Pag Ibig sa Unang Tingin

September 2, 2016 (3 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Ang mga talatang nakalimbag ay hango sa baul ng kamusmusan



Pag ibig nga ba ang aking nadama
Sa unang tingin nung tayo ay nagkita
Mga ngiti mo ay sadyang sa mata napatda
Indi na napawi hanggang sa gumabi na

Mga ngiti mo ay nagsilbi ngang tanglaw
Sa landasin kong puno niyaring karimlan
Landasing madawag, puno ng karahasan
Sadyang binago mo, unang tingin mo pa lang

Lumaon ang araw ako nga ay nanligaw
Pag ibig na hangarin sayo nga ay pinasaring
Indi ko man pilitin, ika'y buong lambing
Sumagot ng oo pamawi ng panimdim

Araw ay kay tulin lumipas sa sansinukuban
Subalit pag ibig mo, walang kawakasan
Pagkat sa mga araw na dumatal lalo lang tumibay
Pagmamahalan nating puno ng katuwaan

Pagmamahalan nga'y yumabong ng tuluyan
At sa lilim ng mangga, tayo'y nagsumpaan
Mga puso'y inukit nangakong walang iwanan
Hanggang doon sa dulo niyaring walang hanggan

Dumating ang araw na ating itinakda
Pagmamahalan ire atin ngang ilalagda
Sa munting kasulatan, expiry date ay wala
Tanging korte lamang pwedeng magbalewala

Lalo pang yumabong etong pagmamahalan
Sa loob ng tahanang, pundasyo'y pagsusunuran
Pagmamalasakit nga'y isa pang pamamaraan
Upang pag iibigan tumagal ng habang buhay

Dumating ang araw ika'y nagdalangtao
Pinalaki sa sinapupunan, sanggol na tagapagmana ko
Sa loob ng siyam na buwan, eto ay binuno mo
Mapangalagaan lamang ang buhay nito

Ako'y tuwang tuwa sa kanyang paglabas
Ang pagsilay sa mundo kanya ngang binulalas
Sa pamamagitan ng isang mahabang uha
Tanda ng pagsilang ng isang bagong bata

Tahanan nati'y napuno ng halakhak
Sa pagdating nga niyaring munti nating anak
Hanggang umabot na sa lima ang ating anak
Malaki ngang pamilya pagmamahala'y wagas

Sa kanilang paglaki, tayo nama'y tumanda
Ngunit pagmamahalan kaylanman di nawala
Hanggang sumapit nga takipsilim sinta
Agad kang kinuha ng Amang may gawa

Indi naglaon, ako ay naratay
Sa banig nga nitong mga karamdaman
Tanging karamay mga supling mong naiwan
Pagpapalang ginawa, tulad nung ika'y nabubuhay

Sa aking katandaan indi nga lumaon
Huling hininga ko'y akin ngang itina... Read More

About the Author :

Joined: August 15, 2015 (1 year old)
Writings: 9

Send PM · Male · Offline

4 comments   0 favorite   477 views