mara's music

October 21, 2013 (3 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Mind Control | Tags:

I've known Mara for quite sometime already. But i really don't know her that much.
Kung ano man yung alam ko sa kanya, karamihan dun may kinalaman sa kama.

She is my regular buddy. Someone who shares my bed and warms my cold nights.

Una kong nakita si Mara sa studio na pinupuntahan ko. Pawisan habang sumasayaw sa saliw ng musika. Hindi ko naiwasan tumigil para mapanood kung paano umindayog ang katawan niya. Kung paano sumunod
ang mga kamay, bewang at mga binti niya sa tugtog. Para kang hinihigop. Kasalanan ang hindi paghanga sa kanyang ginagawa. Ilang minuto rin siguro akong nakatayo dun habang pinanood siya. Ang init sa pakiramdam. Unang beses akong nakaramdam ng ganito dahil lang sa sayaw. Parang di naman niya ko napapansin. Ganun siya kafocus dun sa ginagawa niya. Paalis na sana ko nung bigla siyang napatingin kung saan ako nakatayo. Nagsalubong yung mga mata namin. Ngingiti sana ko pero mas pinili kong tumango na lang. Siya naman, ni hindi ngumiti kahit mata o labi man lang. walang reaksyon. kaya iniwan ko na lang siya, baka nga naman nakaistorbo ako.

saglit siyang nawala sa isip ko ng araw na iyon. Pauwi na ko nung mapansin ko siya sa coffeeshop malapit dun sa gym. Nagdalawang isip akong lapitan. Kaya hindi ko na tinuloy. Umasa na lang ako na sana makita ko siya ulit.

Two days after, bumalik ako sa gym. Pagdaan ko ng studio di ko siya nakita agad.
Pero bukas ang radyo kaya sumilip na rin ako.


Lost and insecure, you found me, you found me

Lying on the floor surrounded, surrounded
Why'd you have to wait? where were you? where were you?
Just a little late, you found me, you found me

Nakita ko siya nakahiga sa sahig. Pawisan. Nakapikit. Naghahabol ng hinga.
Ewan ko bakit ko biglang naisip na nasa isang kuwarto kami.
Nakahiga. Magkatabi. Pawisan. Malalim ang paghinga.
Hindi pa man din ako nagsisimulang magwork out bigla na akong pinawisan ng malamig.
Naging eratiko tibok ng puso ko. Sumosobra na tong si Mara. Nakakadalawa na to sa akin.
Nasa gitna ng paglalakbay yung diwa ko nung napansin kong kumilos na siya para bumangon.
Huli na para umalis, nakita na naman niya kong nakatitig sa kanya. Ngumiti na lang ako pambawi
sa pagkapahiya. Pero hindi gaya nung una, nakakuha ako ng matipid na ngiti sa kanya ngayon.

Nag-adjust ako ng oras ng pagbisita sa gym para makasabay ko siya. Madalas kasi abutan ko man siya eh patapos na rin siyang sumayaw. Tuwing masasalubong ko siya, binabati ko ng simpleng hi o kaya hello. Siya naman ngingiti lang ng matipid. hanggang dun lang. Di kami nagkaron ng chance na magkaron man lang kahit small talk. Medyo mailap eh. Nagtanong tanong na lang ko sa mga insructor dun tungkol sa kanya. Nalaman ko na nagtuturo rin pala ng sayaw. Saka theater dancer. Medyo tahimik pero mabait naman daw. Oh well. Basta hindi ko pinapalagpas yung pagkakataon na masilip man lang siya saglit sa pagsasayaw tuwing asa gym ako at andun rin siya. Nakakapangakit kasi mga k... Read More

Part #: 1

About the Author :

Joined: October 10, 2013 (3 years old)
Writings: 45

Send PM · Female · Offline

crazy on most days, with a pinch of sense every now and then
charming without trying, if i try, you know you're up for something ;)
5 comments   0 favorite   1,925 views