Paglisan

July 10, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Tama nga si Lola sa kanyang sinabi bago ako lumipad papuntang Qatar. Aniya "mahirap isalin ang tubig sa isang tapayang butas. Anumang pilit mong takpan, eto ay tatagas". Unang beses kong narinig eto mula sa kanya ilang araw matapos ang pinakamasakit na pangyayari.

Umuwi ako ng Marinduque trying to keep my pieces intact but to no avail. Eto marahil ang nakita ng aking Lola sa akin habang nakahiga ako sa isang sanga ng punong mangga na nasa aming bakuran. Di ko alam na pumapatak na pala ang luha ko kahit na nakapilit ang mga matang pagod sa pagbabaliktanaw ng isang mahalaga at masayang larawan noong tayo pa.

Hindi ako palakwentong tao kahit pa sa mga kapatid ko o sa mga lola ko na nagpalaki sa akin. Katuwiran ko noon lalaki ako, kaya ko ang lahat. Ano man ang dumating kaya kong harapin. Pilit kong ikinukubli ang sakit at kirot na idinulot sa aking pagkatao nang mga bagay na ako rin ang puno't dulo.

Ayokong mag kwento yun ang totoo. Di ko alam kung bakit. Sa tanang buhay ko ngayon ko lang nailalabas ang sakit at bigat na nadarama ko. Sa tanang buhay ko ngayon ko rin lang nailabas sa ibang tao ang ilang madidilim na sekreto ng buhay ko. Sekretong naglagay sa isang paa ko sa hukay hanggang sa mga oras na eto. Siguro nga, I've become a self centered person sa mga panahong eto at di ko na naiisip pa ang nararamdaman ng ibang tao sa paligid ko.

Alam kong nahihirapan ka ganun din ako. At maaaring tama nga sila, I have to let you go. Masakit pero kelangan. At yun daw ang mabuting gawin. Sorry if I made you feel that you're inconsiderate. The truth is I am the inconsiderate one. Diko nakita yung big picture na pag ako umalis at naiwan ka, ako lang yung masasaktan. At manunumbalik na sa normal ang buhay mo. Sa piling ng pamilya mo na minsan ay nasira ko.

Sorry kung nasaktan ko ang feelings ni mommy at daddy. Sorry din na napaiyak ko si YANIT ganun din sa disappointment na naidulot ko kay EKIM. I wish I could turn back time and do things I should have done right. It's all over and the best thing to do is say GOODBYE....

You know me, I never back down nor give up. But to see you still hurting with all my stuff, I think I have to give up. Give up everything that I have. Even if it takes my whole life.....

Thank you for the time we had shared together. Thank you for all the laughters we sha... Read More

About the Author :

Joined: November 20, 2014 (2 years old)
Writings: 6

Send PM · Male · Offline

Malalim na mababaw....... I Love you Anastasia Grey.... Plan D underway.... Final Destination....
0 comment   0 favorite   577 views