Magnilay-Nilay

November 15, 2016 (18 days ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:


Alam mo ba nahihiya ako sa iyo. nahihiya ako lapitan ka at kausapin ng masinsinan kasi alam ko ipagtabuyan mo lang naman ako o iiwasan mo mga tanong ko. Gusto kitang tanungin,kumusta araw mo? Ang trabaho mo? Kaso ilang beses mo na na balewala ang mga tanong na yan kaya binubulong ko na lang sa hangin. Gusto kita makilala ng lubusan kaya lang natatakot ako kasi nararamdaman ko na ayaw mo naman akong papasukin sa buhay mo. masakit yun kaya lang wala din akong magagawa kundi umasa na lang na sana mapagbigyan mo ako ng hindi pa ako pagod maghintay at umasa.

Pag nagkukuwento ka tungkol sa pagnanasa mo sa akin, nakikinig ako at pilit na nilalagay sa isip ko na mahalaga din ako kasi gusto mo katawan ko. Pinapaligaya kita ng husto sa pamamagitan ng paniniig natin kasi dun lang sa oras na yun ako lamang ang nasa isip mo, kahit dun man lang akin ka kahit ilang sandali. Isang araw aalis na ako sa buhay mo, walang paalam. Kusa na akong aalis dahil pagod na ako. sagad na sa buto ang sakit at di ko na kaya.

Ayokong magmakaawa na pansinin mo naman ako. gaano man kasakit yung nararamdaman ko. yun ang ititira ko sa sarili ko. Darating din ang araw na yun na hahanapin mo ako pero wala na ako at di mo... Read More

About the Author :

Joined: August 21, 2014 (2 years old)
Writings: 19

Send PM · Female · Offline

“Someday you're gonna look back on this moment of your life as such a sweet time of grieving. You'll see that you were in mourning and your heart was broken, but your life was changing...”
― Elizabeth Gilbert
7 comments   0 favorite   497 views