Mga Patak ng Luha

December 20, 2015 (11 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

*isang malayang tula*
*libre lait*
*medyo balbal yung ibang words*
Pero...

Sa dinami-dami na ng luha
Na inilabas palabas,

Ng aking mga mata.

Sa dinami-dami ng mga araw na iginugol ko sa paghikbi,mahal,

Ni hindi ko man lang napagtuonan ng pansin
Na ang pilat pala na iyong idiniin,

Ay sadyang napakalaki.

Maraming Salamat at Patawad,
Oo , Maraming Salamat at Patawad.

Salamat sa mga oras na ako ay nasa iyong tabi.
Patawad sa mga oras na hindi mo naman pala talaga sa akin pagintindi.

Salamat sa mga panahong ako ay iyong pinasaya.
Patawad sa mga panahong hindi ko sa'yo pagpapaubaya.
Ng inaasam mong galak sa bawat pagpatak.

Ng mga panahong sya pala talaga ang nais mong makasama.

Oo, alam kong ako'y naging makasarili kaya...
Para sa'yo ito na ang magiging huli.

Mahal sa mga huling pagkakataon ay nais kong pakinggan mo,

Ang huli kong pagsumamo

Ang mga huling pagbagsak

Ng tubig galing sa mga mata ng isang pusong minsan mo nang winasak.

Sabi nila! Ang pinakamasakit na paalam ay iyong mga hindi nasabi.

At para sa akin ito ay noong ikaw ay umalis na tila wala ng paki.

Pero wag ka ng magaalala
Dahil sa mga pagkakataong ito susubukan kong kalimutan ka na.

Oo Hindi ka nab... Read More

About the Author :

Joined: December 16, 2015 (11 months old)
Writings: 2

Send PM · Male · Offline

*Just a typical poet, writing some typical poems.*
Suggested writings:
4 comments   0 favorite   491 views