Erotic Confession

makapiling ka

March 30, 2014 (2 years ago)
Posted in Confession: True Story, Tagalog | Categories: Romance | Tags:

Oh aking mahal, mahal na mahal kita, kahit dimo man ramdam ang pagmamahal ko asahan mong minamahal parin kita magpahanggang ngayon. simula noong ikaw ay aking makilala ay nagbago na ang lahat sa akin, ikaw ang iniisip sa umaga't gabi ikaw lang talaga wala ng iba. Ang totoo ay di ko na masyadong iniintindi ang ibang mga dalaga sa aking paligid noon pagkat sinabi ko na sa aking sarili na sayo ko na lamang ilalaan ang aking pagmamahal.

Wala ka man sa aking tabi sakasalukuyan ay alam kong magtatagpo pa din ang ating landas, at asahan mong pag tayong dalawa na ay magkapiling malalasap mo at mananamnam ang tamis ng aking pagmamahal. Mamahalin kita ng buong buo at walang pag aalinlangan. Maantay mo pa kaya ang mga sandaling iyon? Maantay mo pa kaya ang muli kong pagbabalik? oo inaamin kong iniwan kita ng walang paalam ikaw tuloy ay nasaktan, nasaktan ka dahil hindi ko man lang hiningi ang iyong panig tungkol sa bagay na aking gagawin.

Pero ginawa ko ang lahat ng iyon para sayo dahil alam kong mangyayari ang mga di inaasang bagay na sa kasalukuyan ay maari na nating malampasan. Hindi ko alam kung papano mo ito mababatid ang liham ko saiyo ngunit hahayaan ko nalang na ang panahon at pagkakataon ang magpakita sayo nito, mapadpad ka kaya sa lugar ganito? Mababasa mo kaya ang liham ko para sayo? Tadhana na ang bahala. Sana'y maantay mo ang pagbabalik ko, umalis man ang katawan... Read More

About the Author :

Joined: March 30, 2014 (2 years old)
Writings: 4

Send PM · Male · Offline

5 comments   0 favorite   910 views