Pagniniig, Ningas at Pagsilang

August 2, 2014 (2 years ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

“Ohhhh  mahal ko,sabik na sabik na ako.”

“Damhin mo ang init ng aking pagmamahal mahal ko.”

“Ohhhh...”

“Ihatid mo ako sa rurok ng kaligayahan”

“ahhhhh…”

Mga pigil  na tinig at matatamis na ungol at daing ang nagpagising sa aking natutulog na isipan noong gabing yaon. Ang pagniniig na iyon noong gabi, pagkatapos ay katahimikan. Hindi libog ang aking naramdaman, subalit sabik akong nakinig sa kanilang pagtatalik. Nararamdaman kong may namumuong mainit na damdamin sa aking katauhan. Ito na ang simula. 

Matagal ding namahay sa akin ang kadiliman ng gabi, sa pagsapit naman ng araw ay ang pag-ulan. At tulad ng pagbubukang-liwayway, ang dilim, ang lamig at ang katahimikan ang bumubuo sa aking kamalayan. Nais kong may makinig sa akin, iyong ako ay mauunawaan. Subalit walang tinig na lumalabas sa aking bibig. Tanging palahaw lamang at hikbi ang naririnig sa akin sapagkat  makapangyarihan ang tinig na syang nangingibabaw. Tinig na huwad at namumutawi sa bibig ng iisa lamang. Ito ang tinig na gumagapos ng aking mga kamay at pilit ikinikintal sa aking isipan. 

Nabuo ang sanggol sa sinapupunan ng ina. Hindi ko pa  masasabing naging tagumpay ang libog ng pagniniig na iyon. Mahabang panahon pa ng pagbubuntis ang kailangang tiisin at pangalagaan. Alam ko, magiging piping saksi ako hirap ng pagdadalantao. May mga panganib na maaring humadlang sa pagsilang ng sanggol na matagal ko ng hinihintay. Gusto kong masaksihan ang katapusan at kamatayan ng delubyong aking kalagayan at ang panibagong simula upang ako ay makapagsalita at maunawaan.

Ilang dahon pa ang nalagas sa matandang punong iyon, dahon  ng pighati at kasakiman  na iinihahampas ng hangin sa aking katauhan.

 At sumapit ang araw ng pagsilang. Marubdob ang damdaming nag-aalab sa simula pa lamang ng pagniniig.  Matinding unos man ang humadlang at nagtangkang kitilin ang apoy subalit patuloy lamang ito sa pagningas.  Umapaw ang luha ng mga nakasaksi sa pagluluwal ng pagbabago. Luha ng masidhing kaligayahan ang aking namalas. ... Read More

About the Author :

Joined: October 11, 2013 (3 years old)
Writings: 1

Send PM · Male · Offline

2 comments   0 favorite   631 views