One sided love affair

June 15, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , ,

One sided love affairYung ibinibigay mo ang lahat kahit wala kang natatanggap.
Yung pinapahalagahan mo sya kahit tingin nya sayo walang kwenta.
Yung tanda mo birthday nya kahit sya edad mo lang nakalimutan pa.
Yung inaalagaan mo sya kahit binabalewala ka lang nya.

Yung may picture sya sa wallet mo kahit ex nya yung nasa wallet nya.
Yung ipinagtatanggol mo sya kahit pinapabayaan ka lang.
Yung inilaan mo ang lahat ng oras mo sakanya kahit wala syang panahon sayo.
Yung nananatili kang tapat sakanya sa kabila ng lahat ng kasinungalingan nya.

Yung lagi kang nandyan para sa kanya kahit hindi mo sya mahagilap sa twing kailangan mo sya.
Yung nakangiti ka parin kahit nakasimangot na sya.
Yung humihingi ka ng patawad kahit wala ka namang kasalanan.
Yung nagpapatawad ka kahit hindi sya umaamin ng pagkakamali.

Yung pinagbibigyan mo sya kahit sinasakal ka nya.
Yung patuloy kang nagsasakripisyo para sakanya kahit hindi nya yon nakikita.
Yung pinapaniwalaan mo pa rin sya kahit alam mong niloloko ka lang.
Yung pinapasaya ka nya pero iba ang nagpapasaya sa kanya.

Yung kuntento ka na habang sya may hinahanap pa.
Yung wasak na wasak ka na masiguro mo lang na buong-buo pa rin sya.
Yung papayungan mo na nga sya sa ulan tapos makikisilong pa sya sa iba.
Yung pinapakitaan mo parin sya ng kabutihan kahit minamasama ka nya.

Yung walang sawang pagsisilbi mo kahit puro sya reklamo.
Yung nirerespeto mo pa rin sya kahit pinaglalaruan ka lang nya.
Yung pilit mo syang pinapatayo kahit hinang-hina ka na.
Yung lunukin mo ang pride mo huwag lang mawasak ang ego nya.

Yung walang humpay na text mo sakanya kahit walang laman ang inbox mo.
Yung matinding suporta mo sa kanya kahit dina-down ka nya.
Yung buong puso mong 'iloveyou' para lang makamit ang huwad nyang 'imissyou'.
Yung halos mamatay ka na sa kaseselos pero hindi pa rin nya napapansin.

Yung okay lang masaktan ka kahit wala naman syang pakialam.
Yung kaya mong tanggapin kahit sampung pagkakamali nya kahit tingin nya na sayo isang 'tanga'.
Yung umaasa ka na magbabago pa sya kahit alam mong talo ka na.
Yung aalis na sya pero nakaluhod ka paring nagsusumamo na huwag ka nyang iwan.

Ito yung mga bagay na hindi mo nakita sa kanya noong una palang,
dahil naging 'bulag' ka.

Ito yung mga bagay na nagpapatunay ng pagmamahal nya sayo noong una palang,
kaso naging 'manhid' ka.

Ito yung mga bagay na hindi mo aakalaing magagawa nya para sayo dahil sa una palang,
ikaw naman talaga yung naging 'tanga'.

... Read More

About the Author :

Joined: July 10, 2013 (3 years old)
Writings: 177

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
17 comments   2 favorites   1,480 views