Of Predators and Prey

November 20, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Mind Control, Sci-Fi and Fantasy | Tags: , ,

Of Predators and PreyNOTE: This is NOT your ordinary SEX and EROTIC STORY.

"Hoy mukhang iiyak ka na ah...antaba-taba mo kasi dyan sa profile pic mo para kang balyena..."


-"Wahaha. Hoy Iyaking hampaslupa...nabasag na naman kita ampota bwahahaha..."

-"Hindi ba totoo naman na pokpok ka? aminin mo na kasi na titi lang pinunta mo dito..."

-"Iyak ampota, Sige bakla...iyak pa. Tsupain mo na lang ang katropa mong bakla din, Bwahahha..."

Ilang lang iyan sa mga tina-type ni Arthur sa keyboard ng kaniyang computer. Natutuwa siyang makasakit ng damdamin ng ibang tao sa mga social media sites. Ilang accounts ang kaniyang ginagamit para sa kaniyang kakaibang libangan---ang cyberbullying.

Nagtatrabaho bilang isang junior IT si Arthur sa isang pribadong kumpanya sa Taguig. Mahusay siya sa larangan ng teknolohiya lalo na sa computer. May kaalaman din siya sa pagha-hack na siya niyang ginagamit sa mga taong napgti-tripan niya online. Para kay Arthur, masarap sa pakiramdam ang ginagawa niyang pambibiktima sa mga taong hindi niya kilala sa mga social media sites. Alam din niya na hindi siya pag-aaksayahan ng pansin ng awtoridad dahil mas prayoridad ng mga ito ang ibang mga kaso gaya ng rape, murder, robbery etc.

May ilan na ring na-bully si Arthur na nagsabing magfa-file sila ng harassment sa mga fake account na ginagamit niya, subalit batid ng binata na wala itong magiging laban sa kanya dahil marunong siyang ikubli o burahin ang anumang pwedeng gawin ng awtoridad oras na umaksiyon ang mga ito sa kagaya niya. Pero malabong mangyari iyon...sa bansang pinas pa.

-"Sige...i-report mo akong pokpok ka...hindi ako natatakot bwahahaha. Ilalabas ko ang mga private pics mo sa mga kamag-anak mo."

-"Bakla ka! Bwahahaha...takot ka naman pala eh, aantayin ko yang police report na sinasabi mo.Ang tanong saan nyo ako hahanapin."

-"Putang-inang itsura ng misis mo sa picture nyo...mukhang bangkay ampota bwahahahaha. Magpakamatay na lang misis mo sa sobrang pangit nya, Bwahahaha."

-"Yung misis mo mukhang pokpok na pakantot. Baka pwedeng makikantot na rin sa misis mo"


-Ganyan ba ang disenteng babae? Post ng post ng larawan. Papansin na pokpok!!! Tang-ina mo."

-"Ang pangit ng mga anak mo siguradong hindi mo anak yan . Mukhang kinantot ng iba misis mo bwahahahaha."

-"Mukhang ilang titi na pumasok sa puke mong babae ka. Tuwad ka at kakantutin kita bwahahaha"

-"Magpakamatay na kayo ng mga anak mo. Para mabawasan na ang hampaslupang pangit na kagaya nyo."


"Sana bukas madisgrasya kayo ng pamilya mo. Pangit mong pokpok ka, bwahahahaha...iyak na yung puta hahahaha. Sige iyak pa mas lalo kang magmumukhang bakulaw. Pakamatay na kayo please."

Hindi na din mabilang kung ilang beses na siyang nam-blackmail ng mga taong kinukursunada nya online. Ang iba sa mga ito ay nag-close na lang ng kani-kanilang account dahil sa hindi magandang karanasang sinapit nila sa kagaya ni Arthur.

Kung titingnan si Arthur, isa siyang tahimik at magaling na IT sa kaniyang pinagta-trabahuhan, subalit sa likod ng kaniyang imahe naroon ang kaniyang mga extra-curricular na aktibidad sa harap ng computer.

Gabi na at malapit nang umuwi si Arthur sa pinapasukan. Kasalukuyang siyang nasa isang social media site. Gamit niya ang dummy account niyang Bolivar23. Halos araw-araw siyang nagpupunta sa site na iyon partikular upang i-cyberbully ang isang babaeng nagngangalang Jenny Mae.

Isang larawan ng simpleng babae ang makikita sa profile picture ni JennyMae, na siya niya ring tunay na pangalan. Siya si Jenny Mae Hernandez, isang dise-nuwebe anyos na dalagang nag-aaral sa isang pampublikong kolehiyo sa Maynila.

Isang dalagang-ina si Jenny Mae, isa rin siyang working student na nagsisikap itaguyod ang kaniyang buhay para sa kaniyang isang taon na anak na babae. Naging libangan ng batang-ina na si Jenny ang mag-post ng mga litrato nila ng kaniyang anak. Gayundin ang mga larawan niya kasama ng kaniyang mga kaibigan.

Bolivar23: Hoy Jenny pokpok, nag-post ka na naman ng picture mong mukhang hostess.

Isa pa muling account ang ginamit ni Arthur, si Aragorn69 at nagkomento din sa litratong ipinost ni Jenny
Aragorn69: @Bolivar23. Oo pre!!! Mukhang pokpok na pinagsawaan na ng lalake bwahahaha. Potek, pakamatay ka na para di na dumami lahi ng mga pokpok."

JennyMae: Sino po ba kayo? Please naman tantanan nyo na po ako. Wala naman akong ginagawa sa inyo.

Bolivar23: Jennypokpok...Yung hubad na pic mo na lang i-post mo para matuwa kami ni Aragorn, tutal laspag na yang puke mo sa dami ng lalakeng kumantot sa'yo.

Aragorn69: Niyahahaha!!! Sabay ka naming kantutin pokpok ka. Sa bunganga mo at sa puke mong gamit na gamit na. Tapos iiwan ka din namin gaya ng lalakeng bumuntis sa'yo.

Bolivar23: Jennymaebaho puke sabik ka na sa tite kase malibog ka. Lalaspagin namin puke mo at iiwan ka namin parang basahang me tamod gaya ng ginawa sa'yo ng lalaking ama ng pangit na batang anak mo....yung anak mo mukhang tyanak. Itapon mo na yan sa imburnal bwahaha.

Lingid kay Arthur, napaiyak si Jenny sa nabasa niyang iyon. Nagtataka din siya kung paanong pilit nakakapasok sa kaniyang account ang mga lalakeng iyon. Aaminin niya, naaapektuhan siya sa mga sinasabi sa kaniyang iyon dahil walang katotohanan ang mga iyon.

Nagkomento naman si Arthur sa ipinost ni Jenny na picture ng kaniyang anak:
Bolivar23: Hoy Jenny pokpok, kilala mo ba ang ama ng batang iyan? Baka sa dami nila hindi ka sure kung sino sa kanila kasi pokpok ka.

Aragorn69: -Tsupain mo na ako Jenny, pagtiyagaan ko ang pangit mong mukha sa pagtsupa sa titi ko."Bwahahahaa, Jenny pakantot na din ng laspag mong puke, tutal mahilig ka naman sa titi.

Bolivar23: Bwahahaha papayag iyan pre, sabik sa titi yang si Jenny halata sa pic nya

Aragon69: Kamusta pala yung course mong BS Pokpok? Balita namin mag-Cum Laude ka? kase mahilig ka sa Cum, Bwahahaha.

Bolivar23: Jenny isa kang walang kuwentang ina, post ka ng post ng pic mo para makaakit ng lalake. Bwahahah.

Aragorn69: Tama pre, walang kwentang ina yan...kase POKPOK talaga. Jenny Pakamatay ka na lang para mabawasan ang malalanding post ng post ng pangit na pic bwahahaha. Itapon mo sa imburnal anak mo kase pag namatay ka, walang aampon diyan...sa Zoo ang bagsak niyan dahil mapagkakamalang unggoy. Bwahahahaha...Patayin mo na anak mo...Now na!!!!
Lingid din sa kaalaman ni Jenny, na-hack ni Arthur ang password ng babae. Kahit ilang beses palitan ng babae ang password na iyon ay nakukuha pa rin ni Arthur ang account password niya gamit ang kaalaman niya sa pangha-hack.

Gamit ang account ni Jenny, nagkomento si Arthur...
JennyMae: Sige guys, papakantot ako sa inyo. Sabik ako sa titi nyo. Oo pokpok ako. Tara sex na tayo. Oo nga mukhang unggoy yung anak ko. Itatapon ko na lang siya sa imburnal. hihihihi...KANTOTIN NYO NA AKO PLEASE Hihihihihihih


Isa pang babae ang hinarass ni Arthur, si Claire. Isang diseotso anyos na estudyante ng B.S. HRM sa isang pribadong unibersidad.
Bolivar23: Hoy pokpok na Claire, yung sinasabi ko sa'yo? Nasan na?

Claire: Irereport na kita sa pulis kung cno ka man. Hindi ka na nakakatuwa. Hindi ko alam kung paano ka nakakapasok sa account ko

Bolivar23: Hindi na kita guguluhin, pero isend mo sa'kin picture ng puke mo, kung ayaw mong i-post ko sa wall mo ang selfie mong naka-two piece ka na nasa private folder mo.

Claire: Wala akong picture na naka-two piece, imposible yang sinasabi mo. Tsaka ang bastos mo. Napaka-maniac mo kung sino kaman, ide-disable ko na tong account ko. I hope masaya ka na.

Bolivar23: Hindi mo made-disable ang account mo. Alam ko password niyan eh, Bwahahaha. Pahiya ka ulul... tagumpay na naman ako bwahahahaha!!!!


"Yessss!" wika ni Arthur sa harap ng kaniyang computer sa kaniyang pribadong workstation. Inantay din ni Arthur na magkomento si Jenny sa kaniyang mga sinabi kanina. Sanay na si Arthur sa mga ganung pagbibitaw ng salita. Para sa kaniya, mas masakit na komento, mas nakakatuwa para sa kanya.
Bukod sa pangha-harass ay libangan niya ang pamba-blackmail online.

Bahagyang nawala ang atensiyon niya sa site na iyon dahil ipinatawag siya ng kanilang head para sa isang biglaang teknikal na problemang kailangan niyang ayusin sa isang program ng kanilang kumpanya.

Maging ang kaniyang mga superiors ay makalilang beses na din niyang hinarass online ng hindi nila nalalaman gamit ang kaniyang mga dummy accounts.

Bago umuwi si Arthur ay binalikan niya ang account ni JennyMae, naroon pa rin ang mga komentong kaniyang binitawan. Mga masasakit na komentong para sa kaniya ay isang libangan. Wala siyang pakialam kung makasakit siya ng damdamin ng iba. Tanging ang pansariling kaligayahan sa kaniyang kakaibang laro ang kaniyang iniisip.

Nabasa niya ang mga bagong komento na hindi na galing kay JennyMae, mula na iyon sa ilang kaibigan ng babae kung saan galit na galit silang ipinagtanggol ang kanilang kaibigan mula kay Arthur.

Nakadama ng satisfaction si Arthur. Tagumpay na naman siya sa kaniyang cyberbullying. Naglog-out siya sa site na iyon.

Kinabukasan, patuloy sa kaniyang libangan si Arthur, iba-iba uling mga inosenteng tao ang kaniyang hina-harass.

Binalikan niya ang account ni JennyMae, Natuwa siya. Nandun pa rin kasi ang ipinost na larawan ng babae, gayundin ang mga komento niya para dito.

Isang partikular na komento sa pinakadulo ang gumulat kay Arthur. Isang pamilyar na username...isang pamilyar na account para sa kanya---ang Ruthra99

"Shit...aba...paanong nangyari yun? Deactivated na tong account ko na to ah." aniya.

Iyon kasi ang pinakauna niyang account name. Na-deactivate na niya iyon na mula pa sa isa ng obsolete na site ilang taon na ang nakakaraan. Nagkomento si Ruthra99 sa thread na iyon ni Jenny. Naroon pa rin sa ang avatar ng wolf na tanda niyang ginamit niya dati.
Ruhtra99: Hey Bolivar23/Aragorn69...Remember this account? This was yours right? Finder's Keepers arseholes! :)

Nakadama ng excitement si Arthur. Tila isang bagitong hacker ang gustong humamon sa kanya.

"Putang-ina mo ha" wika niya sa sarili habang iniisip ang gagawin."Gusto mong makipaglaro sa akin ha. Puwes yari ka sa'ken. Akala mo kakayanin mo ako sa pipitsugin mong kaalaman. Simple lang yang ginawa mo...sisiw lang yan eh."

Nag-log in si Arthur sa account ni Jenny. Gusto niyang i-trace ang origin ng Ruhtra99 na gamit ng kung sinuman iyon.

Subalit hindi na niya mabuksan ang account ni Jenny.

Sinubukan niyang muling i-hack ang password ng babae. Naka-lock na ito at hindi na niya mabuksan kahit anong gawin niya.

Bumalik siya sa Bolivar23 account niya, biglang may lumabas na isang mensahe sa kaniyang inbox

Binuksan niya iyon.

Isang mensahe mula sa username na Nimrod, isang larawan ng maskara ang makikita sa profile pic nito.
Nimrod: Trying to trace me? What an amateurish thing to do, Bolivar--- or shall i say...Arthur Dex Francisco.

Bolivar23: I'm not impressed fuctard. You think ma-intimidate mo ako dahil alam mo name ko? Elementary hacking lang pala alam mo. Guess what? Hacker din ako. At yari ka ngayon...i'll be your worst nightmare you bitch!

Nimrod: Intimidating you? LOL. Are you intimidated? 'coz I'm not intimidating you---I'm making you my newest toy.

Bolivar23: Let's see kung sino sa'tin ang magiging toy. You don't know who you're messing with Nimrod. You Fuckin' dumbass.

Nimrod: Dumbass? Oh by the way....You're boss would like to see you Arthur. It's about a text message na sinend mo ngayon sa phone niya. Actually, papunta na yung secretary niya sa puwesto mo. Here she goes in 3...2...1...
Isang katok sa pinto ang narinig ni Arthur. Pumasok sa kwarto ni Arthur ang babaeng sekretarya.

"Mr.Francisco," wika ng babae, "Our boss would like to have a word with you."
Bolivar23: What the fuck? Anong ginawa mo? Tang-ina mo!!!! Patay ka sakin mamya.


Nagtataka man, walang nagawa si Arthur kundi sumunod sa paglabas ng sekretarya ng kaniyang boss papunta sa malaking opisina ng kanilang amo.

Sa pagpasok niya sa kwarto ay nakita niyang hawak ng kaniyang Fil-Argentinian boss ang cellphone nito.

"What's the meaning of this text message Mr.Francisco?" kalmado ngunit halatang galit na sabi ni Mrs.Ledesma. Mas nangingibabaw ang Argentinian accent nito. Hawig ng socialite boss niya si Stella Marquez Araneta.

Napalunok si Arthur.

"W-what text message, Ma'am?"

"You're asking me that, Mr. Francisco? This is your number. You sent me this just a while ago."

"B-but Ma'am, I really don't know what you're talking about. I haven't texted you."

"Explain this."

Ipinakita ni Mrs. Ledesma kay Arthur ang phone niya. Iyon nga ang numero ni Arthur. Nabasa niya ang mensaheng ipinadala ng phone niya. Nakita niya ang kung kailan iyon sinend...ilang minuto lang ang nakakalipas.
"Mrs. Ledesma, don't just sit in there...you bitch! Work your lazy ass off like everyone else.

Kahit malamig ang opisina nila ay pinawisan ng malapot si Arthur. Hawak pa rin niya ang phone ng kaniyang boss.

"Ma'am, That's impossible. I swear to God, i'm not the one who sent you this. In fact, I haven't touched my phone since this morning."

Kinuha naman ni Arthur ang kaniyang phone sa bulsa. Chineck niya ang sent messages nito.

Nabigla siya---naroon sa sent message ang text na iyon.

"Mr.Francisco, i highly admire you as our junior IT. Your skills are highly valuable to the growth of our company. But this text message of yours makes me consider giving second thoughts on promoting you to a more higher position."

"But Ma'am, I really don't have anything to do with this text message. Someone's playing tricks on me a while ago."

"I don't know if i'll believe you Mr.Francisco, but i'll let you get away with this...but i'm warning you, the second time would be your last."

Matapos siyang kausapin pa ng ilang sandali ng kaniyang boss, lumabas na si Arthur sa opisina ni Mrs. Ledesma. Magkahalong galit at takot ang kaniyang nararamdman, mula sa ginawa ni Nimrod sa kanya.

Bumalik siya sa kaniyang puwesto.
Bolivar23: Fuck you! Kung sino ka man...FUCK YOU!!!!!

Nimrod: You mad? Pinagpawisan ka dun ah. Ninerbiyos ka kitang kita ko eh.

Bolivar23:: Nakita mo ko? Galing mo namang gago ka. Paano mo naman ako nakita? Humanda ka ngayon....gumawa ka ng problema sa ginawa mo sakin.

Nimrod: Kitang-kita ngayon dyan sa workstation mo. Andaming kalat ng lamesa mo. Burara ka palang IT. Wow ha, plano ka palang i-promote ng boss mo. Sayang kase tinext mo siya ng ganun. Wala ka tuloy promotion...Ang bad mo Arthur.

Bolivar23: WTF? Tang-ina moooo!!!!! FUCK YOU!!!!

Nimrod: You're welcome Arthur. There's more to come.

Napaisip si Arthur, me nakakabit na mga cctv sa loob ng kanilang opisina, gayundin sa opisina ng boss niya at maging sa mismong puwesto niya. Napatingin si Arthur sa naka-install na cctv sa kisame malapit sa kaniya.

Isa muling mensahe ang nag-pop in sa kanyang inbox. Nakita ni Arthur ang isang jpeg file. Binuksan niya iyon at nakita niya ang jpeg image ng sarili niyang mukha na nakatingin sa cctv camera.
Nimrod: Arthur, the next time you'll look on that cctv...you should "Say Cheese!!!

Bolivar23: Fuck you motherfucker!!! Me naka-install na security system ang cctv namin na ako mismo ang gumawa. Foolproof yun. Fuck you!!!! Tang-ina mo...Lumantad ka!!!!

Nimrod: Security system? Saan? I also noticed na old model na tong mga cctv nyo pero no big deal, okay pa din naman yan. Tell that to your boss in case plano niyang palitan. Baka magbago pa isip nya sa ginawa mo kanina.

Bolivar23: You think nate-threaten ako sa'yo? You'll regret doing this to me. You want this kind of game? You dare me? Fine...wag kang iiyak dahil pagsisisihan mo ang ginawa mo sakin na'to.

Nimrod: Natatakot naman ako. I'm scared Arthur. Oh by the way, kindly check yung security software ng office nyo na pinrogram mo lately, mukhang nag-iba bigla ng pangalan eh. Ako na yata ang author ng software niyan ngayon, Bakit kaya?


Mabilis na chineck ni Arthur ang ginawa niyang program para sa kanilang opisina. Nag-iba ang security protocols na naroon, pati na ang mga details na angkop sa kanilang kumpanya...gayundin ang file nito pati na kung sino ang gumawa.
Bolivar23: FUCK YOU! Sino ka ba? You think this is funny? Ilang months ko ginawa ang software na yan. Pinaghirapan ko yan. How dare you....FUCK YOU!!!!

Nimrod: Ilang months? I guess you've been very busy sa mga online sites na pinupuntahan mo while working ryt? I can see them all...mga pornsites na hina-hack mo, mga social media sites na pinupuntahan mo, or shall i say mga taong sina-cyberbully mo? LOL you're pathetic. Hacker ka din pala ng bitcoin ng iba. How degrading. Do you know how hard those people worked their ass off para sa isang bitcoin lang? Tapos nanakawin mo lang sa kanila? Salamat pala sa pag-donate mo ngayon ng bitcoins mo sa charity of my own choosing.

Bolivar23: FUck! FUCK! Give my bitcoins back!!! Fuck you. Fucking fuck you! I'll press charge against you. I'll do everything para ma-trace kita at ire-report kita.

Nimrod: That's the funniest thing i've heard coming from you.Isang kawatan na magrereport ng pagkawala ng mga ninakaw niya? Kaya mo akong i-trace ryt? Yan ang ginagawa mo di ba? Nabasa ko sa isang post mo na you're the best hacker. Na ni-challenge mo sila na hindi ka mate-trace ng mga hinaharass mo online? Now let's play your expertise, Mag-harasss-an tayo. Siraan ng identity...tingnan ko kung hanggang saan ka tatagal.

Bolivar23: So this is about me harassing people online huh? Now i know, Ginaganti mo sila. You're playing the good guy? A white knight prick. with pathetic hacking skills.

Nimrod: You're my toy. I own your ass. You're my bitch. Let' the game begin..Ako naman ang i-harass mo. Ako naman ang paiyakin mo...yan eh kung kaya mo. Pero ikaw Arthur...hindi ka na lang basta maiiyak sa gagawin ko sa'yo.
Kinabahan si Arthur.
Bolivar23: akala mo ako matatakot mo ako? Kaya ko ring gawin yang ginagawa mo. And i'm sure you'll regret doing this to me.

Nimrod: I dunno pero, parang nanay mo ang natatakot ngayon eh, kase nasa office din siya ngayon di ba? Sa Makati to be exact, H.V. De La Costa right?

Bolivar23: Fuck you!!!! Kung sinu ka man. Don't you dare mess with my mom.

Nimrod: I can mess with anyone i want to, Arthur.

Bolivar23: Nagtagumpay ka na Nimrod. Ikaw na ang the best hacker. Happy ka na fucker?

Nimrod: You're wrong...I'm the worst kind... The baddest kind of them all. I'm Nimrod. I hunt people like you. Boring kalaro ang mga ordinaryong netizen. Kagaya mo ang mas masarap paglaruan. Balik tayo sa mom mo. Nagnanakaw pala ng pera ng kumpanya ang mom mo? Like mother like son.

Bolivar23: Don't mess with my mom...sasamain ka saking hayup ka. Tsaka hindi magnanakaw nanay ko.

Nimrod: Pero iba ang sinasabi ng dinuktor niyang documents ng company nila. Nahugot ko lang sa recycle bin sa pc nya sa office nila...binura na niya pero nakita ko pa rin eh. Ang galing no?

Bolivar23: This is harassment....You're blackmailing me. I knew it. What do you want?

Nimrod: Sinend ko pala yung file na yun directly sa CEO ng kumpanya nila. Panu yan? Parang me binagong presyo yung mom mo dun? More or less nasa 120k ang nakulimbat ng mom mo sa transaction na yun. Pera ng kumpanya yun ah. Naku patay mom mo dyan Arthur.

Bolivar23: FUCK YOU!!! IREREPORT KITA SA PULIS...PUTANG INA MOOO!!!!!!! MATE-TRACE DIN KITA!!!!

Nimrod: Pulis? Tingin mo papansinin tayo ng pulis? Alam mo yan ah. Easy now. You're my toy remember? Trace? You're so slow. Hindi mo ba napapansin personal social media account ng boss mo ang gamit ko? Na-hack mo din to di ba? Tsaka na-cyberbully na rin? I would love to see her reaction sa cctv once i texted her about this...using your number. hahahahahaha.
Balisa na siya. Ngayon lang siya kinabahan ng ganito. Kinabahan din siya para sa nanay niya. Mukhang totoo yung sinasabi ni Nimrod.

Isang text message ang natanggap ni Arthur.

Nabigla siya sa nabasa.
Nanay: Arthur anak, paano mo nagawa sa nanay mo ang ganito. Posible akong makulong.

tinawagan ni Arthur ang ina.

"Nay, anong nangyare? H-hindi ko alam yung sinasabi nyo. Wala akong ginagawa."

"Anak, email address mo ang nagsend sa boss ko kaninang umaga ng isang excel file na mula sa office namin dito. Hindi ko alam anak kung bakit ginawa mo sa'kin to. Natuklasan nila yung ginawa ko. Nalaman din nila yung nawawalang pera na yun na hindi nila ma-trace dati. Paano mo nalaman ang file na yun? Paano? huhuhuhu"

Maiyak-iyak na si Arthur.

"Nay, hindi ko alam talaga. Hindi ako yan."

"Anak, makukulong ako. May dalawang pulis na dito. Ipoposas na ako..."

At naputol na ang kanilang pag-uusap.

Isa namang text message ang natanggap niya. Mula iyon sa isa niyang barkadang si Jose.
Jose: Pre namputsa ka. Nag-post ka ng video mo sa facebook. Nagma-masturbate ka sa harap ng laptop mo? Kalat na kalat na pre, tinag mo pa kami ng lahat sa video mo. Namputsa pre anong iniisip mo?
Hindi na nakuhang magreply ni Arthur. Binuksan niya agad ang account niya. Hindi na niya ito mabuksan. Isang dummy niya sa facebook ang binuksan niya. Doon niya nakita na naging trending na ang masturbation video niya. Ginawa siyang katatawanan sa social media.

Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Arthur sa sandaling iyon. Sa isang iglap, nasira ang kanyang imahe.

Napayukong nilalamukos ni Arthur ang mukha sa magkakahalong emosyon.

"Putang ina, ahhhhhhhhhhh...putaahhhhhh....'

Bumalik siya sa isa pang social media site kung saan kausap niya si Nimrod.
Bolivar23: Putang ina moooohhhh...Tigilan mo na ako...Putang ina ka. Papatayin kitaaaa!!!!

Nimrod: Paano mo ako mapapatay? Sisirain mo ang screen ng pc dyan? Babayaran mo yan sa boss mo.

Bolivar23: Ano bang kailangan mo? Wala naman akong ginagawa sa'yo.

Nimrod: Alam mo naman ang magiging sagot ko. Parehas lang tayo ng dahilan Arthur...dahil kaya mo. Pero sa pagitan nating dalawa---Mas kaya ko.

Bolivar23: Tang-ina mo! Putang-ina mo! Pati nanay ko...pati privacy ko pinakialaman mo.

Nimrod: Kasalanan ko ba kung nakikita sa webcam mo ang pagjajakol mo kagabi habang nanonood ka ng porn? Tawa nga ako ng tawa, Ngayon kalat na sa facebook yung video mo...i'm sure magiging viral yung video mo. I'll make sure it will.

Bolivar23: Hayup ka!!!!! Papatayin kita tandaan mo yan! Wala kang konsensiyang putang-ina mo. Ibalik mo ang account ko. Putang ina mo Papatayin kita oras na malaman ko lang kung taga-saan ka. Hahanapin kita.

Nimrod: You're welcome again Arthur...Me surprise ulit ako mamya.
Sa labis na takot ni Arthur ay mabilis niyang hinugot ang plug ng kaniyang pc sa saksakan. Pinatay din niya ang kaniyang cellphone gayundin ang kaniyang personal laptop. Biglang tumunog ang tablet niyang nasa bag. May message sa kanyang inbox mula doon.
Nimrod: Itong tablet mo, nakalimutan mong patayin. Non-sense din naman gawin mo yan, mate-trace pa rin kita.

Bolivar23: Putang-ina mo! Putang putang ina mo sa kaina-inahan mo!

Nimrod: Natatawa ako sa reaksiyon ng mukha mo. Nanlalaki mata mo sa takot habang nagta-type sa tablet mo

Bolivar23: Tantanan mo na ko parang awa mo na. Bakit ginagawa mo sa akin to?

Nimrod: Kase kaya ko.

Saktong coffee break ng shift ni Arthur. Kanina pa niya gustong manigarilyo dahil sa labis na tensiyon. May kinse minutos siyang break. Nasa 15th floor ang opisina nila. Sumakay siya ng elevator papuntang ground floor. Tinungo niya ang labas upang manigarilyo. Nang sisindihan niya ang kaniyang yosi ay...

"Putang ina mo nakita din kitang puking ina mo ka?" sabi ng isang lalake, medyo maskulado ang katawan nito kumpara kay Arthur na may katabaan at may malaking tiyan.

Dahil sa labis na kaba, nahulog sa bibig ni Arthur ang subong sigarilyo. Natatandaan niya ang lalakeng pasugod sa kaniya---iyon ang mister ng babaeng hinaharass niya online.

Galit na galit na lumapit ang lalake sa kanya,"Putang-ina mo...Arthur pala pangalan mong puking ina mo ka!" wika nito.

Sinuntok niya sa mukha si Arthur.

Tumumba si Arthur sa semento.

"Ano? Asan yung tapang mo?" galit na sigaw ng lalake.

Sinuntok niyang muli ang nagpupumiglas na si Arthur.

"Putang-ina mo, muntik nang magpakamatay misis ko sa pagpapakalat mo ng hubad na litrato niya na dinuktor mo lang sa photoshop." maiyak-iyak sa galit na wika ng lalake habang patuloy ito sa paggulpi kay Arthur.

Nagsidatingan ang mga sekyu ng gusali at naabutan nilang ginugulpi ang hindi makapalag na si Arthur.

Inawat ng mga sekyu ang lalake.

Ibinangon din ng mga sekyu ang mahilo-hilong si Arthur, me dugo ang kaniyang bibig at ilong, bukod sa mga pasa sa mukha.

"Puking-ina mo. Pasalamat ka binuhay pa kitang hayup ka." sabi ng lalake, "Ngayon alam ko na ang identity mo, pati bahay mo. Babalikan pa kitang hayup ka."

Habang nangyayari iyon. Isang senior IT ng opisina ni Arthur na kasalukuyang nagmo-monitor ng server nila ang nakapansin sa biglaang pagbabago ng protocol ng kanilang security system. Hindi niya maibalik sa dati ang nasabing program o ma-reboot man lang ang kanilang round the clock server na kritikal sa kanilang kumpanya. Bago pa man siya tumayo ng kaniyang workstation ay isang message ang nag-pop sa kaniyang server.

Binasa iyon ng lalaking senior IT expert, ilang minuto niyang binasa ang detalyadong file kung saan nakadetalye ang mga aktibidad ni Arthur sa computer. Mga hindi kanais-nais na aktibidad.

Napailing ang senior IT expert. Ngayon lang na-breach ang kanilang security system ng ganun kadali. At ngayon lang nangyari na may nagsend sa kanilang sophisticated system ng isang mensahe mula sa isang source na hindi niya ma-trace.

Patuloy sa pagbasa ang senior It expert sa encrypted message na iyon. Ilang minuto pa ang dumaan, natapos din niyang basahin ang message na iyon. Kusa na rin iyong nawala sa kanilang server.

Bilang isa sa pinakamahusay na IT sa bansa, Hindi makapaniwala ang lalake sa nangyari. Ibig sabihin lang niyon ay mas mahusay ang hacker na iyon kaysa sa kanya. Niluwagan niya ang tali ng kaniyang necktie para makahinga siya ng maluwag. hindi man siya makapaniwala pero aaminin niya, hindi lang basta hacker ang taong iyon----iyon na yata ang pinakamagaling na hacker na na-encounter niya sa buong career niya.

Nagulat siya ng si Arthur mismo ang nagpunta sa puwesto niya. Pawis na pawis ito at balisa. Ikinabigla niya ang hitsura ng mukha nito, na tiyak niyang mula sa mga suntok. Pero sa mensaheng natanggap niya kanina lang. Me ideya na siya kung bakit ganun ang hitsura ni Arthur.

"Sir, me problema tayo." wika ni Arthur.

"Anong tayo Arthur,ikaw ang may malaking problema...pati kami idadamay mo pa. Labas kami dyan.Labas ang kumpanya sa ginawa mo."

Nagulat si Arthur, batid niyang alam na rin ng kaniyang senior IT ang nangyayari sa kanya.

Inulit ni Arthur ang pakiusap sa superior niya...

"Senior IT kita Sir, baka matulungan mo ako. Ang laki ng problema ko."

"Dapat lang problemahin mo yan Arthur. Ikaw me gawa niyan eh. Anong ginawa mo sa knowledge na meron ka sa field natin? Ginamit mo sa masamang paraan...sa mga tao...pangha-hack...sa pangha-harass ng mga kawawang binibiktima mo."

Hindi nakakibo si Arthur. Tama naman ang sinabi sa kanya ng superior niya.

"Yun daw palang babaeng na-cyberbully mo...yung JennyMae, me sakit pala sa puso yung kawawang hina-harass mo. That night namatay daw yung Jenny...nakabukas pa yung laptop niya, dun mismo sa mga binasa nyang comment mo siya namatay."

"H-hindi ko iisiping didibdibin niya yun Sir."

"Yun ang alam mo. Kasi hindi ikaw ang nasa katayuan ng mga hina-harass mo...ng mga sina-cyberbully mo."

"Sir, please tulungan nyo ako. Pati nanay ko nadamay na rin."

"Sorry pero hindi kita matutulungan Arthur. Be a man. Harapin mo ang ginawa mo. Nakapatay ka ng isang tao dahil sa ginagawa mo. Panu pa yung iba na wala ng balita kung ano nangyari sa kanila? Buti kinakaya ng konseniya mo ang mga pinaggagawa mo? Nawala ang respeto ko sa'yo Arthur. It's best if you resign now...o kung gusto mo ako na magrecommend kay Boss na i-terminate ka."

"G-ganun lang yun. As simple as that, Sir?"

"Why? Pati pala si Boss hina-harass mo, ikaw pala yun Arthur. You're in deep shit."

Pagpunta ni Arthur sa kaniyang workstation ay siyang dating din ng sekretarya ng boss nila.

Tila nandidiring inabot ke Arthur ang isang sulat "Ipinabibigay ni Boss"

Alam na ni arthur kung ano iyon. Tama nga ang sabi ng senior IT nya

He's in deep shit.

Tinanggal sa trabaho si Arthur bago sumapit ang tanghali. Sa paglabas niya ng opisinang iyon sakay ng elevator ay binuksan niya ang kaniyang cellphone, gusto niyang tawagan ang kaniyang ina.

Isang tawag ang sumalubong sa kanya.

"Masakit ba yung suntok sa'yo Arthur?"

Boses iyon ng lalake. May pagka-conyo ang slang nito.

"Nimrod...Puking ina mo kaaahhhh...Ha-huntingin kitang hayup ka."

"Kanina mo pa sinasabi yan Arthur, pero hanggang ngayon wala ka namang magawa."

"Putang ina mong Nimrod ka...kung sino ka man...malalaman ko din kung sino ka mabigyan lang ako ng sapat na panahon."

"I doubt that Arthur. It only took me a few minutes para malaman ko ang lahat sa'yo...at past time lang kita. Hindi pa ako nakatutok sayo talaga."

"Ang yabang mong kupal ka! Kupal kang tang-ina mooohhhh."

"Bored na ako sa'yo Arthur, This is getting lame na. I have other important people to deal with, like exposing that high ranking official that's been plundering our tax money. you're just my toy on the side Arthur....so bye na....Adios Arthur."

Biglang gumaan ang dibdib ni Arthur. Nagpaalam na sa kanya ang lalakeng huma-harass sa kanya.

Laking gulat niya ng biglang nakarinig siya ng malaks na tunog sa itaas ng elevator.

SCREEEECCCHHHHHHHHHHHHHH

hindi niya alam kung ano ang tunog na iyon pero isa lang ang natitiyak niya...hindi iyon maganda.

Biglang bumulusok pababa ang elevator na tanging siya lang ang sakay.

Swoooooooosshhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!"

Swoooooshhhhhhhh....swooooosshhhhhh...swooooshhhhhhh....

Pabilis ng pabilis ang tunog ng pagdaan na iyon sa bawat palapag

Sumigaw ng malakas si Arthur. Kusa siyang napasadlak sa sulok sa tindi ng puwersa ng pagbulusok paibaba ng elevator. Pinindot niya ng pinindot ang emergency button malapit sa kanya. Wala rin iyong saysay. Biglang dumilim ang loob ng elevator.

Isang nakakabinging pagkaskas ng bakal ang narinig ng mg... Read More

About the Author :

Joined: July 11, 2014 (2 years old)
Writings: 78

Send PM · Male · Offline

I love to write erotic stories. I also write in Wattpad under the same name. My stories will be published soon.
66 comments   11 favorites   3,270 views