Nilason ng Kamunduhan Chapter 10

August 14, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Erotic Couplings, Wife Lovers | Tags: , , , , , ,

Nilason ng Kamunduhan Chapter 106:00 a.m.

"A-Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Fred. Nakaupo ito sa upuan malapit sa isang lamesa.

Kakarating lang nito kanina mula sa pagtatrabaho buong magdamag sa pier.

Hindi kumikibo si Betty. Tulala itong nakadapa at nakatingin sa bagong sikat na araw sa bintana ng kanilang inuupahang kwarto.

Muling dinampot ni Fred ang cellphone ni Betty na nasa lamesa. Binasa ulit ang laman ng cellphone
ng asawa.

Mas tumigas ang boses ni Fred, "Naririnig mo ba ako!? Anong ibig sabihin ng mga text na'to !?! "

Pulang-pula ang mga mata ni Betty. Tila magdamag na itong umiiyak. Tumulo ang luha sa kanyang mga
mata.

"Hu hu hu hu hu" mahina nitong hikbi.

Tumulo rin ang luha sa mata ni Fred,"Betty...m-mahal mo si Homer? Totoo ba 'tong mga nababasa
ko?!...SUMAGOT KAAA!!!"

Isang hagulgol ang isinagot ni Betty sa kanya. Inilubog ng babae ang mukha sa unang ng kama habang umiiyak.

Nanginginig ang kamay na inilapag ni Fred ang cellphone sa lamesa. Tumayo siya at lumakad papunta
sa asawa. Ramdam sa bigat ng yabag niya sa kahoy na sahig ang kanyang hinagpis. Tumayo siya sa
harapan ng babae. Ang nanginginig niyang kamay ay tumiklop. Ang mga nakatagong ugat ng kanyang
pagod na kamay ay nagsilabasan. Tiningan niya ang kanyang mahal na asawa.

Iniangat niya ang kaniyang nakatiklop na kamao. Sa tindi ng galit na nararamdaman ni Fred ay tila madudurog ang bawat tatamaan ng matigas na kamao niyang iyon. Maya-maya'y ibinaba ni Fred ang kanyang kamay. Tumulo ang luha niya sa likod ni Betty. 

BLAMMMM!!!!

Mistulang malakas na kulog ang nilikha ng pagsara ng pintuan. Kasunod ay ang tuluyan ng pagtangis ni Betty sa unan. Umalis na ng kwartong iyon si Fred.

Nasa lamesa naman ang nakabalot pang mainit na pancit na pasalubong nito para kay Betty. Isang
lukot na sobre naman ang nasa loob ng basurahan sa gilid ng pintuan. Isang sobreng naglalaman ng
isang liham mula sa isang Malaking Canadian Shipping Company na gustong kumuha kay Fred. Nilamukos iyon ng lalaki bago siya umalis.

... ... ... ... ... ... ... ...

8:15 a.m.

Isang malakas na suntok ang dumapo sa panga ni Homer habang naglalakad sa carpark papasok sa
kanyang trabaho. Natumba siya at halos mawalan ng malay sa tila batong kamao na tumama sa mukha
niya. Nalasahan niya agad ang dugong sumibol sa loob ng kanyang bibig, at ang pag-uga ng dalawa
niyang matitigas na bagang. Nang nahimasmasan siya sa suntok, nabanaag niya sa medyo nanlabong paningin ang isang imahe, ang imahe ng lalaking nakita nya na kailan lang---si Fred.

"Hayup ka Homer! Mahina pa yan! Kaya kitang lumpuhin kung gugustuhin ko. Tumayo ka! Lumaban ka!" sabi ni Fred.

Idinura ni Homer ang malapot na dugo sa kanyang laway. Napailing itong tumayo sa harapan ng
lalaki.

Magkaharap silang nakatayo. Nakatingala si Homer sa kanya. Malaki ang pagkakaiba ng tindig
nilang dalawa. Makisig si Homer, pero mas makisig at matatag ang kaha ni Fred. Mula sa gym ang
kakisigan ni Homer. Sa mabibigat na trabaho naman ang kay Fred.

Sinuntok niya si Fred.Tumama ang kamao niya sa matibay nitong dibdib. Nasaktan si Homer sa tigas
ng kalamnan ng lalaki. Lumapit pang lalo si Fred sa kanya.

"Hayup ka! Sinamantala mo ang sakit ng misis ko...tarantado ka pala eh!" sabi nito.

Itinulak siya ni Fred. Halos liparin si Homer sa lakas ng pagkakatulak nito. Sumemplang siya
ulit sa sahig.

"Hayup ka! Ipakita mo sa'kin ngayon kung anong maipagmamalaki mo. Wag kang lampa! Tumayo ka
dyan!!!" sabi ng lalaki kay Homer.

Parang mabangis na leon ang kaharap ni Homer.

Mabilis na tumayo si Homer at sinalubong si Fred. Nagsidatingan ang mga security guard at
pinigilan silang dalawa.

Dalawang maskuladong security guard ang pumigil sa mga braso ni Fred. Tumalsik din ang dalawang
iyon sa sahig. Dumating ang anim pang malalaking security guards. Lahat sila ay nahihirapang
pumipigil kay Fred hanggang sa itinulak silang lahat ni Fred. Si Fred na ang kusang umalis sa
lugar.

"Hindi pa tayo tapos!" sabi nito kay Homer.

... ... ... ... ... ... ... ...

12 nn

"Ang kapal kapal naman ng mukha nilang dalawa!" sabi ni Shirley. Niyayakap nito si Ellen na
humahagulgol sa pag-iyak.

Lunch break nila sa opisina.

Nasa loob sila ng restroom sa kanilang department.

"Shhhh...tahan na. Gusto mo, dun ka muna tumuloy sa'min?" sabi ni Shirley.

"Hu hu hu. Hindi ko alam Bes. Nalilito ako. Litung-lito ako. Ang sakit sakit!" wika ni Ellen.

Hinagod ni Shirley ang likod ng kaibigan.

"Okey ka lang ba Bes?"tanong nito sa kaibigan.

Tumango naman si Ellen. Pinupunasan nito ng tissue ang mga mata.

Humihikbing napangiti ito, "Alam ko, may pagkukulang din ako ke Homer. Pero hindi ko iisiping
hahantong kami sa ganito Bes. Hinding hindi."

Umiyak ulit ito.

Pumasok sa restroom ang isang kaopsina nilang tsismosa, si Bambi.

"O ano yan? Umiiyak ka ba?" usisa nito kay Ellen.

Nagsalita si Shirley. Tiningnan niya si Bambi,"May malubhang sakit kasi yung malapit na kaanak ni Ellen sa probinsya. Naihinga lang sa'kin ni Ellen."

Nagpaweywang si Bambi, "Haaay naku, yung mga kamag-anak na yan, kilala lang tayo pag hihingi ng
tulong. Pag sa hirap lang tayo kilala, sa sarap hindi." sabi nito habang naghuhugas ng kamay sa
lababo.

Matapos umalis ni Bambi ay hinabol ni Shirley ng tingin ang mahaderang kaopisina at kunwari'y
kukutusan.

Kunausap nitong muli si Ellen, "Bes, okey ka lang ba? Sori kung nagsinungaling ako dun sa
tsismosang yun ha. Mga ganitong bagay kasi ang gustong-gusto nun eh, ikakalat nya sa buong office
pag nagkataon. Yung nangyari sa'min ng asawa ko sino ba nagkalat dito?...Siya! Naku gustong-gusto
ko nang sabunutan yang bruha na yan eh."

"Okey na ko Bes. Salamat sa mga payo mo kanina. Salamat din sa pagdamay mo sa'kin. Ang laking
bagay ng ginawa mo. Halika na, balik na tayo sa pwesto natin. Malapit ng mag-time." sabi ni
Ellen.

At lumabas na ang dalawa sa restroom upang muling magtrabaho.

... ... ... ... ... ... ... ... ... ...

5:00 p.m.

"Homer! Ui, Homer!" tawag ng isang babae.

"O, Abby! Anong atin?" sagot ni Homer. Kakalabas lang niya ng mall na pinapasukan.

Sumagot si Abby,"Wala naman kakalabas ko lang din eh. Nakita lang kita dyan sa exit. Musta?"

"Ha? Okey naman. Eto pauwi na." sagot ng lalaki.

"Nagmamadali ka ba? Kasi parang ganun eh." sabi ni Abby.

Hindi kumibo si Homer.

Ngumiti naman si Abby sa kanya.

May sasabihin pa sana si Abby nang may nakita si Homer na taong parating. Mabilis itong
naglalakad papunta sa kanilang dalawa.

Si Betty.

"Abby, i have to go. Bye." mabilis na sinabi ni Homer.

Mabilis na naglakad si Homer palayo kay Betty. Dinaanan ni Betty si Abby. Nakita ni Abby ang
isang magandang babae sa harapan niya na tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.

"You're pathetic." mailing-iling na sabi ni Betty kay Abigail. Matapos iyon ay lumampas na sa
kanya si Betty at hinabol si Homer.

.... .... .... .... .... .... ....

"Ellen. Ikaw si Ellen di'ba?" tanong ng isang lalaki.

... Read More


About the Author :

Joined: July 11, 2014 (2 years old)
Writings: 78

Send PM · Male · Offline

I love to write erotic stories. I also write in Wattpad under the same name. My stories will be published soon.
28 comments   2 favorites   8,211 views