NGEK! (o ang lihim na sagutan ng dalawang magkaibigan na nainlove sa isat isa., whew! haba)

November 16, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , ,

Ilang panahon na rin tayong magkakilala,
Ngunit ngayon ko lamang napansin at narama-
Na sa puso ko'y may umuusbong na pagsinta.

Hindi ko ito ninais ni sinasadya,
Wala to sa intensyon ko buhat pa nung una-
Ang wag mahulog sayo ay hindi na kinaya.

Ako nga sa iyo'y isa lamang kaibigan,
Ako'y masaya ngunit puso'y nahihirapan,
Dahil sa puso ko'y may tagong nararamdaman-
Buhat pa ng ika'y aking maging kaibigan,
Di ko ibig na ganto tayo magpakaylanman,
Ang ibigin mo din ay ang aking kahilingan.

Akin kayang sabihin lihim na nadarama?
Hindi ka kaya magulat at biglang matawa?
Pagkamalang biro lamang ang aking pagsinta.

O baka naman ika'y mandiri at masuka?
At biglang tumakbo't lumayo ng milya-milya-
Ang pag-ibig na ito ay mauwi sa wala.

Oh mahal kita higit pa sa isang kaybigan!
Sa paningin mo man ito'y isang kasalanan,
Di ko na maitatago ang nararamdaman
At akin ring ipagtatapat sayo to minsan.
Inaalala lang ating pagkakaibigan,
Baka to'y dumating sa punto na mawakasan.

Kung mayroon man akong batas na masisira,
Nawa'y ipagpatawad na sa 'kin ni Bathala,
Pagkat kung ang pag-ibig na to'y mawawala pa-
Hindi ko na alam saan pa ako pupunta.

Ang aking dalangin nawa'y ako ay... Read More

About the Author :

Joined: July 14, 2013 (3 years old)
Writings: 47

Send PM · Male · Offline

"I love Halloween. the one time in a year where everyone wears a mask not just me.
people think its fun to pretend that youre a monster. me, i spend my life pretending im not."
13 comments   2 favorites   900 views