Nilason ng Kamunduhan Chapter 8

August 5, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Erotic Couplings, Wife Lovers | Tags: , , , , , ,

Nilason ng Kamunduhan Chapter 8

6:15 p.m.

Tapos na ang shift ni Homer sa trabaho.

Sinalubong si Homer ng malakas na pag-anggi ng ulan sa labas ng employees' exit door.

Biglang humangin ng malakas at naatrasan niya ang isang babaeng nasa likuran niya. Madulas
ang sahig kaya'y muntik na silang matumbang dalawa.

"Sorry miss. Ang lakas kasi ng hangin. Sorry talaga ha?" sabi niya sa babae.

 Morena ito, halos magsingtaas sila sa suot nitong high heels. Tingin niya ay mas bata ito sa kanya. Nakasuot ito ng navy blue coroporate dress ng isang sikat na bangko.

Natawa ang babae "Haha. Grabe ka naman kasi eh. Muntik mo na'kong mapisa ah..."

Natatawang napailing din si Homer sa nangyari sa kanilang dalawa. "Yung hangin kasi eh. Sorry talaga miss" sabi niya sa babae.

Ngumiti si Homer sa kanya.

Ngumiti din ang babae sa kanya at nagsabi, "pasaway din yung hangin noh?, hahaha. Baha na rin kaya sa labas." Nakatingin ito sa mukha ni Homer.

"Hirap na namang bumiyahe, tsk" tugon naman ni Homer at ngumiting muli sa babae.

"Sa loob ka rin ba nagwo-work?" tanong ng babae kay Homer.

"Oo. Sa admin ako dyan sa cinema. Bakit?" sagot naman ni Homer, habang may kinukuha sa loob
ng kanyang bagpack.

"Wala naman. Diyan din kasi sa loob yung bank namin." tugon ng babae,

Nginitian siya ni Homer,"Mukhang obvious naman eh." wika ni Homer.

Tiningnan ng babae ang labi ng nagsasalitang si Homer. Tapos ay kinilatis nito ang tangos
ng ilong at mga mata ng kausap. Ngumiti rin siya kay Homer. Maganda din ang ngiti nito.

Mahinang tinapik ng babae sa balikat si Homer."Ui, pag mag-oopen ka ng account, dun ka na
sa'min mag-open ha. Hanapin mo lang ako dun...kahit wag ka ng pumila."

Tinitigan niya sa mata ang babae. Isang makalaglag-panty na tingin, ika nga ng asawa niyang si Ellen sa tuwing tititigan siya ni Homer ng ganun."Actually meron na'kong account sa bank nyo eh, pero sa ibang branch nga lang. Pero... baka pag sakaling may idedeposit ako...ita-try ko dyan senyo"

Natulala ang babae dahil sa tingin na iyon ni Homer. Para siyang malulusaw sa tingin na iyon. Namalayan na lang niya na nabitawan niya  ang bitbit nyang handbag.

Nawala bigla ang memorya nya sa sinabi ni Homer "Ha ?!?....ano nga ulet?" Nakangiti ito.

Napakagat sa labi ang babae nang makita niyang ngumiti ulit ang lalaki. Wala siyang iba
pang masabi sa lalake, pero sa loob niya ay tumitili na siya at kinikilig sa lalaki:

"SHIT...SHIT...ANG GWAPO!...Diyos ko...Ang mga mata...Kalma ka lang...tao lang yan...yung poise mo...kalma lang...


Hindi alam ni Homer, pero sa isip ng babae:
 
"Gumawa ka na ng move mo...Sasama ako sa'yo ngayon kahit saan...ayain mo lang ako...di ako tatanggi...please...please hayup ka gumawa ka ng move mo..."

Nakipagkamay si Homer "Ako pala si Homer...ang you are?"

Inabot ng babae ang kamay niya "Abby. Abigail Reyes. Nice to meet you Homer"

Nginitian niya si Homer.

Hinawakan ni Homer ang kamay niya "Anlamig ng kamay mo Abigail. Giniginaw ka na ata ah."

"Hah ?!? ano... malameg kasi eh." sagot ng babae.
 " Homer lang. Yun lang? Di mo man sinabi complete name mo, hahanapin kita sa facebook, twitter kahit saan...Diyus ko may wedding ring ka? Anu naman to' Abigail? kalma...kalma lang...Shit...ibang level ang dating ng lalaking to...."


"Uy, pag me time, pupuntahan kita dun ha?" sabi ni Homer.

Mabilis na sumagot ang babae "Saan!? e hindi mo naman alam yung address ko."

Tumingin sa malayo si Homer. pinipigilan niyang matawa, "San ba yung address ng bangko nyo? Di ba sa groundfloor!...Abby naman eh hahaha"

Gustong malusaw ni Abby sa nasabi pero hindi niya pinahalata kay Homer. Poise pa rin ito at
ngumiti lang kay Homer.

"Abby, mauuna na ako sa'yo. Nice meeting you." sabi ni Homer. Nakatingin pa rin si Abby sa
kanya habang palayo na si Homer.

Binuksan ni Homer ang payong at naglakad na siya sa maulang  labas
ng mall hanggang sa marating niya ang carpark nito. Sa dulo ng carpark na iyon ang terminal
ng mga jeep kung saan siya sasakay papunta kay Ellen.

Marami na rin siyang kasabay na mga naglalakad, nakapayong din ang mga ito at abala sa
pakikipag-unahan upang makapunta agad sa kanilang mga destinasyon.

Patuloy sa paglalakad si Homer patungo sa terminal nang may tumawag sa kaniya mula sa
kaniyang likuran...

"Homer!" isang boses ng babae ang tumawag sa kanyang pangalan. Ilang saglit
pa'y naulit muli ito...

"Uyyy...Homer!" mas malapit na ang boses ng tumatawag sa kaniya. Naisip niya si Abigail.

Nilingon niya ang pinanggagalingan ng tinig ng tumawag sa kaniyang pangalan.

Mula sa liwanag na dulot ng mga billboards ng mall, isang imahe ng babaeng nakapayong mula
sa anino ng nagbabagsakang ulan ang nabubuo sa mata ni Homer. Tiniyak niya sa sarili kung
hindi siya namamalik-mata----Si Betty.

Si Betty nga.

Mula sa hawak nitong kulay pink na payong at nakasukbit na maliit na bag sa balikat, nakasuot ito ng medyo fit na hooded sweater na kulay gray, nakabukas ang zipper niyon at sa loob nito ay naka white v-neck ito na kamiseta na hanggang baywang.

Naka-palda ito ng faded na maong, nababasa ng ulan ang maputi nitong paa at binti sa suot niyang flat sandals na kulay brown na may mga lace na nakapalibot sa kaniyang sakong....at ilang hakbang
na lang ito mula sa kinatatayuan niya.

Bakit siya nandito? Paano niya alam na nandito ako? Iyon agad ang mabilis na nagrehistro
sa isip ni Homer.

"Hi Sweety...i missed you na." masayang wika ni Betty sa kanya sabay yakap ng isa sa
makinis na bisig nito sa kanyang likuran.

Sinadyang idinikit ni Betty ang kanyang dibdib kay Homer. Naramdaman ni Homer ang mapintog
na suso ng babae sa suot nitong damit, maging ang ginamit nitong pabango na CK-One.

Nabigla si Homer sa pangyayari. Nakadama siya ng nerbiyos at pagkabigla sa ginawa ni Betty.

"O Teka..Bakit ka nandito? Paano mo nalaman na nandito ako...tsaka bakit mo ko pinuntahan?"
tanong ni Homer.

Umalis sa pagkakayakap si Betty. "Paano? Well...gaya ng commercial sa bangko ng babaeng kausap
mo kanina...I FIND WAYS Homer."

Nagpamaywang si Betty, halatang nainis ito. "Teka...Bakit ba? Hindi ka ba natutuwa na
pinuntahan pa kita dito...dapat di ba matuwa ka kasi ako pa nag-eefort na puntahan ka?"

Napansin ni Homer na mas maganda si Betty ngayon. Mas maganda pa pala ito kapag naka-
postura---at ang mga labi nito...napakaganda.

May hindi siya maipaliwanag na atraksiyon sa babaeng kaharap lalo nang makita niya ang
bumabakat na malusog nitong dibdib sa suot nitong itim na bra na tumatagos sa manipis na
tela ng suot na shirt.. Sa kabila ng inis na ekspresyon ng mukha nito ay hindi maitatanggi
ni Homer---napakaganda ni Betty. Ngayon napagtanto ni Homer, may malaking hawig pala si
Betty sa isang koreanang aktres.

Sa kabila ng malakas na pagbuhos ng ulan ay may ilang kalalakihan ang may paghangang
napapasulyap sa nakapayong na si Betty habang sila ay nakapayong din na dumadaan sa harap
niya. walang pakialam si Betty sa mga dumadaan. Nakatingin lamang ito kay Homer.

Inis na nagsalita si Betty. "Sino yung lumalandi sa'yo kanina?...prospect mo?...babae mo?"
may tono ng selos sa boses nito.

"Bakit mo tinatanong? Tsaka bakit ba?" sabi ni Homer

Hinila siya ni Homer sa gilid ng daan, nagtungo sila sa gilid kung saan ang kinaroroonan
ng mga nakaparadang sasakyan.

"Di ko alam kung denial ba yan or naive ka lang talaga Homer. Halata namang nag-eenjoy ka
rin na kausapin siya eh...nilalandi ka at gustong-gusto mo naman." sumbat ni Betty sa kanya.

"Shhhhhh! Hinaan mo nga yang boses mo. Nakakahiya sa ibang tao." sagot ni Homer

Tumingin sa malayo si Homer, habang iniisip ang sasabihin. "Let's pretend na tama ka...so what?"

Napailing naman si Betty. "Are you always this pretentious sa'kin Homer? Ganyan ba kayong
mga lalaki?...huling-huli na kayo pero nagde-deny pa?"

Napabuntung-hininga na lang si Homer. "Look Betty, nagmamadali ako...me lakad kami ni
Ellen. What we had was..." 

Hinalikan siya ni Betty

Nahulog sa paanan ni Betty ang hawak nitong payong nang yumapos ang dalawa niyang kamay sa
leeg ni Homer habang masuyo niyang hinahalikan sa labi ang lalaki. Hindi na mahalaga sa
kanya kung makita man sila ng mga nagdadaan.

Hindi maitatanggi ni Homer na nasarapan siya sa ginawa ni Betty----Gusto rin niya ito.
Ang kamay niya ay naglakbay sa malambot na beywang ng magandang babae.

Ngumiti si Betty nang maramdaman ang kamay ni Homer."Nagde-deny ka pa...gusto mo rin naman
ang ginagawa ko sa'yo eh. Gusto natin tong dalawa. Wag ka ngang plastic."

Magkatapat pa rin ang kanilang mga labi at ramdam ng bawat isa ang init ng hininga sa
malamig na gabing iyon.

"Kung hindi mo napapansin Homer, kanina pa hindi umuusad ang mga sasakyan sa labas. 30
minutes na ring stranded ang mga pasahero dyan sa termi..."

Hinalikan siya ni Homer. Hindi na naituloy ni Betty ang sasabihin pa sana.

Hinalikan siya nito sa kaniyang malambot na labi. Masuyo...puno ng init. Nalanghap niya
ang mabangong hininga ni Homer na kinababaliwan niya, habang ang mga kamay naman ng lalaki
ay yumakap sa kanyang likod at humahaplos dito---ang dulot niyaon ay isang napakasarap sa
pakiramdam na kumikiliti sa kaibuturan ng kaniyang pagkatao. Ang sarap...Ang tamis----walang
katulad.

"Let's go somewhere else. Akin ka lang Betty. Ako na ang nagmamay-ari sa'yo" puno ng
pagnanasang sinabi ni Homer.

Nagkatinginan silang dalawa. Puno ng pagnanasa ang makikita sa mga mata ni Homer. 

Kusa na siya sumabay sa paghila ni Homer sa kanyang kamay. Pinabayaan na lamang niya ang naiwan niyang payong...hindi na mahalaga iyon sa kanya.

Naglakad silang dalawa. Hila pa rin siya ni Homer sa paglalakad. Walang pakialam si Betty
saanman siya dalhin ni Homer. Ang mahalaga sa kanya ay kasama siya nito.

Inakbayan siya ni Homer. Ang kamay nito sa kanyang balikat ay nagdulot ng ngiti sa kanya.
Siya naman ay sumandal sa dibdib na lalaking kinababaliwan. Hinayaan lang niya si Homer sa
gusto nito...pati na nang isagi nito ang braso sa tagiliran ng kaniyang mapintog na suso
habang sila'y naglalakad----patungo sa isang apartelle na malapit lang sa kanilang
nilalakaran.

Narating nila ang entrance ng isang malaking apartelle. Isa itong prestihiyosong apartelle na may 15 palapag.

Naunang pumasok si Homer, kasunod naman niya si Betty.

.... .... .... .... .... .... .... .... ....

6:35 p.m.

"Mauna ka na Shirley, baka na-traffic lang si Homer." masayang paalam ni Ellen sa kaibigan.

"Hindi pa ba siya nagtext? Kanina pa tayo dito sa labas ng office eh. Pumasok muna nga kaya
tayo ulit sa loob." tugon ni Shirley sa kanya. Nasa labas silang dalawa ng building ng kanilang kumpanya. Sumisilong sila rito at inaantay si Homer.

Malakas ang buhos ng ulan. Ilan lamang sasakyan ang dumaraan sa kalsada malapit sa kanila.

"Hindi pa nga eh, kanina pa ang out nun. Nandito na dapat yun ngayon. Nakakahiya naman sa'yo Bes, sinasamahan mo pa talaga ako dito. Kapag wala pa siya after 15 minutes, pasok muna ulit tayo sa loob,
nakakapagod lang kasi umakyat sa office natin." nahihiyang sabi ni Ellen sa kanyang bespren.

"Ui,Excited siya! Hihihi! Ang sabihin mo kaya ayaw mong pumasok tayo sa loob kasi excited
ka lang sa pupuntahan niyo ni Homer mo. Mukhang di lang pagbili ng cellphone mo ang gagawin
nyo e...magde-date pa kayong dalawa hihihi" kinikilig na tugon ni Shirley kay Ellen.

Natawa si Ellen,"Obvious ba Bes? Hahaha...'kaw talaga. Excited din kasi ako na makita ni Homer yung new look ko. Ikaw kasi ang galing-galing mong manghikayat na mag-paparlor tayo kaninang paglabas
natin ng office."

Hinahagod ni Ellen ang bagong style niyang buhok, "Tingin mo Bes, magugustuhan kaya ni Homer ang new hairstyle ko?

 Napatingin si Ellen sa maulan at nagdidilim na kalangitan. May manaka- nakang pag-anggi ng pinong ulan na tumatama sa kanyang mukha mula sa kinatatayuan.

"Of course Bes. Bagay na bagay nga sa'yo...mas gumanda ka dahil sa gupit mo...lalo dyan sa
bangs mo. Tama ako di ba? Maniwala ka kasi sa taste ko."

"Gaya yang shoulder dress na suot mo
ngayon na binili natin sa botique kanina sa tabi ng David Salon. Tingnan mo yung mga boylets na dumadaan...panay tingin sa'yo oh..." sabi ni Shirley.

"Hahaha...'yaan ko lang sila. Sorry pero hanggang tingin na lang sila..." sagot naman ni Ellen.

"Gaga...lukaret ka talaga...sabihin mo dyan ke Homer igawan ka na nga ng baby nang dumami na
ang lahi ng magaganda at gwapo. hihihi" masayang sagot naman ni Shirley.

Masayang nagkwentuhan pa ang magkaibigan nang biglang tumunog ang cellphone ni Ellen.
Nagrehistro sa screen ang pangalan ni Homer. Binasa agad iyon ni Ellen...
[Len, stranded ako d2 sa terminal hindi umuusad ang traffic dahil sa baha..Bka di ako makahabol sa pupuntahan natin. Hindi n ako aabot ng maaga-aga dyan. Bukas na lang tayo pumunta sa SM. Ingat pag-uwi]


Napatingin muli sa madilim na kalangitan si Ellen. Tulad kasi ng pagbuhos ng malakas na
ulan ang pagbuhos ng nadaramang panghihinayang ni Ellen. Hindi dahil sa naunsyami ang
pagbili niya ng cellphone, nanghinayang siya dahil bukod sa nalalapit na anibersaryo ng
kasal nila ni Homer. Ito ang eksaktong araw na sinagot niya ng matamis na OO si Homer nung
nanliligaw pa lamang ito sa kanya.

Napansin ni Shirley ang reaksiyon ni Ellen, "O Bes, bakit parang nalungkot ka naman dyan...anu ba sabi sa text?" tanong ni Shirley.

"Hindi na raw makakahabol dito si Homer. Stranded daw dun...dahil sa baha." medyo
malungkot na tugon ni Ellen. Hawak pa rin nito ang cellphone at idinantay niya iyon sa
kaniyang dibdib.

Tumingin si Shirley sa kalsada. Ilang sasakyan lang ang dumadaan sa kalsada nito,"Ganun ba? Kaya pala konti lang ang dumadaan na mga sasakyan banda run sa dadaanan niya. Mababa din kasi ang lugar dun kaya mabilis bumaha eh." 

"Huwag mong sabihing aantayin pa natin siya dito?" paninigurado ni Shirley kay Ellen.

"Bes...mauna ka na kaya? Aantayin ko na lang siya dito..." paliwanag naman ni Ellen sa
kaibigan.

"Paano kung talagang matindi ang baha, baka dahil sa pag-aantay mo e piliting lumangoy ni
Homer sa baha ng di oras nyan... hindi pa naman marunong lumangoy yun di ba?" rason na may
halong biro ni Shirley, pinasasaya nya ang kaibigan sa pamamagitan ng pagpapatawa.

Tumawa na lang si Ellen sa sinabi ng mabuti niyang kaibigan. Pero sa loob kasi ni Ellen.
May isang salita si Homer.

 Subok na niya ang asawa. Hindi pa ito nasira ng salita sa kanya. By hook or by crook...tumutupad ito sa salitang binitawan kahit pa nakapagsabi na ito sa naging sitwasyon gaya ngayon.

Naiintindihan niya ang text message ni Homer, sinabi nitong mauna na siyang umuwi dahil alam niyang hindi gusto ni Homer na mainip siya sa kahihintay lalo pa't sa hindi inaasahang pagkakataon ay male-late ito ng uwi dahil sa malaking baha at pagka-stranded. Isa pang rason ay alam din kasi ni Homer na mainipin siya talaga. 

"Shirley, tara na nga...uwi na tayo. Itetext ko na lang si Homer ngayon na uuwi na ako at
sinamahan mo lang ako dito ngayon. sabi ni Ellen.

At tinext na ni Ellen si Homer. Pagkatapos ay ipinasok na niya sa bitbit niyang bag ang
cellphone.
Nakapayong silang bumaba ni Shirley sa granite walkway ng gusaling pinag-oopisinahan ng
kanilang kumpanya na nasa ikapitong palapag ng sampung palapag na gusali.

.... .... .... .... .... .... .... .... .... .... ....

Room Vivaldi (Sizzling Summer)

Iyon ang pangalan ng kwartong pinili ni Homer mula sa mga available na kwarto. Isa iyon sa pinakamahal na kwarto ng apartelle.

Napansin ni Betty ang napaka-relaxing at accomodating na ambience ng reception ng apartelle.
Zen-inspired ang kabuuang interior nito. Naamoy din niya ang mabangong amoy ng coca butter mula sa mga scented candles na nakasindi sa ibabaw ng eleganteng mahogany na lamesa. Katabi ito ng
designer sofa malapit sa kanilang kinatatayuan na nagsisilbing maliit na lobby ng apartelle.

Masarap pakinggan sa tenga ang tunog ng paglagaslas ng tubig mula sa artificial waterfalls na nasa sulok ng lobby. Naiilawan ito ng mga spotlight na nakakadagdag sa ganda nito.

Aktong kukunin ni Homer ang kaniyang pitaka nang pigilan siya ni Betty ng kamay nito.

"Homer. Please...Ako na." sabi niya sa lalaki at mula sa bitbit niyang handbag ay inilabas
niya ang leather niyang pitaka at kumuha ng pambayad.

Iniabot kay Homer ang isang kulay gold na exclusive cardkey. Inabutan ni Homer ng P300 na tip ang babaeng attendant at tinungo na nila ni Betty ang kwarto. Sumakay sila ng elevator at narating nila ang penthouse sa 15th floor. Mula dito ay naglakad sila papunta sa isang kulay gold na pintuan...ang Vivaldi. the Sizzling Summer.

Ipinasok ni Homer ang cardkey at bumukas ang pintuan...

Amoy ng vanilla ang sumalubong sa kanila sa pagpasok nila sa kwarto. May mga sariwang cherry blossom din na nasa magandang ming porcelain vase sa dalawang gilid ng magandang pinto. Ito ang pinaka presidential suit ng apartelle. Narinig din nila ang banayad na tumutunog din ang mga jade windchimes sa magandang terrace. Ilang sikat na artista na at mga sikat na personalidad ang tumuloy dito. Para itong bahay ng Hari at Reyna mula sa crystal chandellier hanggang sa mga gamit na narito.

Tinungo nila ang master's bedroom. Namangha silang dalawa. para silang nasa loob ng mamahaling kwarto ng titanic. Para silang nasa ibang lugar at panahon---bilang mga aristokrata sa kanilang kaharian.

Nandito na sila. Eto na ang sandaling iyon. Wala ng atrasan pa. Alam nilang pareho ang inaasahan sa isa't-isa

Humarap si Betty kay Homer. Natagpuan niya ang mga nagbabagang titig ni Homer sa kanya.... Read More


About the Author :

Joined: July 11, 2014 (2 years old)
Writings: 78

Send PM · Male · Offline

I love to write erotic stories. I also write in Wattpad under the same name. My stories will be published soon.
31 comments   1 favorite   7,825 views