Poem

Paglisan

October 17, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

PaglisanNakakabaliw ang tunog ng bawat tagaktak ng ulan sa bubong
Habang minamasdan ko ang pagtama nito sa lupa, lalo akong nabuburyong
Ganito nga ba ang epekto ng batong aking pinagulong?
Buti na lang sinasamahan ako ng kaibigan kong di nila nakikita ngunit lagi sa akin ay bumubulong

Ilang araw na nga ba nang huli kitang makausap, makita at makasama?
Katulad pa yata nung utang na sinisingil sa akin, di ko na talaga maalala
Ang mga araw na patuloy kong binibilang sa pangungulila
Kasing-dami na yata ng mga upos ng yosi at bukas na kaha

Pasaaan ba, ang ulan ay kusang hihina, titigil
Ang mga bulong sa aking pangungulila ay akin ding masisikil
Muling iikot ang mundong sa paglisan mo'y tumigil
Ang kapiraso ng ulirat ay magbabalik bago pa makitil

Lilipas din ang lahat ng hapdi at ang nararamdamang sakit
Mabubura din ang pilat na sa paglisan mo sa puso ko'y umukit
Sa rehas na gawa... Read More

About the Author :

Joined: December 12, 2013 (2 years old)
Writings: 5

Send PM · Male · Offline

Official na malandi.
12 comments   1 favorite   1,090 views