Vacation: Pandan Island, Palawan (3)

April 19, 2014 (2 years ago)
Posted in Blog: Taglish | Categories: Non-Erotic | Tags:

Sa mga islands ng Palawan na part ng Honda Bay ay ang Pandan Island. A small but beautiful paradise that can only accommodate tourists so much.

Few minutes mula sa port, Inang.grasya and her daughter, si Jazmine at ako lamang ang sakay ng boat na inarkila namin sa halagang P1,500. Exclusive sa aming apat ang boat kaya mas intimate ang ride. Napansin ko na ako lang pala ang lalake sa aming grupo bukod sa tatlong bangkero na nagtitimon.

Malayo pa ay natatanaw ko na ang pulo. It looks close pero mabagal lang ang takbo namin kaya mas lalong nakakasabik mapuntahan ang isla. Ang sarap pagmasdan ng hampas ng mga alon sa bangka habang palinga-linga sa karagatan. Katabi ko si Inang while across us ay si Jazmine at ang bata. Feeling prinsipe naman ako kase nakataas ang mga paa ko na banayad na minamasahe ni Jazmine hahaha.

Yun pa lang yata ang time na nakapagkwentuhan kami ng maayos mula ng makalapag kami sa airport terminal ng Puerto Princesa kaya panay lang kami tawanan at kulitan. Napag-usapan ang FSS at na-evaluate ang mga nagsidalo sa GEB.

Few more minutes and the boat started to slow down. I saw right before my eyes the magnificent beauty of Pandan Island. We immediately jumped from our seats at excited na pinagmasdan ang paligid. Napansin ko agad ang linaw at linis ng tubig. Maliit nga pero napakaganda naman ng pulo.

Crystal clear ang tubig at nakakasilaw habang tinatamaan ito ng sikat ng araw. Makikita mo ang ilalim sa sobrang linaw. Maputi at mapino ang buhangin ng isla. May ilang puno ng buko na nagbibigay lilim sa buong paligid ng pulo.

Napansin ko na ang daming turista from different parts of the world na ine-enjoy ang likas na yaman ng Pilipinas. Nagising naman bigla ang diwa ko sa paglalakad ng mga babaeng naka two-piece suit. Lalo tuloy tumingkad ang ganda ng Pandan Island. Napakagat-labi ang lolo!

May sumalubong sa amin para bigyan kami ng cottage. Then we just sat there the entire time. We ordered fresh buko for P25 only and enjoyed the serenity of the island. Nakakarelax para sa aming 3 adults while Inang's daughter immediately went to the waters to snorkel.

Ahhhhh..., sarap magbakasyon kapag ganito. Peaceful and quiet. Parang ayoko na ngang lisanin ang munting... Read More

About the Author :

Joined: February 7, 2014 (2 years old)
Writings: 20

Send PM · Male · Offline

Writer, blogger, sex guru etc..,
11 comments   0 favorite   1,175 views