Ninong 1 - The Man, The Myth, The Legend

August 7, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: First Time | Tags: , ,

Ninong 1 - The Man, The Myth, The Legend*** Authors Note: This story was posted to other sites but I can confirm that I am the original author of this story/ blog. Enjoy dear FSS readers***

Uy mga katropa! Anong balita? Sapat lang ba?!

Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang kwento ng ninong ko. Isa sya sa talaga naman nakapagpabago ng pananaw ko sa buhay at nagpaunlad ng aking kaisipan bilang isang lalake.

Hindi ko sya ninong sa binyag, sa kumpil at nung investitures namin nung naging boyscout ako. Siya ang nagpresinta na maging ninong ko nung tinulian ako sa Mandaluyong hospital. Nagsimula ang lahat nung nakita ko syang nakatayo sa labas ng ospital at nagyoyosi. Nung nakita nya ko, kinausap ako ni ninong at tinanong nya kung ano daw ginagawa ko sa ospital. Sinagot ko naman sya na "magpapatuli po..." ng me konting nerbyos at pag-aalala dahil nga sa gugupitin na ang balat ng titi ko kahit na hindi pa masyadong tagpos or hindi pa kita yung buko ng ulo. At sumagot sya. "Ah magpapabinyag ka na!? Tamang tama ako na lang ang ninong mo. Hahahaha!" Hindi ko naintindihan ang gusto nyang iparating dahil na rin sa sobrang nerbyos ko.

Nung natulian na ko, masayang masaya akong lumabas ng ospital, at sumisigaw ng "Sa wakas binata na ako! Makakatikim na ko ng pekpek! Bwahahaha!!!"... joke lang medyo naluluha na ako nung lumabas ng ospital kasi nga unti unti ng nawawala yung bisa ng pangpamanhid na inineksyon sa dulo ni junjun. Nararamdaman ko na yung pag-kayas ng ulo na kulay makopa sa shorts ko.

Nung gabi din na yun naalala ko yung bagong ninong ko. Hindi ko man lang inimbitahan sa bahay para makapag meryenda muna ng luckyme pancit canton chilimansi na inulam sa kanin o makapagkape man lang gamit yung tinustang bigas. Tinanong ko erpats ko kung bakit binyag ang tawag sa pagpapatuli, tumawa lang sya ng malakas at tumalikod na. Hanggang ngayon eh misteryo pa rin para sa akin ang totoong kuneksyon ng binyag at tuli. Tinanong ko yung mga tropa ko sa Daang Bakal na bagong tuli din kung me ninong sila nung bininyagan sila sa pagkakatuli. Nagtawanan lang sila at binatukan ako nung isang katropa ko. Isang malaking misteryo talaga sya hanggang ngayon para sa akin.

Minsang nautusan ako ng ermats ko na bumili ng kinchay sa palengke dahil magluluto sya ng lumpiang shanghai, nakita ko si ninong. Tuwang tuwa ako kasi baka pag nagbless ako sa kanya eh bigyan ako ng pera or pakainin ako sa lugawan sa karinderya. Nung nag-mano ako sa kanya na me matamis na ngiti sa aking bibig... ang unang sinabi nya sa akin eh "Tanginamo sino ka? Bakit ka umaamen sa akin? Anak ba kita sa ibang babae? Asan ang nanay mo?" Nagulantang ako sa mga sinabi ni ninong pero hindi ako nagpahalatang na-upset ako kasi pinaasa nya ko na ninong ko sya... Gusto nang tumulo ng dalawang patak na luha ko sa kanang mata, pero pinigil ko, tumingin ako sa langit ng matagal para hindi tumuloy ang pagtulo.

Sinabi ko sa kanya "ako po yung inaanak nyo sa binyag". Di daw nya ko maalala, pero ang masaya nun binigyan nya ko ng pipty eyt pesos, balato daw nya sa akin kasi nanalo sya sa sabong. Kala daw kasi nya me anak sya sa ibang babae at ngayon lang nagpakilala sa kanya. Kumain ako ng lugaw pati tokwa't baboy gamit ang pera na binigay sa akin ni ninong.

Minsan isang beses eh nagkita ulit kami ni ninong sa me sabungan sa me Bagong Silang. Nagmano ulit ako baka kasi bigyan ulit ako ng pera. Pero talo daw sya sa sabong kaya wala daw muna balato. Pero masaya pa rin ako dahil nakilala na ko ni ninong. Namemeryenda sya ng softdrinks sa plastic pati hopia, binigay nya sa akin ang isa sa dalawang hopiang tipas na kinakain nya. Tinanong ako ni ninong kung me syota na daw ba ko. Sabi ko "Wala pa po ninong, wala pa po sa isip ko ang ganyang bagay." sumagot sya, "Eh gago ka pa lang bata ka eh, dapat sumosyota ka na, mas maaga mas mabuti, marami kang mapapaligaya" Hindi ko maintindihan ang sinasabi ninong, ang focus ko kasi eh dun sa hopiang kinakain ko. Tinanong nya ulit, kung ilang taon na daw ba ko, sabi ko eh 10 na ko at mag-ieleven na sa September. Sumagot sya ulit ng "Oh sakto, 11 ka na, dapat 11 na rin ang syota mo" At doon sya simulang magkwento tungkol sa sarili nya.

Umupo kami sa gilid ng kalye at nagsimulang magshare si ninong ng mga naranasan nya nung bata sya, na tulad nga ng sinabi ko eh nakapagpabago ng aking pananaw sa buhay. Nagsimula daw ang lahat nung sampung taong gulang sya. Nagkaroon daw sila ng kasambahay na ang pangalan eh Doray, malaki ang boobs at inaabangan nya daw to tuwing magwawalis kasi pag yumuyuko eh nakikita ang pisngi ng langit. Sinubukan nya daw ligawan ang kasambahay nila para naman makaexperience syang humalik at makpanghipo pero binasted daw sya ng yaya nya kasi bata pa raw sya at me boypren na raw, si Inggo yung nagbebenta ng gulay sa palengke. Kaya naman sinubukan ni ninong manligaw ng kaparehas nya ng edad si Myrna yung kaklase nya sa grade5 na laging pinapasali sa United Nations pageant bilang Ms. Chile. Naging syota nya daw si Myrna pero hindi sya naka kiss man lang, nung minsan kasing subukan nyang halikan eh sinampal daw sya ng malakas at pumutok ang nguso nya.

Sinumbong daw sya sa teacher nila at napadala sya principals office. Pinatawag daw ang magulang nya dahil dun. Kinantyawan sya ng mga barkada pati mga pinsan nya at tinawag syang 'Manyak Lord'. Hindi daw sya nangligaw uli hanggang mag first year high school.

Dumiskarte daw sya sa 1st honor ng klase nila para me taga gawa sya ng assignment. Ok naman daw, sinagot daw sya nung babae kaso di sya tumagal ng 3 linggo kasi panget daw talaga. Kamukha daw ni Chikito pero babaeng version. Marami pa talagang kwento si ninong tungkol sa buhay nya at ang mga pananaw nya sa relasyon, prinsipyo ng isang lalake at pagaasawa.

Nagsimula syang magkwento ng 2:30PM pero natapos kami 11:40PM na. Gutom na gutom na nga ako nun kasi hindi pa ko nagmemeryenda at naghahapunan bukod dun sa isang pirasong hopia na binigay nya sa akin. Pagdating ko ng bahay namin eh nagkakaroon na ng konting kaguluhan, andun na ang mga barangay tanod at me mobil ng pulis na rin. Kinabahan ako sa nangyayari, yun pala eh nireport na ko ng ermats ko na nawawala at baka nakidnap na daw ako. Kinuwento ko sa kanila ang nangyari sa akin pero imbes na matuwa sila dahil nakakwentuhan ko si ninong at nagbonding kami eh hinampas ako ng tatay ko ng kawayan wag daw akong makikipagusap at sasama sa strangers. Tatlong linggo akong hindi pinalabas ng bahay at grounded daw ako.

Medyo matagal kaming hindi nagkita ni ninong. Mga after 7 months, nagkasalubong lang kami sa me barberya ni Mang Kune dahil magpapagupit din ako. Nagbless ako ke ninong at bumungad sya ng "Oh bata! Long time no see ah! Balita syo? Kune, ako na magbabayad sa pagpapagupit nitong batang to." Sumagot ako naman ako ng "Sapat lang po. Salamat po sa pagbayad nyo sa gupit ko. Kayo po kamusta?" At nagkwento nanaman si ninong ng mga bagay-bagay tungkol sa buhay nya. Kinuwento nya na kaya daw sya nandun eh para magpagupit at magpatabas ng bigote. Tinanong nya kung alam ko daw ba kung para saan ang bigote? Sumagot ako ng "Para mo maging gwapo ang lalake." Mali daw yun sabi ni ninong ang bigote daw ang nagsisilbing pangpainit sa mga babaeng nanlalamig. Hindi ko nanaman naintindihan ang gustong sabihin ni ninong nung mga oras na yun, narealize ko na lang yun nung magbinata na ko sa kadahilanang hindi ko malilimutan ang isa sa mga motto na nagbigay kulay at liwanag sa pananaw ko sa buhay nung sinabi ni ninong na. "Tandaan mo bata, ANG LALAKENG ME BIGOTE, IBANG KLASE!" Tumimo ang mga katagang ito sa isipan ko at hanggang ngayon eh naniniwala ako dito.

Sinabi rin ni ninong kung ano ang ibig ipakahulugan ng lalakeng napapanot sa harap (tumataas ang hairline o umuurong ang kilay) at lalakeng napapanot sa tuktok (yung parang mga prayle nung panahon ni Rizal). Ang lalakeng napapanot sa harap daw eh laging inaayawan ng mga babae, kaya daw ito nauubos ang buhok, at pag sa likod naman daw eh talagang nahuhumaling ang mga karelasyon nila dahil gusto pang isagad at itodo. Hindi ko nanaman naintindihan ang pinagsasabi ni ninong pero patuloy pa rin ako sa pakikinig sa mga kwento nya. Natapos ng ipa-trim ni ninong ang bigote nya ke Mang Kune at mauuna na daw sya. Magkikita pa raw sila ni Esmeralda yung cashier sa karinderya. Umuwi ako ng bahay na baon baon ang mga salitang binitawan ni ninong. Sinulat ko to lahat sa notebook ko sa pilipino para pag me Sulating Pangwakas kami eh ito na lang ang mga isusulat kong topic para maging deep ako sa paningin ni teacher.

Matagal ulit ang pagitan ng magkita kami ni Ninong. Mga 5 taon ang nakaraan. Ibang iba ang itsura ni ninong. Nakapolo sya na kulay blue, naka shorts at nakatsinelas na leather at me bitbit na clutchbag na brown. Ang pinaka kakaiba sa itsura ni ninong, bukod sa nakasuot sya ng sumbrero ni Bruno Mars, eh me dalawang babae na naka angkla ke ninong. Maganda ang dalawang babae, makinis at maputi ang balat, dala siguro ng gluta. Maigsi ang damit nung isa kita pusod na me hikaw, yung isa naman naka sando na pinauso ni Richard Gomez sa palibhasa lalake yung racerback. Nagmano ako ke ninong para icheck kung nakikilala nya pa ko. Sakto naman at naalala nya pa ko. Malakas ang boses ni ninong sa pagkakasabi nya na "Oh kamusta na ang inaanak kong hilaw?" Nakadagit ka na ba ng sariwang bibingka?" Ngumiti lang ako at kinamusta ko sya. Naikwento nya na nakulong sya ng 3 taon kasi dinemanda daw sya ng misis nya nung nahuli syang nakapatong sa sa Yaya ng kapitbahay nila. Kaya hiwalay na daw sya at binata ulit.

Pinakilala ni ninong sa akin yung dalawang kasama nya si Charmaine at si Rachelle. Nung kinamayan ako nung dalawa sinabi agad ni ninong, oh wag mo masyadong kamayin baka mapanis at inalis... Read More

Part #: 1

About the Author :
22 comments   3 favorites   3,794 views