Mga Kwentong Bagsik ni BBB

November 17, 2016 (16 days ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Mga Kwentong Bagsik ni BBB(WARNING: Karamihan sa mga kwento rito ay bunga ng malikot na pagiisip ng otor, pangkatuwaan po lamang at wag sanang masyadong seryosohin at patulan… Ang programang ito ay rated SPG. Striktong Patnubay at Gabay ng magulang ang kailangan. May maseselang, tema, eksenang karahasan, droga, linggwahe, sekswal at katatakutang maaring hindi angkop para sa mga batang mambabasa.”)

Sa mga nagtatanong kung kamusta na nga ba si BBB sa bansang Malaysia, eh ganun pa rin naman , mataba pa rin pero pogi... Pogi pero majuba. Hindi na yata talaga magbabago yan, kasi nga kung ginawa akong hunk ni Lord, aba'y perfect na ko nun. Eh di ba sabi nga nya, nobody's perfect? Well di bale ng mataba pogi naman, yung iba payat nga sablay naman ang mukha. Ahihihihihi! Ok naman ako dito sa Malaysia, anim na buwan na rin ang nakalipas at hindi na ko makapagtimpi na hindi magkwento ng mga pangyayari sa akin. Wala kasi ako masyadong makausap dito kundi sarili ko. Minsan nga, sa sobrang pagkakausap ko sa sarili ko, natatakot ako kasi ang daming sumasagot, kaya yung nasa bulsa ko na lang ang kinukwentuhan ko palagi, yung iba hindi ko na pinapansin. Balita ko nga rin, nagpiyesta daw ang mga kapitbahay ko nung nalaman na umalis na ko, nawala na daw kasi ang chismoso sa baranggay at naglalagay sa facebook status yung mga sinasabi nila at pati ginagawa. 

Dumating ako sa bansang to ng May 4 pero sa totoong buhay May 23 pa talaga ang first day ko, sayang nga kasi di man lang ako nakaboto nung May 5 sad nuh?. Pero dahil sa 14 days ang proseso ng employment pass ko kailangan maaga akong dumating sa land of every Asian culture. Kaya tiis tiis muna habang walang trabaho, kumain muna ko ng mga dahon at damo sa kalsada. Minsan namamalimos din ako sa mga anaps (indiano) na nagtitinda dito sa Malaysia pero madalas di nila ko binibigyan ng pera kaya sinisigawan ko sila ng “Tanginamo 5-6!” Pero mukhang di nila naiintindihan yung sinabi ko kasi di sila nainsulto.

Well gusto ko lang ibahagi sa inyo ang mga karanasan ko dito sa ibang bansa Yung mga karanasan na masaya at nakakatuwa, at pati na rin mga nakakalungkot. Wag mo na nga lang asahan yung mga karanasang pang Xerex kasi hindi ako marunong magkwento ng mga bastos. Kaya iisa-isahin ko yung mga gusto kong ishare sa inyo.

Mukhang kakaiba ang mga anaps dito sa Malaysia, hindi sila yung usual na anaps na naaamoy mo sa kalsada sa baclaran or quiapo, yung tumatambay sa ilong yung amoy, tumambay na nga nagkape pa ang pootah! Hayup lang sa anghet abusado eh. So far sa anim na buwan kong pamamalagi dito sa Malasia wala akong naencounter na mabagsik na amoy ng anaps. Pero nung nagpunta ako sa mall dito, habang naglalakad ako at kumakanta ng ‘Di bale na lang’ ni Gary Valenciano sa isipan ko, bigla akong napatigil at napasigaw ng “Ay putanginah sheht!” tas umamba ako ng suntok at hinahanap kung sino sumampal sa ilong ko, ang sakit kasi sa ilong tas naluluha ako, para bang binunutan ka ng buhok sa ilong ng dahan dahan. Narealize ko na si manong chekwa pala yung majontot, kinanginang level ng amoy yun, Haaaaayyyyuuuuffffff!!!! Mukha namang matino itsura ni manong chekwa, naka sapatos nman sya at malinis ang damit, pero phukinanginah talaga, amoy siya taong grasa! Ambaho talaga! Shet! Gusto ko syang tapunan ng posporo para magkaroon ng combustion at me mini mushroom cloud na pagsabog “Ppoooohhfffff!”

Wala pa kong nakikitang palong palo dito sa Malaysia, nasanay kasi ako sa Pinas, na pag lumabas ka ng bahay at tumambay sa tindahan, or mag-gala sa mall, hindi pwedeng hindi ka makakakita ng babaeng palumpalo ang itsura, yung pusturyosa, mukhang mabango, sexy, malaking suso at mukhang nakashave ang pepe. Dito taena lang talaga, wala akong makitang mapapasecond look ka sa sobrang ganda. Well sabi nga, to each his own, baka maganda na talaga sa kanila yung mga ganung itsura. Pero sa totoong buhay, mas maganda pa si ateng nagtitinda ng lugaw sa Kalentong kumapara sa mga karamihan ng babae na nakita ko dito. Maski yung mga pop stars at mga love team teenyboppers nila sa TV eh mas maganda pa si Susan Africa. So ang rating ko, 4/10 ang mga chicks dito.

Right hand drive sila dito kaya nakakalito maglakad sa kalsada, pero impernes sa kalsada nila parang C5 ang lawak ng tag isang lane. Sana nga maging ganito sa Pilipinas, ang lalawak ng kalsada at ang ayos walang naghuhukay araw araw na ginawa ng diyos. At eto pa kokonti pa ang dumadaan na mga sasakyan. Para tuloy laging me marathon pag tatawid kasi nagtatakbuhan ang mga tao. 

Ang mura ng pagkain dito at masarap, average dito ng 80 pesos per meal, pero napakarami na nun, sa otsenta pesos, sapat para mapakain ang buong baranggay at pati nagnonovena at nagpapasyon tuwing mahal na araw, joke lang pero marami sya talaga at masarap. Dalawa lang pagpipilian mo, Chinese or Indian. Pero syempre sa Chinese restau, wag kang magexpect na mala Tim Ho Wan ang datingan, para lang syang nakikita mo sa food court sa mga SM malls, pero 80 pesos lang ang presyo. Ang swerte ko na nga lang dahil yung bahay na tinitirahan ko, malapit lang yung tatlong susyal na karinderya at me 7/11 pa, para lang akong nasa pinas.

Panalo yung Indian restau na nandito sa ilalim ng hotel, mukha namang malinis at hindi amoy anghet ang mga serbidor, kahit yung mga pangkain, hindi masyado amoy anghet, amoy putok ng chicks lang ganyan. Mas amoy anghet pa yung dating officemate ko na hindi umuuwi ng bahay at hindi naliligo at hindi nagpapalit ng damit, bading pa naman yun (pero todo deny pa rin sya, sya na lang yung hindi nakakaalam na bakla sya). Napakasarap ng pagkain at ang dami ng serving, sa 80 pesos na halaga, parang me tatlong kanin ka na at maraming serving ng karne (fish, beef, chicken, goat, lamb). Maanghang ang pagkain nila, pati yata yung kanin nila me sili, kaya naman namanhid na yata dila ko, buti nga wala akong bobrotchahin dito eh. Nung bata ako pangarap kong maging astronaut, pero dito sa Malaysia, pagkatapos kong kumain ng maaanghang nagiging rocket ship ako feeling ko umuusok at umaapoy lagi ang pwet ko. So parang natupad na rin ang pangarap ko.

Iced Milo, eto yung coke nila dito, walang nagsosoftdrinks dito, lahat ang iniinom iced milo. Pati ice cream nila, gawa sa milo. Feeling ko pati pang hilamos nila at pansabon sa pwet pagkatapos umebs eh milo din. Isang beses ginaya ko sila, kumain ako ng beef curry sa Indian restau, tas ang nagdessert ako sa Milo Ice cream, ayun isang buong araw na nasa banyo lang ako at nag LBM. Di na yun mauulit, mag tubig na lang ako pagkatapos kong kumain. Kaso ang tubig nila dito me bayad ang pootah. Tas yung tubig me straw kinginang wierdo.

Kung sa pinas nagkalat ang coffee shops, dito nagkalat ang dessert shop. Puro cakes and pastries. Pero di pa ko kumakain, promise di pa talaga, gustong gusto ko nga tikman ang cheesecake nila na me kuko ng dragon or yung chocolate cake topped with itlog ng mangkukulam. Pero tiis pogi muna, ayoko magkadiabetes dito, so konting tiis sa matatamis. Char! Yung tinapay nila dito kakaiba, yung regular bread nila parang me palaman na ang lasa. Yun bang me lasang latik. Mukhang gata ang nilalagay nila sa tinapay imbes na gatas. Pero panalo talaga mga pagkain. Mamya titikman ko yung kanin na me luha ng tutubing kuala lumpur. 

Dito sa bahay na tinitirahan ko (note: hindi ako po ako tumitira sa bahay ko dito, pramis!) me spa, tas panget yung mga attendant saka therapist, Palumpalo pa naman ako nung mga oras nay un, sakto naman na nandun sya sa pinto kaya tinanong ko ng tagalog si ateng ngetpa, “Ate spakol ba yan? Me libreng jakol pagnagpamasahe?” pero hindi ako inintindi ni ate, mukhang alam nyang ginagago ko lang sya kahit di nya naiintindihan ang sinabi ko. Ang ending tuloy umuwi ako sa bahay at nagniig nanaman kami ni Maria. You know…

Hindi pa naman ako naguumiyak, naglulupasay at nagwawalling sa kagustuhang umuwi, okey, onting iyak lang naman (note: nakauwi na ko sa pinas, naisulat ko na ito dati bago pa man ako umuwi) pero tiis pogi sabi nga nila. Wag ka nga! Normal kaya yung umiyak pag OFW, kahit gaano ka katigas at kalufet, pag namiss mo pamilya mo, manginginig ang baba mo, papatak ang luha mo sa kaliwang mata nang biglaan, walang introduction at very silent ang pagiyak mo, parang yung ginagawa ng mahuhusay na artista na sila Aya Medel , Camille Roxas at Priscilla Almeda. Ibang-iba talaga ang feeling ng OFW, kelangan dito mo ipapakita yung sipag at tiyaga na sinasabi nila, kung hindi mapapahiya ang bansang Pilipinas na nirerepresent mo sa trabaho mo. Bawal petiks dito, di pwede ang nga-nga at tambay tambay. Gusto ko sanang maghanap ng Ginebra San Miguel na Gin habang sinusulat ko to dahil ang GSM, Ganado sa buhay.

Dito sa lugar ko sa Malaysia, hindi masyado maraming Pinoy, me mangilan ngilan pero hindi parang sa Singapore na malingon ka lang me nagtatagalog na. Kung baga kasi sa Pinas, yung Manila is yung capital city nila na Kuala Lumpur, ako andito sa Selangor Petaling Jaya, kumbaga eh Sta.Rosa Laguna ang datingan. Sibilisado pa rin naman ang mga tao, hindi naman sya liblib na probinsya kaya walang mga aswang, maligno, at mga dwendeng ligaw. Isang beses nagpunta ako sa restaurant ng mga intsik at me narinig akong nagiingles na me ‘Mhurican Akzhent so alam na alam ko ng noypi ang mga pootakelz, saka isa pa yung nagsasalita ng mala kel zenner, eh sobrang puti, unusual ang pagkaputi nya kumpara sa mga chekwang makikinis, sa kanya parang nagtuturok sya ng gluta sa ugat nya at ginagawang droga, yun bang papainitan sa kutsara, tas kukuha ng bulok na injection at ituturok sa ugat sa braso. Feeling ko ganun kaadik si ate sa pampaputi. Nakakasilaw ang puti nya parang laba sa Tide…. Gulat ka noh?

Nung unang dating ko dito, tinrangkaso ako, ubo, sipon, at lagnat lang ang peg ko. Kaya after 3 days bumangon akong muli (Naks parang si jisus lang) para mamasyal bilang turistang majuba. (pero pogi). Nagpunta ako sa mall, eto talaga target ko yung mall nila kasi sikat to bilang isa sa pinaka malaking mall sa Asya. So pagdating ko sa mall ineexpect ko mga triple ng Mall of Asia ang laki, pero ang loob eh parang Market Place Mall sa Kalentong or Starmall sa Alabang ang datingan. But then again, No… Kingina sushyalan ang mall dito, para kong nasa Shangri-la Mall sa Crossing. Pang burgis ang mga tinda dito, hindi sya tulad ng ineexpect ko na poochu-poochu na tindahan, hindi sya bangketa stall at alibangbang trading shop. Pangmayaman ang shops dito, kaya kailangan yayamanin ang lakad dito, dehins pwede rito yung lakad daang bakal na nakaliyad ang dibdib at umiitsa ang magkabilang kamay sa paglalakad. Yung lakad Robin Padilla ba… “It’s liver or lover…booooyyyy!”

Pagdating ko sa mall naghanap ako ng restaurant na kilala ko, sheht walang mister siomai dito, wala ring gotohan at mami pares na tinitinda sa shining shimmering kariton na me utak ng baka at mata. Imbey lang ampootah! Pero at last, nakakita ako ng kilala kong restaurant, me Carls Jr. OMG!!! Naexcite ako masyado kaya kinilig ako at naramdaman na medyo nabasa ang brief ko. Joke lang hindi ako naipot sa brief ah… Nung pumunta ko sa restaurant, abay presyong ginto ang burger sa restaurant na yun, hinayupak lang, kaya naman lumabas ako kaagad at nagkunwaring ayaw ko yung pagkain sa restau nila. Hindi na ko nagthank you, para kunyari hindi ko talaga trip ang tinda nila. Kaya naglakad pa ulit ako ng mga 30 minutes, eto na!!! Para kong isang pirata na nakakita ng baol ng kayamanan. “Aaarrrrr Matey!!!” Nakakita ko ng Kepsi (KFC yun, to naman oh!). Parang bumuka ang langit at nagawitan ang mga anghel ng aaaahhhhhhhhhleluya aaaaaaaleluyah! 

Pumasok ako sa KFC at nakita ko ang menu, 2 pc chicken with rice or roll, at meron silang 3 pcs chicken sheeehhhttt! At syempre yung tatluhang manok agad ang inorder ko, meron din silang original at hot and crispy. Opcors yung pangdiininan na kaagad ang titirahin ko, 5 oras na kaya akong palibot libot sa punyetang mall na yun. Isa sa mga hinanap ko kaagad ang sabaw dispenser, yung libreng soup ng KFC at binubuhos sa kanin (minsan nga me mga customer na naghahalo pa sa coke nila eh sa sobrang kaadikan). Pooootangnaaaah!!! Wala silang libreng sabaw na kung tawagin ay gravy. Bumili pa naman ako ng 1 litrong mineral water at pupunuin ko ang bote ng sabaw para iuwi sa bahay, tulad ng ginagawa natin sa Pinas. At sa wakas, dumating na ang inorder kong manok, nagulat ako sa dumating sa akin, ang lalaki ng parts ng manok, parang hita ni jopay na me turok ng steroids yung leg part ng chicken na hinain sa akin. Palibhasa nasanay ako sa manok ng Kepsi sa pinas na sisiw yung kinakatay nila at ipiprito, or kung hindi naman, eh mukhang nilalabhan nila ang manok kaya umuurong, or baka nilalagay nila sa malamig na tubig, parang betlog pag lumublob sa malamig na tubig eh umuurong at parang nahihiya. Hindi ko naubos ang 3 manok, 2 and ¾ lang ang nakain ko, nabusog akong sobra sa laki ng manok nila. Eh kasi naman, kung ikukumpara sa tao, yung thigh part ng chicken sa pinas eh parang balakang ng malnourished na babae, dito yung thigh part parang balakang ng majubis na babae sa Brazil. Yung hita ng manok sa pinas parang hita ng nagkapolio. Ibang iba ang kepsi dito, masarap, malinamnam at finger lickin’ good at KFC!

Habang naglalakad ako sa mall hindi ko napigilan ang sarili ko na ikumpara ang mall sa pinas, mas malamig ang mall dito, literal na giginawin ka talaga, kumpara sa mall sa pinas na ramdam mo pa rin ang init at alingasaw ng Edsa dahil hindi kaya ng aircon ang init. Pero sa pinas maraming makikita na tipong paguwi mo ng bahay para magjakol eh hindi ka mauubusan ng iisipin na visual aid. Dito kasi kokonti talaga ang maganda, well sabi ko nga, ‘to each his own’ baka napakal... Read More

About the Author :

Joined: October 21, 2013 (3 years old)
Writings: 18

Send PM · Male · Online

18 comments   0 favorite   955 views