Maulan. Matraffic sa EDSA

October 20, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , , ,

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
**

Maulan na naman. Hindi ko na naman mapigilan na isipin ka. Ano kaya ang ginagawa mo ngayon? Sana hindi ka na-stuck sa traffic sa EDSA, hindi kagaya ko na dinaig pa ang traffic sa pagka-stuck sa iyo. Naaalala mo ba noong magkasama nating binabaybay ang kahabaan ng masaklap na EDSA na ‘yan? Bandang alas singko ng hapon noon, malakas ang ulan, nasa may parte tayo ng Guadalupe na medyo tumataas ang tubig kapag umuulan. Humahaba na ang pila ng mga sasakyan na sa palagay ko, katulad natin, napapakamot na ung ulo ng mga pasahero dahil sigurado, pare-pareho na naman tayong gagabihin sa daan. Hinawakan mo ang kamay ko at marahan kong isinandal ang ulo ko sa balikat mo.

Tapos hassle pa dahil yung auto na nasa unahan natin, nag-stop yung makina. Bumaba yung driver ng auto para itulak yung sasakyan nya dahil medyo tumataas na rin yung tubig. Hindi ko alam kung pasikat ka or talagang matulungin ka lang talaga, bumaba ka at tinulungan mong mag push si kuyang driver para maka move on yung kotse. Naka move on naman sya, hindi kagaya ko na hirap magpa-andar ng pag move on sa iyo. Sana kagaya mo, makahanap ako ng tang magpupush sa akin para maka-move on ako. Mahirap na, bumabaha pa naman at unti-unti na akong lumulubog. Ayoko malunod, hindi ako marunong lumangoy. Nakakatakot, kagaya ng takot na naramdaman ko noong iwan mo ako.

Ang lakas na ng buhos ng ulan. Singlakas halos nung ulan last time na magkasama tayong naglalakad sa may Baclaran. Katatapos lang natin magsimba at papunta tayo sa pinagpark-an ng auto mo. Akap-akap mo ako kasi iisa at maliit lang yung payong natin. Nagulat ako ng bigla mo na lang akong binitawan para habulin yung kuya na nang-snatch ng bag ng ale. Mabilis yung takbo ng magnanakaw pero dahil hindi nila alam na track and field runner wannabe ka, naabutan mo sya at nakuha mo yung bag ng ale. Ganoon ka kabilis tumakbo na hindi man lang kita nakayanan habulin noong tumakbo ka papalayo sa akin. Tumigil na ako dahil nahihirapan na akong habulin ka, halos hindi na rin kita matanaw. Paano pa kita maabutan?

At dahil maulan, magtitimpla na lang ako ng kape. Oh! Speaking of kape, naalala mo ba noong first time tayo nagkakilala? Natapunan mo ako ng kape sa lamay ng lolo ng step-brother ng kaklase mo na kapitbahay ko. Pauwi ako galing trabaho nun, naghaharutan kayo habang namimigay kayo ng kape sa mga nagmamahjong. Hindi ko alam kung bulag ka ba or ako yata ng bulag dahil hindi rin kita napansin. Galit na galit ako sa’yo noon, kasi napaka-careless mo. ‘Yan ang unang statement na sinabi ko sa iyo. “Napaka careless mo kasi!” Ironically, ‘yan din ang kahulihan kong statement na sinabi sa iyo nung naghiwalay tayo.

“Napaka careless mo kasi!” Kung hindi ka careless, hindi mo sana mabubuntis ang katrabaho ng kapatid mo. Kung hindi ka careless, maiisip mo na isang weekend lang na hindi mo ako kasama, natiis mo sana. Pero hindi eh, porke inakit ka habang noong nagsleep over sya sa inyo. Napaka careless mo kasi nagpa-akit ka. Napaka careless mo kasi hindi mo naisip na apat na buwan na lang, kasal na natin. Ang harsh ng mundo!

Kapag naaalala ko ang lahat ng pinagsamahan natin tuwing umuulan, tumitigil ang mundo ko. Kagaya ng pagtigil ng mga sasakyan kapag traffic sa EDSA. Naiinis na nagagalit ako, kagaya ng inis at g... Read More

20 comments   0 favorite   1,970 views