Paano Ba?

May 14, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic

Paano ba ang umibig? Kailan ba dapat umibig? Dapat pa bang umibig? Maraming tanong ang bumabalot sa salitang "pagibig", pero ano nga ba ang totoo? Ang pagibig ay hindi binibigyan ang dahilan, ng proseso o kahit ano man. Pag umibig ka ng totoo, yung gagawin mo lahat para sa taong mahal mo, yun ang pagibig. Hindi nasusukat, walang alinlangan, at walang rason. Walang bahid ng kung ano pa man. Dahil pag umibig ka, walang taong makakapagsabi sa iyo na tama o mali ang ginagawa mo, dahil para sa iyo tama lahat, para sa iyo yung ginagawa mo ay para sa minamahal mo.

Hindi lahat aayon sa gusto mo, minsan binibigay na pala sa iyo ng hindi mo namamalayan. Binibigay sa iyo ng pakonti konti dahil kailangan mo munang paghirapan para malaman mo ang kahalagahan nito. Hindi binibigay sa iyo ng buo dahil kailangan mo munang makita ang importansya nito. Dahil kung buong ibibigay sa iyo ang lahat ng pangarap o kahit mga simpleng kagustuhan mo, madali lang ito mawawala sa iyo dahil wala madali mo din kasi nakuha.

Hindi kayo pinagtagpo ng walang dahilan, kailangan mong makita at maramdaman kung ano ang totoo sa hindi. Maraming bagay ang magsasabi o magbibigay ng dahilan para umayaw, pero sa kabilang banda meron din namang mga bagay para ipaglaban. Hindi mo ito mabibigyan ng kahulugan pero sa kalooban mo alam mo, natatakot ka lang na hindi masaktan.

Bahagi ng umiibig ang masaktan, pero hindi ito dahilan para ipagsawalang bahala mo na lang lahat ng magagandang nangyari nung umibig ka. Lahat ng kalungkutan, pighatid at hindi kaaya-ayang pangyayari ay dapat hindi maging bahagi ng kabuuang kasagutan. Ang tunay na pagibig, nakikita ang mahahalagang bagay sa isang relasyon at inaayos ang mga dapat ayusin, hindi ito isinangtatabi lang dahil mahirap o nahihirapan, andoon ang p... Read More

About the Author :

Joined: May 14, 2015 (1 year old)
Writings: 14

Send PM · Male · Offline

I'm a loving individual. I'm devoted, eager & zealous. I'm 75% Romantic, 19% Playful & 6% Obsessive.
5 comments   1 favorite   679 views