Blog

Masarap ka bang magbasa?

May 26, 2014 (2 years ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: ,

Hindi po ito tutorial ng tamang pagbabasa, pero ang simpleng post na ito sana'y makatulong para maaliw nyo ang kung ano mang binabasa nyo. Mapa novela, artikulo, tula, maikling kwento, at kung ano-ano pang babasahin.

Nakakatamad magbasa, totoo yan, lalo na kung hindi ka naman talaga mahilig magbasa. Sa kapal ng librong binabasa mo o sa haba ng artikulong nakikita mo, darating sayo na talagang tatamarin ka.

Katamaran nga ba yon?
Pwede ring hindi, baka wala ka lang sa mood magbasa, o may ibang bagay ka na iniisip, o baka naman iniisip mo na masasayang lang oras mo dahil parang wala naman kwenta ang binabasa mo? (tulad na lang ng artikulong ito! Hehe)

Sa bagay na 'yon, wag mo ng pilitin, skip mo muna, i-save o itago mo muna, tapos basahin mo na lang sa susunod kapag ganado ka na.

Ang pagbabasa, pampalipas oras lang, pero sa iba nagiging bisyo ito, daily habit na.

*RELAX YOUR MIND
Mahalaga na bukas ang iyong isipan kapag nagbabasa. Dapat wala kang ibang iniisip at fresh yung gunita mo, yung tipong buhay na buhay para magkaroon ka ng focus.

*TAKE YOUR TIME, READ IT SLOWLY
Huwag kang magmadali, basahin mo ng maayos, at para makamit mo yon, wag mong sabayan ng ibang gawain ang pagbabasa. (Huwag mag-bate habang nagbabasa! Tapusin mo muna! Hehe) Huwag kang mag-multitask. Dapat kung nagbabasa ka, talagang nagbabasa ka lang.
Kung may hindi ka naintindihan o medyo nalito ka, balikan mo, basahin mo ulit.

*DO NOT SKIP LINES, UNDERSTAND THE PLOT
Unawain mo yung binabasa mo, bawat salita, bawat linya, bawat pangungusap ay konektado sa isa't-isa na hindi mo dapat lampasan, kase maliligaw na yung plot kapag may linampasan kang pangungusap na inaakala mong walang kwenta. Hindi mo mararamdaman yung flow ng story kapag ganun, at hindi mo yun mapi-picture sa isip mo.
(Hindi yung tatapusin mo kaagad kapag nilabasan ka na! Hehe)

*USE YOUR IMAGINATION
Mas maganda daw yung binabasa kesa pinapanood. Kapag binabasa mo kase, ikaw yung direktor, ikaw yung magdidisenyo ng mga kaganapan sa utak mo. Ikaw yung bubuo ng schemes at ikaw ang bahala kung kaninong mukha ang gusto mong maging bida.
Bumuo ka ng scene sa isip mo gamit ang imahinasyon habang nagbabasa ka.
(Kahit sinong artista pwede mo nang mabanatan! Hehe)

*GET YOUR SENSES INVOLVED
Dito mo mararamdaman yung story. Dito mo mari-realized na naka-relate ka pala sa kwento. Ito yung pinakamahalaga kase dito mo mararamdaman ang tunay na pleasure. Damhin mo yung bawat emosyon ng mga characters. Pakiramdaman mo yung bawat nararamdaman ng mga characters.
(Mare-realized mo nalang, linabasan ka na pala! Hehe)

Erotic Stories tayo dito. Marahil nalilibugan ka sa mga 'dirty talks', sa mga bulgar na salita, pero mag-iinit ka lang kap... Read More

About the Author :

Joined: July 10, 2013 (3 years old)
Writings: 177

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
14 comments   1 favorite   1,000 views