Pagtutuos ng Libog - Kabanata 16 - 19

November 11, 2017 (10 days ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, Taboo, Mature, Reluctance, Romance | Tags: , , , , , ,

KABANATA 16

MARGIE's POV

Oh no. Si Ethan. Nabasa niya ang mensahe na nakalagay sa ibabaw ng dedication cake na binigay sa akin ni Joshua.

Ethan: What's this, Margie?

Naiiyak ako. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya?

Margie: Ah... Uhm... Ano kasi, Ethan, bi-bigay sa akin itong cake noong ba-bagong friend ko. Gu-gusto kong ikwento sa 'yo kaso lagi kong naka-nakakalimutan.

Yumuko na ko dahil hindi ko kayang salubungin ang titig ni Ethan na parang hinahanap sa mata ko kung nagsasabi ba ako ng totoo.

Ethan: Kaibigan? Kaibigan ba 'yang gusto kang ligawan?

Nag-angat ako ng tingin.

Margie: I-I'm sorry, Ethan. Wa-wala akong alam dito. Nga-ngayon ko lang nakita...

Ethan: Sino siya?

Margie: Ha?

Ethan: Sino 'yang lalaking nagbigay sa 'yo nitong cake?

Nakikita ko ang pamumula ng mukha ni Ethan. Nakakuyom na rin ang dalawa niyang kamao.

Margie: E-Ethan?

Ethan: Just tell me the fucking name, Margie!

Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Sumisigaw na si Ethan. Nagagalit na siya.

Margie: Ethan, maniwala ka...

Ethan: Sasabihin mo ba ang pangalan o hindi?

Napayuko ako at nagsalita ng mahina.

Margie: Joshua. Joshua Dela Cruz.

Nakita ko ang pagtalikod ni Ethan at dali-dali siyang lumabas ng dining room. Hinabol ko siya.

Margie: Ethan! Ethan, wait! Saan ka pupunta?

Tuluy-tuloy siyang lumabas ng bahay namin hanggang sa gate. Paglabas niya ng gate ay agad siyang sumakay sa kotse niya. Hinabol ko pa rin siya at kinatok ang bintana ng kotse niya. Hindi niya ko pinapansin.

Margie: Ethan, please! Kung may iniisip kang hindi maganda, pag-usapan muna natin.

Narinig ko ang pag-andar ng engine. Lumayo ako sa kanyang kotse. Sunud-sunod na ang patak ng luha ko. Ilang sandali lang ay humarurot na ang sasakyan ni Ethan palayo.

Margie: Oh, no. Ano ang gagawin ko? Baka puntahan ni Ethan si Joshua? Tatawagan ko si Joshua.

----------

THIRD PERSON POV

Nakatitig ang isang babae kay Hector hanggang tuluyan na nitong maisuot ang lahat ng damit na kanina ay hinubad nito para magtalik sila. Sarap na sarap ang babae sa unang pagtatalik nila ni Hector. Tama ang hinala niyang masarap talaga ang mga older men.

Babae: So?

Hector: So, what?

Magkasalubong ang kilay ni Hector.

Babae: Uhm... Kailan-kailan 'to pwedeng maulit?

Tumawa ng malakas si Hector.

Hector: Depende. Kapag nagsawa na ulit ako sa pakikipagkantutan kay Riza.

Yumuko ang babae na parang napahiya.

Babae: So hindi natin 'to ginawa dahil gusto mo ko?

Napangisi si Hector na parang nang-iinsulto.

Hector: Huwag ka ngang umarte diyan na parang ako ang lumapit sa 'yo. Ginusto mo 'to, di ba? Nilandi-landi mo ko tapos iisipin mong gusto kita.

Napailing si Hector habang nakangisi sa harapan ng babae.

Hector: Gusto ko lang matikman 'yang masarap na katas sa pagitan ng hita mo. Huwag kang mag-alala. Nasarapan naman ako. Pero mas magaling pa rin si Riza. Maganda lang talaga 'yong tumitikim-tikim ako ng ibang putahe minsan. Nag-enjoy ka rin naman sa alaga ko, 'di ba?

Tumango ang babae na nanatili pa ring nakayuko.

Hector: Mahal ko si Riza at wala akong balak magmahal ng iba pa. Kaso lalaki ako. Minsan nakakaumay kapag paulit-ulit ang natitikman ko. Kaya pinatulan ko na 'yong pang-aakit mo. Katawan lang habol ko sa 'yo.

Bago tuluyang lumabas ng motel room na 'yon si Hector ay naglabas siya ng malaking halaga at iniwan sa side table.

Hector: Ito. Bayad ko sa serbisyo mo. Lumabas ka na kapag tapos ka nang mag-ayos. Sinamahan ko na 'yan pamasahe mo. Mauuna na kong umuwi. Baka hanapin pa ko ng asawa ko?

Pasipol-sipol si Hector habang lumalabas ng kwartong 'yon.

Naiwan ang babae na humahagulgol.

Babae: Magugustuhan mo rin ako, Hector.

----------

Kinabukasan sa isang kilalang unibersidad...

Nagtitinginan ang mga tao sa mga pasa na nasa mukha ni Joshua. Kilala siya sa campus dahil isa siya sa mga heartthrobs ng university. Gustong lapitan ni Margie ang kaibigan pero hindi niya magawa dahil nakaakbay sa kanya si Ethan.

Margie: A-anong ginawa mo sa kanya, Ethan?

Ethan: Hindi naman malala. Gusto ko lang ipaalala sa kanya na hindi na single ang babaeng gusto niyang ligawan.

Margie: Pero nakakaawa...

Ethan: Gagaling din 'yan. Pagkatapos ko siyang bugbugin ay binigay ko sa kanya ang mga gamot na gagamitin niya para madali siyang gumaling. Hindi ganoon kasama ang boyfriend mo, babe.

Kumindat pa si Ethan kay Margie.

Gustong mainis ni Margie kay Ethan pero sa tingin niya ay may dahilan ito kung bakit nito nagawa 'yon. Mahal siya nito at nagpapasalamat siya roon. Tinanggal niya ang braso ni Ethan na nakaakbay sa kanya at humarap siya rito.

Margie: Ethan, I'm sorry.

Ipinatong ni Ethan ang hintuturo sa ibabaw ng labi ni Margie.

Ethan: Ssshhh... Wala kang kasalanan. Naunahan lang talaga ko ng selos kagabi. Syempre ayaw kong mawala ang babaeng pinakamamahal ko sa akin. Maisip ko pa lang na may aagaw sa 'yo mula sa akin ay parang gusto ko nang humanap ng mukha na babangasan.

Napangiti si Margie sa mga sinabing 'yon ni Ethan. Mahal niya rin ang lalaki at gagawin niya ang lahat para rito.

Ethan: Margie, mahal kita at lalo pa kitang mamahalin sa mga susunod na araw. Hindi ko pinapangakong hindi kita masasaktan, pero pinapangako kong mamahalin kita habang ako ay nabubuhay.

Ikinulong ni Ethan sa dalawang palad ang mukha ng kasintahan at hinalikan ito na ginantihan naman ni Margie. Sandali lang 'yon pero damang-dama nila ang pagmamahal sa halik na 'yon.

Margie: Let's go, babe. Baka makasuhan pa tayo ng public display of affection? Kung saan-saan mo na lang ako hinahalikan.

Napakamot ng ulo si Ethan at tumingin sa paligid. Wala namang nakatingin sa kanila pero may ilang dumadaan-daan.

Ethan: I can't help it, babe. Love na love kita, eh.

Margie: Ang cheesy mo. Pero mahal din kita, Ethan. Mahal na mahal.

----------

LEXY's POV

Hindi dapat ako nakakaramdam ng selos pero hindi ganoon ang nangyayari. Para akong tinatarakan ng kutsilyo sa aking dibdib habang nakatingin sa direksyon na kinaroroonan nina Ethan at Margie.

May boyfriend na ko, pero bakit nakakaramdam ako ng ganito para kay Ethan? Nitong mga nakalipas na araw ay parang napapansin ko na kahit hindi kami magkita ni Mikel ng matagal ay okay lang sa akin. Hindi tulad noon na tawag ako nang tawag sa kanya. Hindi kaya hindi ko na mahal si Mikel?

Ang gulo. Naguguluhan ako. Hindi pwedeng mahalin ko si Ethan. Boyfriend siya ng kaibigan ko.

Oo. Nagtaksil ako ng ilang beses kay Mikel noon. Nakikipagtalik ako sa kung sinu-sinong lalaki para maalis ang libog sa katawan ko dahil hindi binibigay ni Mikel ang pangangailangan ko.

Pero nitong mga nakalipas na araw ay iba ang hinahanap ko. 'Yong may challenge. Kaya naman nagkainteres ako kay Tito Hector dahil may challenge na maagaw ang mga married men. Nandoon pa rin ang pagnanasa ko sa kanya, pero hindi na ganoon katindi.

Hindi kaya ang challenge na hinahanap ko ay hindi si Tito Hector, kundi si Ethan? Dahil nararamdaman kong hindi ko lang siya mahal, kundi nalilibugan din ako sa kanya.

Malala na ko. Argh!

----------

KABANATA 17

LEXY's POV

Nandito ako ngayon sa bahay nina Margie. Birthday ni Tito Hector at syempre invited ako dahil sa aking best friend. Kung ako ang masusunod ay hindi ako pupunta sa party na ito dahil ayokong makita si Ethan.

Nitong mga nakalipas na araw ay ginugulo niya ang sistema ko. Noong una ko siyang makita ay alam kong simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko para sa kanya na napunta sa attraction. Noong gabing hinalikan niya ko ay nakaramdam ako ng kakaibang feeling. Bagay na hindi ko naramdaman kay Mikel.

Ngayon ay nagdududa na ko kung mahal ko ba talaga si Mikel o hindi. Lalo na ngayong mga nakalipas na araw na hindi na kami masyadong nakakapag-usap ni Mikel. Lagi niyang sinasabi na busy siya sa studies niya. Sinabi niya rating may sasabihin siya sa akin pero hindi naman niya ko kinakausap hanggang ngayon. Puro text greeting lang ang mga natatanggap ko sa kanya.

Isa siya sa mga dahilan kung bakit pumayag akong um-attend sa birthday party para kay Tito Hector. Para makausap si Mikel. Gusto kong malaman kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin.

Isa pa itong si Ethan. 'Yong araw na dapat magkikita kami sa mall ay sinabi niyang next time na lang niyang sasabihin 'yong gusto niyang sabihin. Kinakabahan ako pero gusto ko ring malaman.

Isa pang dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa bahay nina Margie ay dahil gusto kong makausap si Tito Hector. Alam kong may mali noong araw ng kaarawan ni Joshua. Sigurado ako sa nakita kong si Tita Riza ang nasa bahay nina Joshua. Alam kong may kinalaman doon si Tito Hector. Gusto kong malaman ang kaugnayan ni Tita Riza sa aking kinakapatid.

Nilapitan ko si Margie na kausap ang nobyong si Ethan. Grabe! Ang gwapo niya sa suot na tuxedo. Bagay na bagay sa kanya. Bagay na bagay din sila ni Mariel. Gwapo at maganda. Alam kong nakakaramdam ako ng selos pero hindi ko dapat ipahalata sa kanila.

Lexy: Where's your Dad, Margie? Gusto ko sana siyang i-greet dahil birthday niya.

Margie: Hindi pa siya dumarating, Lexy. Pero pauwi na siya. Ini-entertain muna nina Mommy at Tita Riza ang mga bisita habang hinihintay dumating si Daddy.

Lexy: Ah. Okay. Si Mikel, nasaan siya?

Margie: Pababa na rin 'yon. Busy lang sa mga projects niya.

Lexy: Sige. Pupuntahan ko lang siya. Matagal na kaming hindi nakakapag-usap.

Nakita kong medyo kumunot ang noo ni Ethan. Paakyat na ko sa hagdan nang pigilan niya ko sa siko.

Ethan: Uhm, Lexy, can we talk in private?

Tumingin ako sa kamay ni Ethan na nakakapit sa aking siko. Nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy sa buong sistema ko. Mabilis kong binawi ang aking siko mula sa kanyang pagkakahawak.

Nagulat si Margie sa ginawa ko.

Lexy: I'm sorry. Na-nabigla lang ako.

Shit! Bakit ako nauutal?

Margie: Are you okay, Lexy?

Lexy: Uhm... Yeah. Yeah. I'm fine.

Napalingon si Margie kay Ethan.

Margie: Anong sasabihin mo kay Lexy, babe? Kailangan bang kayong dalawa lang? Is it really important that needs to be discussed privately?

Napahawak si Ethan sa kanyang batok.

Ethan: I'm sorry, babe. I don't want to be rude. Pero sasabihin ko rin sa 'yo once masabi ko na kay Lexy.

Mabagal na tumango si Margie.

Margie: Okay. Pupuntahan ko lang sina Mommy. See you later.

Hinawakan ni Margie ang kamay ko.

Margie: Relax. Kung anuman ang sabihin sa 'yo ni Ethan ay tandaan mong nandito lang ako.

Niyakap ako ni Margie at pumunta na siya sa kinaroroonan ni Tita Raquel. Sumama siya sa pag-iistima ng mga bisita.

Humarap ako kay Ethan. Grabe. Nanginginig ang tuhod ko. Hindi ko kayang salubungin ang titig niya sa akin. Kinakabahan ako. Pero nandoon ang excitement dahil magkaharap kami ngayon.

Ethan: Lexy, matagal ko na dapat itong sinabi pero naunahan ako ng konsensya.

Naguluhan ako sa sinabi niya.

Lexy: Konsensya? Pa-paano?

Huminga siya ng malalim.

Ethan: Okay. Lahat ng sasabihin ko ay base lang sa aking mga nakita. Hindi ako sigurado. Hindi ko ito ginagawa para makasira ng relasyon. Gusto ko lang sabihin sa 'yo para maging aware ka siguro. Pero nasa sa 'yo pa rin kung maniniwala ka o hindi.

Lalo akong kinakabahan sa mga sinasabi niya.

Lexy: Sabihin mo na, Ethan. Huwag kang pa-suspense.

Pilit kong nilalabanan ang kaba.

Ethan: Ganito kasi, Lexy, noong isang beses na pumunta ako ng flower shop ay may napansin akong babae na kamukhang-kamukha ni Mikel. Sinubukan kong lapitan. Nang humarap sa akin 'yong babae, nakita kong bading ito at naka-makeup lang. Kamukhang-kamukha siya ni Mikel. Noong humarap siya sa akin ay nanlaki ang mata niya at nagmamadaling tumakbo palayo. May kasama siyang lalaki na mukhang model.

Hindi ako makapaniwala sa aking naririnig. Bakla si Mikel? Pero wala akong nakikitang mga senyales.

Lexy: Si-sigurado ka ba sa nakita mo, Ethan?

Umiling si Ethan.

Ethan: Tulad ng sinabi ko ay hindi. Pero mas lamang ang porsyento na tingin ko ay si Mikel ang nakita ko. Kasi kung hindi ay bakit siya tatakbo. Hindi ko siya sinisaraan sa 'yo, Lexy. Ginagawa ko ito para ikaw ang kumausap sa kanya. Hindi ko pa sinasabi kay Margie dahil ayaw kong mabigla siya.

Hindi kaya 'yon ang gustong sabihin sa akin ni Mikel. Sumasakit ang ulo ko dahil sa mga narinig ko kay Ethan.

Lexy: I'll go upstairs. I need to talkto him.

Mabilis akong umakyat ng grand staircase patungo sa kwarto ni Mikel. Hindi na ko kumatok. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakaupo sa kama niya si Mikel. Mabilis nitong isinara ang laptop.

Lexy: Mikel, can we talk?

----------

THIRD PERSON POV

Nagmamadaling isinuot ni Hector ang lahat ng kanyang saplot matapos ang tatlong rounds ng pakikipagtalik sa secretary ni Raquel.

Hector: Magbihis ka na. Baka magtaka ang asawa ko kung bakit wala pa ko sa bahay? Malamang nandoon na ang lahat ng empleyado ng kumpanya maliban sa 'yo.

Malanding tumawa ang secretary ni Raquel na si Ferlene.

Ferlene: Okay lang 'yan, lover boy. T-in-ext ko naman 'yong asawa mong may bibilhin lang akong gift para sa asawa niya.

Ngumisi si Hector. Ngumiti naman ng mapang-akit si Ferlene.

Ferlene: Did you enjoy my gift for you, baby? Kasi ako nag-enjoy diyan sa nakakatukso mong bukol sa pantalon.

Hector: Alam mo namang ikaw ang dahilan kung bakit binibisita ko rito sa opisina si Raquel, 'di ba? Para makipagkantutan sa 'yo sa storage room.

Ferlene: Ang sarap sa pakiramdam 'yong alam kong nagpapakapagod sa trabaho si Raquel habang ako ay nagpapakasarap sa storage room kasama ang pilyong mister niya. Wala naman akong balak maging kabit kung hindi ka lang talaga gwapo, macho, at malaki 'yang kargada mo.

Hector: Hindi rin naman sana kita papatulan kung hindi ko napapansing inaakit mo ko. Todo pa-cute ka pa sa 'kin.

Tumawa ang babae.

Ferlene: Kapal mo. Sige na. Mauna ka na sa party mo. Susunod ako. Hindi na ko magsusuot ng panty. Winarak mo na kanina, eh.

Hector: Nakakagigil ka kasi.

Mabilis na hinampas ni Hector ang dalawang hubad na suso ni Ferlene na ikinatili ng babae.

Hector: See you later, baby.

----------

KABANATA 18

LEXY's POV

Hindi makatingin ng diretso sa akin si Mikel. Naging malikot ang mata nito.

Lexy: Babe, we haven't talked for awhile now. Is there something wrong?

Napaangat ng tingin sa akin si Mikel.

Mikel: Ahm... Busy lang, babe. Alam mo na. Graduating na ko ngayon.

Tiningnan ko siya ng matiim. Hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa.

Lexy: Can I ask you something, Mikel?

Nakita kong naging malikot na naman ang mata niya. May mga namumuong pawis sa kanyang sentido.

Mikel: Su-sure, babe.

Ikinuwento ko sa kanya ang mga sinabi sa akin ni Ethan. Nakikita ko ang kalituhan sa kanyang mata. Naroon din ang takot. Nakinig siya hanggang matapos akong magsalita. Nanatili siyang tahimik.

Lexy: To-too ba ang sinabi ni Ethan? I-ikaw ba 'yong nakita niya?

Napayuko si Mikel. Nakita kong kumuyom ang kanyang dalawang kamao.

Lexy: Babe?

Lalong kumuyom ang kanyang kamao.

Mikel: No. Hi-hindi ako 'yon. Baka ka-kamukha ko lang? Na-namalikmata lang si Ethan.

Medyo may duda ako sa mga sinasabi ni Mikel. Hindi pa rin siya makatingin ng diretso sa akin.

Lexy: Are you sure, Mikel?

Nag-angat siya ng tingin sa akin.

Mikel: Bakit naman ako magme-makeup, babe? Lalaki ako. Hindi ako bading.

Tumigil siya sa pagsasalita. Nanatili lang akong nakamasid sa kanya. Nagbuntung-hininga siya at muling nagsalita.

Mikel: Pinagdududahan mo ba ko?

Narinig ko ang pagtatampo sa kanyang tinig.

Lexy: Hindi naman sa ganoon, babe. Gusto ko lang malaman ang totoo.

Mikel: 'Yon ang totoo, Lexy. Hindi ako ang nakita ni Ethan. Kakausapin ko na lang si Ethan.

Nagbuntung-hininga ako. Siguro nga ay nagsasabi ng totoo si Mikel.

Lexy: Okay, babe. Naniniwala ako sa 'yo. Pero...pwede ko bang malaman 'yong gusto mong sabihin sa akin noong huli kang tumawag sa akin? Sinabi mong may gusto kang sabihin, pero hindi ka na muli pang tumawag. Ano ba 'yon?

Muli na namang naging malikot ang mga mata ni Mikel.

Mikel: Ah. 'Yon ba? Kalimutan na 'yon, babe. Wa-wala lang 'yon. Maski nga ako ay hindi ko na maalala. Huwag mo na 'yong isipin.

Huminga ako ng malalim.

Lexy: Okay. If that's what you want. Hindi ka pa ba bababa? It's your Dad's birthday today.

Mikel: Hindi na muna, Lexy. Mamaya na lang.

Nagkibit-balikat ako.

Lexy: Okay. Join us when you can. Baka magtampo si Tito Hector kapag hindi ka bumaba?

Tumango si Mikel.

Lexy: Sige. Mauuna na ko, babe.

Tumango si Mikel at lumabas na ko ng kanyang kwarto. Ang weird ng naging pag-uusap namin. Alam kong may mali. Kung ano 'yon ay 'yon ang kailangan kong alamin.

----------

HECTOR's POV

Isang babae ang biglang tumili pagkatapos kong pisilin ang kanyang puwit.

Hector: Honey?

Biglang nanlaki ang mata niya nang malaman niyang ang pumisil ng kanyang puwit ay ang dati niyang amo. Si Honey ay ang dati naming babysitter ni Raquel noong mga bata pa sina Mikel at Margie.

Honey: Sir Hector?

Lumingon ako sa paligid.

Hector: Huwag ng Sir. Hindi mo na ko boss ngayon.

Ngumiti siya ng nakakaakit at malandi siyang nagsalita.

Honey: Okay. Hector.

Tumawa ako. Pumulupot ang bisig ko sa kanyang baywang.

Hector: Punta tayo sa kusina.

Buti na lang at nakita ko si Honey sa birthday party na ito na inihanda ng asawa ko para sa akin. Bored na bored ako kanina pa. Puro mga empleyado ng kumpanya na pagmamay-ari nina Raquel ang nakikita ko. Ang hirap makipagplastikan sa kanila.

Pagdating namin sa kusina ni Honey ay muli kong pinisil ang kanyang matambok na puwit. Tumawa siya ng sobrang landi.

Honey: Ikaw, ha. Type mo pala ko.

Pinagapang niya ang kanyang kanang palad sa aking dibdib.

Honey: Dati pa kong may gusto sa 'yo. Kaso masyado kang loyal sa asawa mo.

Totoo naman 'yon. Loyal ako kay Raquel noon hanggang sa landiin ako ni Riza at ma-realize ko sa aking sarili na si Riza ang mahal ko. Ang problema ay laging gusto kong tumikim ng ibang putahe. Kaya nambababae pa rin ako. Patay ako kay Riza kapag nalaman niya kaya doble-ingat ako.

Bumulong ako kay Honey.

Hector: Subukan mo kong akitin ngayon. Baka may mapala ka?

Tumawa ng mahina si Honey at napatingala sa kisame. Mukhang nag-iisip ito. Naka-pout ito habang nag-iisip.

Hector: Sino nga pala ang nag-invite sa 'yo rito?

Tumingin siya sa akin ng diretso at malanding ngumiti.

Honey: Isinama ako ni Mando.

Hector: Mando? Sinong Mando?

Honey: Nakalimutan mo na? 'Yong dati niyong driver. Kaso noong hindi niyo na kailangan ng driver ay ipinasok na lang siyang messenger ni Ma'am Raquel sa kumpanya niyo.

Napatango ako. Si Mando. Ang lintik na matandang si Mando.

Hector: Huwag mong sabihing...

Nakakalokong tumango-tango si Honey.

Honey: Yes. Siya ang boyfriend ko.

Tumawa ako ng malakas na natigil nang pumaikot ang mga bisig ni Honey sa leeg ko. Napayuko ako sa kanya at napatingin sa kanyang cleavage.

Honey: Mahilig ako sa mga older men. Ang problema kay Mando ay hindi siya ganoon kagaling sa kama. Naghahanap ako ng lalaking mailalabas ang lahat ng kaputahan sa aking katawan.

Sobrang nakakaakit ng boses ni Honey habang nagsasalita siya.

Hector: Huwag kang sasabay umuwi kay Mando mamaya. Ako ang maghahatid sa 'yo.

Kagat-labing ngumiti si Honey. Pinaglandas niya ang kanyang hintuturo sa aking labi.

Honey: Live-in na kami ni Mando.

Hector: Puta. Magdahilan ka. Dapat sa hotel tayo matutulog ngayong gabi. Ikaw. Ako. Walang sagabal.

Hinawakan ko ang hintuturo ni Honey na malanding umiikot sa aking labi. Ipinasok ko ito sa aking bibig at dinilaan na may kasamang kagat.

Honey: Mmm...

Napangiti ako kay Honey habang nasa loob pa rin ng aking bibig ang kanyang daliri.

Honey: Gusto na kitang tikman, Hector.

Nakarinig kami ng papalapit na mga yabag. Mabilis kaming lumayo sa isa't isa ni Honey.

----------

THIRD PERSON POV

Isang lalaki at isang babae ang masinsinang nag-uusap sa telepono.

Babae: Ano na? Nakuha mo na ba ang loob niya?

Lalaki: Hindi pa. Malas nga, eh. Nandoon na pero napurnada pa. Pakialamero kasi 'yong lalaki. Pero huwag kang mag-alala. Madali lang naman mauto 'yong babae.

Babae: Sige. Paalam na. Baka may makarinig pa sa akin dito?

----------

ETHAN's POV

Ngayon ay kasama ni Margie si Lexy at nagkukwentuhan sila sa garden. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng maiinom at nandoon si Riza.

Riza: Oh. There you are, handsome. Where's Margie?

Bigla akong nailang sa presensya ni Riza. Noong isang beses na nagpunta ako rito sa bahay nina Margie ay sinubukan akong landiin ni Riza. Sasabihin ko sana ang tungkol doon kay Margie pero minabuti kong huwag na lang dahil baka mag-away pa silang mag-tita.

Ethan: Nasa garden po kasama ni Lexy.

Ngumisi siya at unti-unting lumapit sa akin. Umatras ako paunti-unti hanggang mabunggo ang likod ko sa dingding ng kusina.

Ethan: Ugh!

Riza: Bakit parang natatakot ka sa akin, Ethan? May mali ba kong nagawa sa 'yo?

Pinagpapawisan ako ng malapot. Naramdaman ko na lang na pinipisil na ni Riza ang aking alaga sa loob ng aking pantalon mula sa labas.

Riza: Shit. Ang laki.

Ethan: Tita Riza, ano pong ginagawa...

Riza: Ano pa ba? Eh, 'di pinipisil ang malaki mong burat.

Lumalalim ang paghinga ko. Nalilibugan na ko. Nakita kong ngumiti ng nakakaakit si Riza. Nakakakita na ko ng pula. Nag-iinit ang dugo ko.

Argh!

----------

KABANATA 19

LEXY's POV

Nakasalubong ko si Tito Hector sa pasilyo ng second floor ng bahay nina Margie. Nandito pa rin ako sa bahay nila dahil inimbitahan ako ni Margie sa birthday celebration ng kanyang ama. Ito na ang pagkakataon ko para makausap si Tito Hector tungkol kay Tita Riza.

Lexy: Hi, Tito Hector. Happy birthday.

Akma akong hahalik sa kanyang pisngi nang ilayo niya ang kanyang mukha. Napansin kong namumula ang kanyang leeg at namamaga ang kanyang labi na parang galing sa mapusok na pakikipaghalikan.

Lexy: What's the prob...

Hector: Are you trying to seduce me, huh, Lexy? Ano? Sawa ka na ba sa titi ng iba't ibang lalaki?

Napasinghap ako sa sinabi niya. Kahit totoo pa 'yon ay hindi pa rin ako makapaniwalang lumalabas ang ganoon sa bibig ni Tito Hector.

Lexy: How dare y...

Akma kong sasampalin si Tito Hector nang may pumigil ng kanang bisig ko sa mula sa aking likod. Mabilis akong napalingon at nakita ko si Tita Riza sa aking likuran. Mabilis niya kong itinulak sa loob ng nakabukas na kwarto na pinakamalapit sa kinatatayuan namin.

Lexy: Aray! Ano ba?!

Mabilis siyang sumunod sa loob ng kwarto kasunod ang nanlilisik ang mata at nakangising-demonyo na si Tito Hector.

Nakita kong ini-lock ni Tito Hector ang pinto ng kwarto. Pareho na silang nakangiti sa akin na parang mga demonyo.

Lexy: Anong ibig sabihin nito?

Riza: Ikaw ang dapat kong tanungin niyan. Pakialamera ka!

Nanlalaki ang mga mata ni Tita Riza sa galit.

Lexy: A-anong ibig niyong sabi...

Riza: Punyeta! Nagmamaang-maangan ka pang leche ka. Sinabi na sa akin ni Joshua ang totoo. Kinukulit mo raw siya araw-araw kung anong relasyon namin. Ano naman ang pakialam mo sa aming dalawa, ha?

So tama nga ako. Magkakilala ang dalawa. Matiiim akong tumitig kay Tita Riza.

Lexy: Anong relasyon niyong dalawa?

Malanding ngumiti si Tita Riza. Kinagat pa nito ang ibabang labi.

Riza: Kami? Ni Joshua? Sabihin na lang nating ako ang nakauna sa pinagmamalaking alaga ng kinakapatid mo.

Nanlaki ang mata ko sa aking narinig. Pinatulan ng kinakapatid ko si Tita Riza. Hindi ko akalaing may relasyon silang dalawa.

Lexy: Pa-paanong nagkakilala kayo?

Ngumiti ng nakakaloko si Tita Riza.

Riza: Huwag mo nang alamin, my dear. Baka hindi kayanin ng mahina mong utak? Peste!

Kitang-kita ko ang inis sa mga mata ni Tita Riza. Well the feeling is mutual. Hindi ko rin siya gusto.

Lumapit si Tito Hector kay Tita Riza at nagulat ako nang yakapin niya si Tita Riza mula sa likod nito. Ipinatong niya ang baba sa kanang balikat ni Tita Riza. Hindi pwede ito. May relasyon din silang dalawa?

Hector: Baby, nagagalit ka na naman. Pero mas lalo kang nagiging hot sa paningin ko kapag ganitong nanggigigil ka sa galit. Nanggigigil din ako sa 'yo.

Punung-puno ng libog ang boses ni Tito Hector. Pinisil pa nito ang baywang ni Tita Riza. Hindi ko akalaing demonyo pala ang asawa ni Tita Raquel. Kahit pala hindi ko akitin si Tito Hector ay matagal na itong nagtataksil sa asawa. Kailangang malaman ito ni Margie. Perfect ang tingin niya sa Daddy niya. Pero ubod pala ng sama nito. Mapagpanggap at manloloko.

Pero kung iisipin ay wala akong ipinagkaiba sa kanila. Niloloko ko rin si Mikel sa tuwing nakikipag-sex ako sa ibang lalaki. Nagtataksil din ako sa aking kasintahan. Masama rin akong babae.

Riza: Tingnan mo si Lexy, baby. Mukhang nagseselos. For sure naiinggit siya sa akin dahil gusto niya rin maramdaman ang mga yakap mo.

Malakas na tumawa si Tito Hector.

Hector: Alam mo ba, baby, na sinubukan akong akitin niyan dito sa mismong pamamahay ko rati? Kaso walang dating sa akin, eh. Mas gusto ko 'yong tulad mong bastos ang bibig. Sarap mong bastusin sa kama. Kabastos-bastos ka, babe.

Malanding tumawa si Tita Riza.

Riza: Alam mo namang dati pa lang ay gusto ko nang binabastos ako. Kaya bastusin mo lang ako nang bastusin, baby.

Lexy: Niloloko mo si Tita Raquel, hayup ka! At talagang dito pa sa malanding ito. Wala kang ka-taste-taste. Mukha pa itong pokpok.

Matapos kong sabihin 'yon ay bigla akong dinaluhong ni Tita Riza at sinabunutan ang aking buhok.

Riza: Anong s... Read More

Part #: 7

About the Author :

Joined: October 14, 2015 (2 years old)
Writings: 35

Send PM · Gay · Offline

I'm a Wattpad writer under the same username. I'm trying my best to publish here some of my stories in Wattpad, so you can read it too.

I dreamt to be a successful writer of romance someday. But some things were really not meant for us. But it doesn't mean that we can't pursue our dreams even in a simple way.

That's why I'm writing here now. I'm still learning on how to be a good writer. So I appreciate it if you give your honest comments about my stories.

Enjoy reading! :-)
0 comment   1 favorite   1,629 views