Poem

Lupang Pangako

August 21, 2016 (3 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags: ,

Saan nga ba matatagpuan ang ipinangakong lupain,
Doon ba sa isang bayan na ang maralita'y sinisiil.
Mga sinasakang lupain sa mga magsasaka'y sinasamsam,
Nasaan ang karapatan ng mga dukhang nagpapagal.

Nabalot na sa takot puso ng mga kapos palad na mamamayan,
Sa walang tigil na putukan doon sa bundok na minamahal.
Paano ba isasalarawan ang lupain mong kinalakhan,
Kung pulos panaghoy ang sambit ng bayang dinungisan ang dangal.

Mga musmos na kabataan halos di na makapag-aral,
Ang edukasyon ay naging mailap maging itong sariling kaligayahan.
Para sa kanila ang buhay ay isang gulo dito sa mundong ibabaw,
Hindi na nila nalasap ang tamis ng ordinaryong pamumuhay.

Ito ba ang sinasabi nilang lupang pangako?
Mismo kapwa pilipino'y dumadanak ang dugo.
Barilan doon,patayan dito,kelan ba matutuldukan?
Meron pa bang halaga ang usaping pangkapayapaan.

Marami sa atin ay wala ng pakialam,
Doon sa malayong lupaing may naghihirap na mamamayan.
Ang mahalaga sa kanila'... Read More

About the Author :
0 comment   0 favorite   363 views