Manatili Kang Magandang Ala-ala

March 21, 2018 (3 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Huwag ka munang lumingon, pinagmamasdan pa kita
Kinakabisado ko lang naman bawat sulok ng iyong mukha,
Napabuntong hininga, napapikit mata... jusko! mahal na nga kita
Napangiti nalang ako nung pagdilat ko nakatingin ka na.

Mga tingin na yan na para kong nilulunod sa kilig,
Mga tingin na yan na para kong inangat at nilaglag din sa sahig,
Dahil sa mga tingin na yan wala akong maaninag na pag-ibig
Kaya pasensya, tinaboy kita dahil di makita maging parte ka ng aking daigdig.

Huwag mag-alala di ko hinihiling mahalin mo rin ako,
Ni hindi ko nga gusto may sambitin mga labi mo,
Kaya pwede makinig ka nalang at hayaan mo ako,
Hayaan akong makuntentong pagmasdan ka ng ilang segundo.

Ilang segundo na puno lang ng biruan at saya,
Pagtingin ko sayo'y pakisantabi mo muna at 'wag patulan pa
Hayaang maging maligaya sa pansamantalang kasama ka
Dahil sa ganitong paraan... Sa ganitong paraan kita gustong m... Read More

About the Author :

Joined: November 23, 2017 (7 months old)
Writings: 13

Send PM · Female · Offline

Happy personality and a lonely soul in one body.
16 comments   3 favorites   667 views