My Favorite Time Of Year

November 20, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:



Christmas. Yes before its my favorite time of year.

Karoling, eto yung isa sa di ko malilimutan. Gagawa ng DIY musical instrument like tambol, pangkalasing na tansan at syempre magpapraktis kumanta. Ginagandahan ko talaga boses ko noon pag nagkakaroling (wala lang hilig ko lang talaga kumanta :) )

Christmas party sa school na pretzel o di kaya eh safeguard lang naman ang makukuha hahaha.

24 ng hapon christmas party ng mga kapitbahay kong bata na halos ako at si Dorothy yung kababata ko ang nagseset. Nakakapaos magpalaro sa maliliit na bata tapos me exchange gift din naman na 5pesos. Yung handa aba kanya kanyang dukot ng tasty sa bahay hahaha. Ganun talaga mahirap lang eh pero masaya.

24 noche buena with my lolo, Lola, ate ( na 5yrs na kaming walang communication ngayon) at isa kong kapatid na lalake. Yun dalawa kong kapatid nasa Nanay at Tatay ko nakatira noon.

Noon konting handa lang masaya na. Kahit di bago ang damit basta maayos at malinis pamasko na yun. Luma din ang sapatos, yung pangschool na kung fu shoes (gugel nyo na lang image hahaha)

Ngayon may pambili na kahit pano ng handa, damit, sapatos etc pero may kulang. Hindi na ko nae excite sa pasko :(

Plan ko ngayong pasko sa luneta na lang para maiba naman..baka don masumpungan ko yung dating saya ko pag pasko... Read More

About the Author :

Joined: November 29, 2014 (2 years old)
Writings: 4

Send PM · Female · Offline

Suggested writings:
25 comments   0 favorite   901 views