Blog

Paano Mabawasan o Maialis Ang Duda Ni Misis

June 18, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , ,

Sa klase ng kultura natin ay kadalasan na hindi makuha ang 100% na tiwala ni misis. Nandyang makapanood lang ng soap opera ay yari na si mister. Lilitanyahan ka. Kainis di ba? Minsan ayaw mo na lang makipagtalo.

Pero nakakasakal ang ganon. Hindi mo mailabas ang tunay mong pagkatao kapag kaharap mo na ay babae kasehodang kaibigan yan o kamag-anak. Pati balahibo mo sa batok ay tumatayo dahil sa matatalim na tingin ng asawa kapag may kausap kang iba. Hayop na buhay!

Una, ay sa dahilan na ang paniniwala na lahat daw ng lalake ay manloloko. Ikalawa ay maaaring may katarantaduhan kang nagawa noon kaya yan ang bunga. Kaya kung may kabalbalan kang ginagawa ngayon, please lang ay itigil mo na kung kumakalog din lang ang tuhod mo dahil sa tapang ng asawa. Saka sakit naman talaga sa ulo yan.

Pero sa mga di makapagpigil lumandi, sit back and relax. Konting tips at baka sakaling makatulong sa mga sitwasyon na pinahihindigan mo ng balahibo sa takot kay misis.

1. Huwag Seryosohin

Huwag kang gunggong. Hindi sineseryoso ang ganyan. Ang pamilya ang una at iyan ay dibersyon lamang. Ilabas lang ang init ng katawan pero wag magpakalulong. Do not commit dahil committed ka na.

2. Ayusin Ang Mindset

Pinasok mo yan kaya dapat may exit plan ka. Lakasan ang loob. Huwag masyadong nerbyosin. Magaling ang babae na manghuli sa kilos mo pa lang at galaw ng mata. Galing nila, ano? Para silang dyos na alam ang susunod mong hakbang kaya kalma lang. Iwasang tumaas ang boses at magmukhang defensive.

3. Ingat sa CP

Ang CP ang madalas pagmulan ng gulo kaya maging open sa CP para di ka mapag-isipan ng masama. Kung smartphone yan ay gumamit ng mga app na merong lock code para sa messages and turn off all notifications.  

Huwag ipamimigay basta ang number mo dahil ang mga misis tsinetsek ang contact list at SMS mo kaya mag-ingat.

4. Iwas sa Social Networking Sites Pero Ang FSS Pwede

Pakaiwasan ang FB at Instagram. When was the last time that we like people? Sarcastic question pero totoo. The less your wife knew about your circle, the better. Pwede naman na sa FB Messenger ka na lang to keep in touch with them. Saka bakit ba kailangan mo pang ipangalandakan ang mga pinuntahan mo, mga kinain mo o mga selfie mo? Joke lang.

5. Meet-up With Friends

Takot ka lalo na kapag babae ka-meet mo, di ba? Tagaktak ang pawis sa kakaisip ng ipapaliwanag. Para kang tanga, ano? Paranoia yan. Ano ang solusyon mo? Yung itetext agad si misis in advance? Lalo na kapag may common friend kayo na nakakita sayo habang nakikipagtawanan sa babae. WRONG!

Hayaan mo na masanay rin si misis na minsan may mga old friends ka na bigla kunwaring nagkita kayo. Don't tell her na lang muna. Less talk, less mistake. Kapag nasumbong ka ng nakakita sayo ay dapat alam mo na mga sasabihin mo. Wag na wag na mabubulol. 

Downplay it like "Oo nga mga old classmates or friends". Then maghihintay si misis ng kuwento mo pero tahimik ka. Di mapapakali yan. Manood ka ng TV o kaya pasok ka sa banyo para magpakalma kase namumutla ka na tyak.

Kapag nag follow-up question (sure yan) ay sabihin mo lang na "konting kwentuhan lang, catch up pero umalis agad ako". Then shut up ka ulit. Do your usual routine. Wala kang babaguhin kapag nasa bahay.

May hirit pa ang misis na dudera, "Bakit di mo sinabi sakin?" Answer back lang ng, "Di naman lahat ng makakasalubong natin ay worth na pag-usapan". Oh di ba? Taray! Then keep silent and do not attempt to explain at baka masundan pa ng maraming mga tanong. It will appear nga na hindi worth ang mga tsiks na nakausap mo coz of the way you handle it.

6.  Boys Night Out

Ito ang dapat na tradisyon para nakakalusot ka na makipagkita sa bebot. Kasabwat mo pa ang tropa basta sabihan mo lang agad. 

Wag masyado magpapagabi. Umuwi rin ng nasa tamang oras kapag weekdays. Syempre uunahin pa rin ang pamilya. Ang extra... Read More

About the Author :

Joined: November 22, 2012 (4 years old)
Writings: 95

Send PM · Male · Offline

Blogger and writer. Friendly and diplomatic.
70 comments   3 favorites   2,021 views