Mapanukso

January 20, 2016 (10 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Erotic Couplings, Mature, Romance | Tags: , , ,

MapanuksoDedicated to all of my beloved Lolos and Titos (okay, older men) here who, despite their age, still keep their machismo burning like wildfire.

`Love you, and this one’s for you guys!

Happy reading, tanderbolts!

PS, this is also dedicated to both younger and older women who are independent and empowered in their own right.

Mapanukso [Chapter 1]

“Where the hell is my coffee?!” Pasigaw na tanong ni Governor Lasala sa kanyang sekretayang si Grace.

Kanina pa mainit ang kanyang ulo. Hindi pa secured ang kanyang kandidatura bilang senador sa nalalapit na halalan.

Sa ngayon, napakalaki na ng kanyang nagagastos para sa kampanya. Ayon sa polls at surveys na inilalathala sa mga dyaryo at ipinapahayag sa telebisyon at radyo, pasok siya sa Top 12.

Subalit para sa kanya, hindi sapat na makapasok lang sa ika-labing-dalawang puwesto. Kailangang maihanay siya sa mga nangungunang kandidato.

Tinungo niya ang conference room ng kanyang campaign headquarters. Naabutan niyang nagtatalo ang mga campaign managers niya tungkol sa magkasalungat na mga campaign strategies ng mga ito.

Lalong uminit ang kanyang ulo.

“Paano ako mananalo nito kung kayo mismo hindi magkasundo?!” sigaw niya sa kanyang mga tauhan.

Natahimik ang lahat ng nasa conference room.

“Richie, talk to me,” aniya sa kanyang campaign manager na nakabase sa NCR.

“So far, so good, Gov. You’re ratings are the same as last week,” sagot nito.

“The same? Hindi man lang tumaas?!”

Hindi ito sumagot.

“What about in VisMin?”

“Just the same Sir,” sagot naman ng isa niya pang campaign manager na nakaassign sa kampanya niya sa Visayas and Mindanao.

“Dammit!” Aniya sabay tapon ng mga campaign materials na nasa mesa.

“How will I win if you will not do your fucking jobs well?! Huh?! Paano?!”

Tinapon niya ang mga flyers at sample ballots sa harap ng kanyang mga campaign managers.

Halos mangiyak-ngiyak na ang mga ito.

Tahimik ang buong conference room. Ang maririnig lamang ay ang paghikbi ng kanyang mga campaign managers at ang kanyang malalim na paghinga.

Subalit may isang babaeng nakatayo sa may pintuan ang biglang nagsalita.

Maganda ito.

Mestiza.

Sopistikada.

Halatang maganda ang hubog ng katawan sa kabila ng mamahaling damit at itim na blazer.

“Well, I’m quite certain. You won’t win.”

*** *** ***

“Well I’m quite certain, you won’t win,” pakikisawsaw ni Rebecca sa panggigisa ni Governor Alberto Lasala sa mga tauhan nito.

Kanina pa siya nagmamasid sa bawat galaw ng gobernador.

She must admit that despite his age and the few yet evident streaks of gray hair, he still looks great.

Matangkad ito.

Matipuno pa rin ang pangangatawan. Talo pa ang mga binata kung tutuusin.

In other words, he still looks hot.

Yummy, in fact.

“And who the hell are you?!” sigaw ng gobernador sa kanya.

“If I were you, I’d change my strategy,” aniya habang sinusuri ang mga tarpaulin at flyers na nasa mesa.

“How dare you say that I will lose?” tanong nito sa kanya.

Tumawa siya sabay iling.

“Philippine elections are so predictable, I’m telling you,” aniya sabay upo at nag-crosslegs sa harap ng gobernador.

“And based on your current standing in the SWS surveys and private polls, you’ll definitely lose,” patuloy niya habang nakatitig dito.

She likes how he looks at her intently.

Halatang umuusok na ito sa galit dahil sa pagiging pakialamera niya.

“Guard! Get this woman out of here!” Utos ng gobernador sa guwardiya na nakatayo sa labas ng conference room.

Itinaas niya ang kanyang kamay at nagmuwestra sa guwardya na huwag siyang hawakan.

Tumayo siya at humarap kay Governor Lasala.

“Trust me, if you keep on employing this type of campaign strategy, if you keep on playing that lousy paid advertisement in the local TV, matatalo ka talaga.”

Napatiim-bagang ang gobernador.

“ Your overpriced commercial doesn’t have an impact. Walang dating. It doesn’t stir up the emotions of the millions of viewers all over the country. Walang emosyon. And all you had to brag about is the progress you’ve brought to your province?”

She let out a sarcastic laugh and continued.

“What about your family? Believe it or not, Filipinos may be modern in lots of ways but we still value family ties. Voters opt for the alpha male. Yung padre de pamilya. Yung mapagkakatiwalaan. You have a beautiful family, use them. Utilize your own resources. Use them to move the hearts of millions of voters nationwide,” mahabang litanya niya sabay bitbit sa kanyang bag at lumakad papunta sa pintuan.

Napatanga ang gobernador sa kanyang mga sinabi.

Habang naglalakad, narinig niya ang isang campaign manager na tinatanong ang katabi nito kung sino siya.

Lumingon siya rito at sinabing…

“I’m Becca. Rebecca Gatchalian. Google it whenever you have so... Read More

About the Author :

Joined: July 26, 2014 (2 years old)
Writings: 28

Send PM · Female · Offline

Sheen Yu

[shobe.sheen] of FSS

[ShobengSingkit] of Wattpad

✔️ Half-Filipina, Half-Chinese, Pure Crazy since 1993

✔️ Law Student/Caffeine Dependent

📖 General Fiction | Romance | Erotica | Fantasy

✈️ MNL-DVO
70 comments   5 favorites   5,903 views