MUSINGS : Ako at ang Valentines Day

February 12, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Taglish | Categories: Non-Erotic | Tags:

Ako ay 43 na. Dalaga. Mapili ba ako? Siguro nga, mapili in the sense na di naman pwede sumugod sa gyera ng basta basta na lang di ba? At karapatan ko na mamili sa isang taong palagay ko pwede akong maging happy.

Dati aaminin ko natataranta ako talaga pag malapit na ang Valentine's day, yung nakikita ko na sa mga malls ang mga naglalakihang hugis puso nilang mga decors.Yung mga pulang damit,pulang bags and shoes eh yun ang nakikita mo sa mga boutiques na pinapasukan mo.Kasi sa atin yata sa Pilipinas parang na emphasize yata talaga na pag single ka sa Valentines day you are soo kawawa na talaga.. Pero hindi ako loveless nung mga panahon na to ha.Meron akong bf nun kaso yung lugar ni ex boyfriend eh malayo sa kabihasnan, so gustuhin man nya cguro na magpadala ng bulakak at tsokolate eh hindi talaga pwede. Happy na ako sa text message na pagbati at tawag. Pero ganun pa man dahil walang chocs and flowers kahit may boyfriend parang kulang pa din. Kasi nga diba pag meron kang flowers,chocolates at may date ka,pasok ka na sa elite force na members ng masasaya ang Araw ng mga Puso.

Pero as years go by at nag break na kami ng tuluyan nung bf ko, I learned how to deal ang isang araw na pag single ka eh parang torture talaga.

I make sure pag gising ko sa umaga ng February 14 sinasabi ko na sa sarili ko..” Di ibig sabihin na single ka,kawawa ka today. Di ka nag-iisa,sa buong mundo,marami kayong single” yung tipong ganun, inunahan ko na sarili ko bago pa man maunahan ng kalungkutan. Tapos I make sure also I look good, porke ba na walang lovelife eh di pwede maging maganda? I try to dress up well, kasi it helps naman na you look good na ma lift din spirits mo..Tapos binabati ko lahat ng kilala kong single din para ma feel din nila na di sila alone. Yung tipong spread the love and the good vibes. Usually Valentine’s Day eh isa pinaka busy na day namin yan sa work so cguro isa din yun sa factor na di ako masyado sad kasi nga ang dami kong iniisip para sa clients namin. Siguro nakakatulong yung di ka idle sa Valentine's day, di mo na kasi napapansin ang oras. Kasi if whole day kang walang ginagawa dun yata papasok na mag self pity ka.So wag mag mukmuk,do something that will keep you occupied, mag punta ka sa gym, mag shopping, mag luto,etc.

Cguro year after year natuto na rin ako ng pag deal sa sarili ko what to expect sa Valentine's day kabilang na din ang mga teasings ng mga tao sa paligid na di ko na lang pinapansin,sus for all I know sila ay mas pressured pa sa akin kung ano ang gagawin nila para ma please nila mga partners nila. Of course meron naman talagang a lil pang of jealousy kahit paano pag may flowers na ang ibang kasama but still di ko nilulunod sarili ko dun.Instead divert agad isip ko sa happy thoughts.

At the end of the day,pag naka uwi na ako sa bahay, iniisip ko isang araw lang ang February 14 sa 365 days so malaki pang chance na somewhere in those days ay mag twinkle yung mata ko sa tuwa dahil may flowers at chocolates na... Read More

About the Author :

Joined: March 23, 2014 (2 years old)
Writings: 30

Send PM · Female · Offline

“I can't decide whether I'm a good girl wrapped up in a bad girl, or if I'm a bad girl wrapped up in a good girl. And that's how I know I'm a woman!”
― C. JoyBell C.
21 comments   1 favorite   1,231 views