah! Puro mga magagandang dilag ngayon ang mga

kasama nating kumain!!" si Lolo Reuben na panay ang sipat sa mga nakahilerang kadalagahan.

Tiningnan nga ni Ranilo ang sinasabi ni Lolo Reuben... Pagmula kay Jenny, sa bunsong anak n... Read More


About the Author :

Joined: September 5, 2016 (1 year old)
Writings: 74

Send PM · Male · Offline

Long Time Reader.. New Writer
9791cloud.wordpress.com
9791cloud@gmail
45 comments   1 favorite   2,430 views