PADER

January 11, 2014 (2 years ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

PADEROriginally posted on my own blog, just wanna share this to you guys

PADER
ikaw-walo ng Agosto taongg 2011

sandalan natin kung tayo ay napapagod sa pag-aantay
pinaglalagyan natin ng mga karatula upang pantawag pansin sa iba
magsisilbing pananggalang natin sa anumang bagay na ayaw nating makapanakit sa tin
magsisilbing kanlungan mo

kailangan nito ng akmang pundasyon upang maging matibay at matatag sa pagdaan ng
panahon, dahil di nito kakayanin ang mga unos, lindol at sakunang darating kung ito ay gawa
lamang sa mga marurupok na materyal
kailangan lagyan ng disenyo upang maging kahalihalina sa mga makakita nito
disenyo tulad ng mga likhang sining na mga pinta, mga kuwadrong naglalaman ng mga
litratong may magagandang ala-ala, ilaw na magsisilbing "backdraft" upang higit na mapansin
ang taglay nitong ganda

darating ang panahon na susubukan mong palitan ang mga disenyong iyong nilagay dito tulad
ng mga kuwadro, ngunit sa oras na iyong inalis mapapansin mong may maiiwang mantsa ng
dating nakalagay dito, mantsa ng isang magandang ala-ala na isinabit mo dito, noong
panahong napakahalaga pa sa iyo ng bagay na yon, bagay na sa pagdating ng panahon ay
maiisip mong palitan na dahil luma na o di na sunod sa uso, o kaya naman ay di na angkop sa
iyong paningin. halimbawa ay isang malaking kuwadrong dating nakalapat sa pader, na iyong
susubukang palitan ng isang mas maliit na kuwadro, ngunit mapapansin mo na di nito kayang
takpan ang dating puwestong nabakante ng matagal ng nakasabit duon.

bakit di natin subukang panatiliin ang mga bagay na inilagay natin nuon dito, at ibase sa
disenyo nito ang mga bagay ng ilalagay nating susunod,
hindi ba mas magandang tignan ang mga larawan ng nakaraan patungo sa kasalukuyan?
bakit di natin gawing isang palataandaan ng kamalian o kabiguan ang mga lumang kuwadrong
nakasabit dito? at iakma ang mga susunod na disenyo?
mga disenyong sa tingin mo ay magpapaganda at magdudulot ng kakaibang pagbabago

dahil di natin puwedeng alisin na lamang lahat at palitan lahat ng bago ang nakaraan
dahil kahit anung pilit natin itong gawin patuloy itong mag-iiwan ng mantsa sa kasalukuyan
kailangan nating matutong harapin ito, at umisip ng isang magandang solusyon upang
maitama o higit pang mapaganda ang pader mo, dahil ang bukod tanging makaka... Read More

About the Author :

Joined: January 10, 2014 (2 years old)
Writings: 5

Send PM · Male · Offline

0 comment   0 favorite   905 views