Oo

July 2, 2014 (2 years ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

"Oo"

by Up Dharma

Di mo lang alam
Naiiisip kita
Baka sakali lang maisip mo ako
Di mo lang alam
Hanggang sa gabi inaasam makita
kang muli

Nagtapos ang lahat sa di
inaasahang pahanon
At ngayon ako'y iyong iniwan
Luhaan, sugatan, 'di
mapakinabangan
Sana'y nagtanong ka lang
Kung 'di mo lang alam
Sana'y nagtanong ka lang
Kung 'di mo lang alam

Ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Hindi mo lang alam
Kay tagal na panahon
Ako'y nandirito pa rin hanggang
ngayon para sa'yo

Lumipas mga araw na ubod ng
saya
'Di pa rin nagbabago ang aking
pagsinta
Kung ako'y nagkasala patawad na
sana
Puso kong pagal ngayon lang
nagmahal

'Di mo lang alam
Ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Puro s'ya na lang
Sana'y ako naman

'Di mo lang alam
Ika'y minamasdan
Sana'y iyong mamalayang hindi
mo lang pala alam
'Di mo lang alam

Kahit tayo'y magkaibigan lang
Bumabalik ang lahat sa tuwing
nagkukulitan
Baka sakali lang maisip mo naman
Ako'y nandito lang
Hindi mo lang alam
Matalino ka naman

Kung ikaw at ako
Ay tunay na bigo sa laro na ito
Ay dapat bang sumuko
Sana hindi ka na lang pala aking
nakilala
Kung alam ko lang ako'y
masasaktan ng ganito
Sana'y nakinig na lang ako sa
nanay ko

'Di mo lang alam
Ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang
mo naman
Puro s'ya na lang
Sana'y ako naman
'Di mo lang alam... Read More

About the Author :

Joined: March 9, 2014 (2 years old)
Writings: 2

Send PM · Female · Offline

Mahilig sa cooking shows pero di marunong magluto

Mapagmahal na ina at ama sa dalawang anak

Survivor
Suggested writings:
1 comment   0 favorite   971 views