Noon, Ngayon at Bukas

Posted in
Blog: Tagalog · Categories: Non-Erotic · Tags: , ,
Date: September 8, 2015 (2 years ago)


Disclaimer: Lumang blog post ito na sinulat ko three years ago -- sinulat ko dahil third year anniversary ng paghihiwalay namin ng taong minahal ko. Looking back sa nangyari sa akin 6 years ago, isa siguro ito sa reasons why ang "heartless" ko na ngayon. But the good part - we are back to being friends (even better than before) and we agreed na we are better off on our own.

Another disclaimer: may hugot moments. Huwag tularan.

***

Natatawa akong isipin na ang laki laki kong tanga. I'm so stupid! Ang hirap mag move on kahit anong klaseng pa-andar ang gawin ko. Minsan nga ang cheap-cheap na, actually hindi lang minsan, most of the time pa.

Pwede na nga ako gumawa ng movie at ang title nito ay "Umeffort Ka Ngunit Kulang". Kailangan pa yata mag ala-circus stunt ako, kagaya ng kain bubog, tawid sa alambre, sayaw sa baga, magbalat ng buko, mga ganung klase para mapansin yung ini-effort ko.

Tinawagan kitaat lahat, SMS, email, at chat -- walang effect! Ang manhid lang tsong! Siguro nung ipinanganak yung tao na ito eh naoverdose sa anesthesia ang nanay nitong tao na ito kaya master na master nya pagka-manhid.

Hopelesscase na ito. Kumbaga sa korte na denied na yung appeal. Ano pa nga bang ipinaglalaban ko? Ano pa bang hinahabol ko? Wala na nga, Tapos na. Malinaw na malinaw! Bakit ba hindi maabsorb ng matigas kong ulo? Hindi naman ako bobo pero bakit kahit gusto kong intindihin, hindi ko maintindihan?

Binago ko yung sarili ko para sayo at para sa iba pang tao na pinag-alayan ko. Noon, ang sama-sama ko at at ang careless ko, palagi mong sinasabi na "stop ruining yourself", "do us a favor blah blah blah" YOU WERE THERE. You kept reminding me na I am worthy. Iba ako. Oo, iba ako. Fuck that bullshit.Noong binago ko ang sarili ko na ayon sa kung anong gusto mong gawin ko para maiayosang buhay ko, WALA KA. Wala ka para sabihin sa akin na "i'm happy for you, you turned yourself for the better". Say whut? Fuck that.

Ang lakas pa ng loob mo na sa tagal ng panahon na hinintay kita, sinabi mo na may iba ka na pala. Ang nasabi ko na lang "ah, good for you." Gusto ko sana mahulog sa upuan ko nun. Tatlong taon kitang hinintay at maliwanag pa sa sikat ng arawna tinalikuran mo ako. At ang sakit-sakit. Gusto ko maiyak pero wala, wala akong maramdaman. Mukhang tanga na nga ako, lalo ko pa bang pagmumukhaing tanga ang sarili ko?

The irony of ironies. Natatawa na lang ako pag naiisip ko. Nakakatawa ako, nakakatawa ka, nakakatawa ang katangahan ko sayo.Tatalikod na ako, malapit na. Kakayanin ko ito kasi wala naman na akong aasahan sa iyo. Gagawin ko kung ano ang makakapagpasaya sa akin ng walang nagbabawal na baka ganito o ganyan ang mangyari sa akin. Buhay ko naman ito after all. So, fuck off.

Isang pakiusap lang, kung darating yung time na magkikita tayo or magkakausap tayo-- KUNG pagdating ng time na yun ay maayos ang lagay ko, i-congratulate mo naman sana ako. Kung kabaligtaran naman, sana wag mo na akong paki-alaman, wag mo na subukan iayos ang buhay ko, kasi after all, sirang sira naman na ito. Pinipilit kong buuin yung pagkatao ko, pero hindi ko naman ito kayang mag-isa. Nasan ka ba kasi pag kailangan kita?

Sabi mo busy ka kaya di ka makasagot sa email mo, sabi mo kaya hindi ka maka connect sa akin sa social network kasi may moderators ka. Wow ang bullshit nun Pare! Super bullshit! Anong akala mo, tanga ako?

Ang dami dami kong gustong sabihin sayo na maganda, pangit, masaya, mapait -- pero hindi mo ako binigyan ng chance. Napaka unfair mo, sobrang sinaktan mo ako pero bakit sa kabila ng ang dami kong nasasabi ngayon dito, hindi ko...

About the Author :

Joined: May 2, 2015 (3 years old)
Writings: 46
Send PM  ·  Female  ·  Offline
Signature Text:
Follow me on Facebook: www (dot) facebook (dot) com/bellavictoria88/

Suggested writings:

0  ·  33  ·  0  ·  1,976
 · 

Comments
MidLifeCrisis
September 8, 2015 (2 years ago)

Shit! Tumulo luha ko, parang um-echo lang sa isipan ko ang ibang linya mo dito, Bella. Gusto kong maramdaman ang pagiging "heartless" uli. Yong wala ng maramdaman pain dapat.

Naalala ko 'yong sakit nung half-brother nung bida sa book na The Girl With The Dragon Tattoo, congenital analgesia (at ni-google ko talaga sya ngayon :D). Sana nagkaroon nalang din ako ng ganito para di na makaramdam ng sakit :)

And.I.Care.Not.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
BellaVictoria
September 8, 2015 (2 years ago)

At some point Sis, dadaan ka sa time na ang tanga-tanga lang dahil nagmahal ka lang naman. Pero ang pag move-on ay deliberate. Minsan isang buwan lang, naka move-on ka na, pero minsan kahit taon na ang binilang, hindi ka pa rin maka-andar. Ang pinakamahirap na part ay yung pag bago sa routine na nakasanayan mo noong andyan pa ang tao. Ang tagal kong naging in denial dun. :)

Follow me on Facebook: www (dot) facebook (dot) com/bellavictoria88/

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
MidLifeCrisis
September 8, 2015 (2 years ago)

Sabi nga ng bff ko "hindi ka naman pilay kaya lumakad ka palayo kung saan ka ngayon."

And.I.Care.Not.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
BellaVictoria
September 8, 2015 (2 years ago)

Yup. Sa umpisa lang mabigat humakbang, pero for sure kakayanin din lumakad papalayo. :)

Follow me on Facebook: www (dot) facebook (dot) com/bellavictoria88/

Like (1)  ·  Report
BigBadBoy
September 8, 2015 (2 years ago)

Bella ramdam na ramdam ko yung sakit sa sinulat mo na ito. Dala siguro na pinagdaanan ko rin yung halos eksaktong emosyon na meron ka nung nasa proseso ka ng pagmove on. Haaaaay! Pero at least naging ok ka after the aches and breaks.

I don’t suffer from insanity. I enjoy every minute of it.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
BellaVictoria
September 8, 2015 (2 years ago)

Oh, to love! Kaya nga di na yata ako marunong magmahal ng lalaki ngayon. Chos! But kagaya nga ng sabi ko, ang hirap iovercome yung emotion. Dumaan ako sa naging suki ng bar kakainom makalimot lang. :D

Follow me on Facebook: www (dot) facebook (dot) com/bellavictoria88/

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
BigBadBoy
September 9, 2015 (2 years ago)

naging suki din ako ng isang kilalang bar sa makati para makalimot. hahahaha! kaso wala pa rin eh. Nasubukan ko pa yung drunk text, pati tumawag ng lasing na lasing at umiiyak hahahah! pag naalala ko nakekesohan ako sa sarili ko. Sabi nga nung kapitbahay namin "bakit ka malulungkot kung iniwan ka ng isa kung lahat naman ng me jowa pinapantasya ka..."

I don’t suffer from insanity. I enjoy every minute of it.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
BellaVictoria
September 9, 2015 (2 years ago)

Alin bar, sa Central? :D masarap kasi magpakalasing don. Mura pa. Hindi pa naman ako nakapag drunk text or call in this case pero nagda-drunk text ako sa kaibigan ko para sabihin na "hskandoskdisnaga skd wialsval" sabay :( di na naintindihan yung text dahil sa pagkalasing at pagiyak, basta na lang nakapag type.

At natawa ako sa last line na pinapantasya ng jowa ng iba

Follow me on Facebook: www (dot) facebook (dot) com/bellavictoria88/

Like (0)  ·  Report
BigBadBoy
September 9, 2015 (2 years ago)

Hahaha bella masyadong oldschool yung makati namin hahahah! Baka baby ka pa nun. Pambihirang drunk text yan. Wala rin sense, nagpaawa pa ko kunyari na sobrang lasing ko. Ayun din naman pala nabasa kasi nakasilent ang telepono. Hahahaaha

I don’t suffer from insanity. I enjoy every minute of it.

Like (1)  ·  Report
BellaVictoria
September 9, 2015 (2 years ago)

Ah old school na watering hole pala. But anyway-- kainaman. Naalala ko katangahan ko pa, nagleave ako ng half day para bantayan sya sa palagi nya pinagtatambayan. Oh pag-ibig. Damn!

Follow me on Facebook: www (dot) facebook (dot) com/bellavictoria88/

Like (0)  ·  Report
LouLou
September 8, 2015 (2 years ago)

"Isang pakiusap lang, kung darating yung time na magkikita tayo or magkakausap tayo-- KUNG pagdating ng time na yun ay maayos ang lagay ko, i-congratulate mo naman sana ako " this made me cry..hayyyyy

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
BellaVictoria
September 8, 2015 (2 years ago)

Thanks sa pagbasa, Loulou :) eto siguro yung tinatawag na Letting go. ;)

Follow me on Facebook: www (dot) facebook (dot) com/bellavictoria88/

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
candace
September 8, 2015 (2 years ago)

Cheers! Graduate na sa tanga moments at naipasa na ang thesis defense! Nakakatawa minsan pag binalikan mo 'yang mga ganyang bagay, iniisip dati na parang yun na ang end. But heck NO! It's funny that this kind of shit literally shapes up one's personality, whether good or bad.

Daming natutunan after matapos yung ganyang phase ng buhay natin, pwedeng maging heartless (just like what you said) or even wiser this time. Importante naman na may makuhang aral para sa next chapter ng buhay, mas matatag na, malakas ang loob at praktikal.

captcha: levels (level up na raw, naka-move on na eh)

Whatever you do, choose life. (Urbandub)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
BellaVictoria
September 9, 2015 (2 years ago)

Yup. It's true na experience is the best teacher sa lahat ng bagay. Hindi ka magiging wiser kung hindi mo babalikan ang times na nagpakatanga ka at nasaktan.

Looking back, pinagtatawanan na ko na lang ang nangyari. I loved, not the wrong person, but on the wrong time. Chos! And now that we communicate wih each other once in a while, may maganda pa ring memories na babalikan despite the hurt and pain. And I think maturity plays a big part na rin.

Follow me on Facebook: www (dot) facebook (dot) com/bellavictoria88/

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
candace
September 9, 2015 (2 years ago)

Kahit naman kasi nagkasakitan, meron pa ring magagandang memories and I think mas okay na yun na lang ang isipin kesa ang pain. Tapos na ang pain, nakatulong na yan to make ourselves better and good memories help us smile once in a while.

And yeah, maturity plays a big role on how we handle life's crisis at samahan na rin ng self-actualization/self-realization.

Whatever you do, choose life. (Urbandub)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
BellaVictoria
September 9, 2015 (2 years ago)

Agree. And it's always good to forgive but syempre never forget. :)

Follow me on Facebook: www (dot) facebook (dot) com/bellavictoria88/

Like (0)  ·  Report
Bebeko
September 9, 2015 (2 years ago)

Bella, isa lang ang masasabi ko blog mo;

Happy 3rd year anniversary hahahahaha

Good job!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
BellaVictoria
September 9, 2015 (2 years ago)

Adik!

Follow me on Facebook: www (dot) facebook (dot) com/bellavictoria88/

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
lara0123
September 9, 2015 (2 years ago)

Ang lalim ng kurot, Ms Bella. Totoo ngang heartbreaks make us stronger and wiser.

Let's not complicate things.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
BigBadBoy
September 9, 2015 (2 years ago)

i couldn't agree more... wala lang mema lang, memareply lang hahaha! :D

I don’t suffer from insanity. I enjoy every minute of it.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
lara0123
September 9, 2015 (2 years ago)

Hahaha, me utang ka pa sakin idol. Miss ko na si ninong.

Let's not complicate things.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
BellaVictoria
September 9, 2015 (2 years ago)

Agree Lara. Been there, done that ;)

Follow me on Facebook: www (dot) facebook (dot) com/bellavictoria88/

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
somebodyuused2know
September 9, 2015 (2 years ago)

Tagal ng pinagdaanan ah, pero ang importante, hindi ka na nakatambay dun. :-D Bakit nga kaya noh, yung mga words na let go, move on, if only, pare-pareho lang namang two syllables, pero yung kahulugan nila, parusa sa puso. Always, and I'd say, always, these two-syllable words could make or break you.

Isang tagay pa d'yan para sa lahat ng kasalukuyang pinapraktis ang pag let go, pag move on, at pag-ask ng if only. Cheers!

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
BellaVictoria
September 9, 2015 (2 years ago)

Tagay lang ng tagay hanggang sa malagpasan na ang dapat lagpasan. Sa totoo lang, ang sarap ng feeling mag-inom at umiyak after. Tapos sa sobrag hang over mo the following day, iinom mo na lang ng alka seltzer or paracetamol -- then wala na ang sakit ng ulo. Pero andun pa rin ang sakit ng puso- then inom, iyak, tulog - same cycle hanggang sa in the end ikaw nanrin mapapagod dahil marerealize mo na wala ka naman pala napala.

Kaya-- madaming ways pa rin talaga para maka move on, let go, if only :D

Cheers!

Follow me on Facebook: www (dot) facebook (dot) com/bellavictoria88/

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
somebodyuused2know
September 9, 2015 (2 years ago)

Ay di ko nasama yung isa pang mas mapait, yung "what if?" Lels.

Yung totoo, matagal na matagal na, may dinaanan din akong ganyan, tapos one time, umiinom ang brother ko at mga pinsan, RH ang itinutumba, eh hindi pa ko nakatikim nun. Parang trip ko lang makiuso sa fad na pag sad idaan sa alak, at curious ano ba mas masarap, SMB o RH, nakishot-shot ako.

Di naman ako nakiuso sa drunk text hehe, loves ko nga pero isinusumpa ko pa na tamaan ng galis nung time na yun eh. Ayun, umiyak ako...kasi pagkashot ko ng ilang beses, sumumpong ang skin allergy ko, ang lalaking pantal-pantal. Pati RH nun naisumpa ko hehe.

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
MidLifeCrisis
September 9, 2015 (2 years ago)

Sama mo na din sistah, "what could have?" :D

And.I.Care.Not.

Like (0)  ·  Report
somebodyuused2know
September 10, 2015 (2 years ago)

Puede! Kaso 3 syllabs siya. Dala-dalawa lang muna tayo. :-D

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Like (0)  ·  Report
rmpunkista
September 9, 2015 (2 years ago)

hayssss hirap talaga mag move on mahirap mawala ang nakasanayan mo na araw araw tapos dun pa naikot mundo mo gunaw pag nawala.....


minsan may bagay pa nakakapagalaala sheeeet  sakit.......


pero wala naman makakatulong sa sarili natin kungdi tayo din........

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
BellaVictoria
September 9, 2015 (2 years ago)

Agree. I'd say hayaan mo lang na pagdaanan mo yan, part of growing up at part ng pag puso. :D

Follow me on Facebook: www (dot) facebook (dot) com/bellavictoria88/

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Pusanggala
September 9, 2015 (2 years ago)

Aray nman tagos na tagos

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
BellaVictoria
September 9, 2015 (2 years ago)

Sabi nga ni Taylor Swift, "band-aids don't fix bullet holes..." Tagos sa laman :D

Follow me on Facebook: www (dot) facebook (dot) com/bellavictoria88/

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
rmpunkista
September 9, 2015 (2 years ago)

screwdriver ata nakakaaus sa bullet holes hehehehe part of grow up gya ng sabi mo ms bella


kahit lalaki natatamaan din ng iniiwan haysss pero change up for the better not for the worst

tagay sa mga tinamaan wahahaha huhuhuhu (ouch sapul)

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
A
ajtan888
December 7, 2015 (2 years ago)

just read this.  grabe i can super understand

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment