My One and Only Love

December 10, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:



MY ONE & ONLY LOVE
I
Sa aking pag iisa ay aking naalala

Sa bawat araw na laging abala

Ang hirap at pagod ay di alintana

Sa mga bagay bagay na sadyang kakaiba

II
Sa maghapong trabaho na aking binabata

Banaag sa mga mata ang ngiti at saya

Sapagkat aking nakamit ang munting ligaya

Na kaytagal inasam sa aki'y mapunta

III
Ang akala ko noo'y di kita maaabot

Dahil lagi na ako sa iyo'y nakasunod

Di pinapansin kahit munting ungot

Para tuloy asong sa iyoy nakabuntot

IV
Mga kaibigan ko'y naaawa't natatawa

Bakit sa iyo'y patuloy na sumisinta

Kahit di pinapansin ang pagpapahalaga

Ako sa iyo'y lagi pa ring nag aabala

V
May pagkakataon na gusto ng sumuko

Dahil nahihirapan na yaring aking puso

Pero dahil sa iyo'y totoo ang pagsuyo

Ako'y nagsumikap at patuloy na nagsumamo

VI
Dumating ang araw na ika'y nangailangan

Ang pagkakataon ay aking sinunggaban

Sapagkat ang puso'y talagang nagmamahal

Sa iyo ako'y totoong nagparamdam

*
Sa iyong pangungulila ay namulat ang mata

May nagmamahal palang nariyan na tuwina

Bagamat naguguliminahan ang isip at diwa

Di maikakaila na ang iyong puso'y masaya

*
Itinakda ang araw ng ating pag-iisa

Kaibigan, kakilala, ditoy nagsidagsa

Mga kamag-anak sobrang naging abala

Sa magahapong okasyon at mga programa

IX
Lumipas ang araw patuloy ang saya

Bagama't minsa may mga problema

Na dumarating sa buhay ng mag-asawa

Napag-uusapan ang solusyon sa tuwi-tuwina

X
Sa pagdaan ng taon, dumating yaring supling

Kailangan ng mag-ipon sa panahong darating

Sa bawat araw ay nagtabi  ng kahit na katiting

Upang maiwasan pangungutang at mga pagdaing

XI
Pag... Read More

About the Author :

Joined: December 20, 2012 (3 years old)
Writings: 3

Send PM · Male · Offline

Suggested writings:
5 comments   0 favorite   649 views