Luneta

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:
Date: March 15, 2018 (4 months ago)


Nagyaya ka pa sa Luneta,
Wala ka naman palang kwenta
Iyak-tawang nasabi sa sarili, buti pa nagsarili
Mabango pa naman yung lotion, galing Saudi

Nakatalik na lahat,
Tao na lang hindi
Kontodo porma,
Init ng araw ay di alintana

Sobra sobra sa pag gayak, gamit na pabango
Abot hanggang kanto
Naka shades, nakagel; Matigas na matigas pa ang kwelyo
Kabaong na lang kulang sa pormang suot na polo

Wag naman sanang ma-indyan
At baka ang estatwa ni Rizal ang pagbuntunan
Umaasa pa naman makaiskor
Kahit ang dala lang na budget ay pang pisbol

Nagpolo pa naman, inindyan..
Uminom na lang
Nagtagay nang nagtagay
Dalang perang pang pisbol sa alak nilustay

Nung tama ng alak sumipa na
Lahat ng chicks gumanda na
Pati si aling tindera na mukhang beha
Type na rin nya

Libre daw kiss basta bumili ng yosi
Kaya naman bumili ang loko kahit wala ng pamasahe
Makakiss lang sa tinderang bungi
At makapal ang labi

Ang date ay di sumipot
Ewan baka nakalimot
Sa isang tindahan nag-inom, nilumot.
Di na natuto ang tonto, kaya laging inuuto

Itinabing salapi sa alkansyang kawayang tabingi
Na dapat nakalaan para sa panahong nakangiwi
Walang naiwan, maliban sa hilaw na ngiti
Habang binabagtas m...

About the Author :

Author info not found!
4  ·  15  ·  1  ·  845
 · 

Comments
cunTrina01
March 15, 2018 (4 months ago)

Nasayang ang porma
Baka nagshave ka pa
Pinag-antay lang pala
Hanggang paa'y inugat na
Di ka man naka iskor sa indianera
Naka kiss naman kay aling tindera.

Galing! Nice collaboration :)

Smile :)

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
User Not Found
March 15, 2018 (4 months ago)

Salamat sa iyong komento at tula
Lumilitaw ang iyong pagiging makata
Kaya naman di mapigil humanga
Nawa'y sa Luneta minsan ika'y maaya :)

Salamat, cunTrina01...

If life's a joke, then why aren't you laughing :))

Like (0)  ·  Report
User Not Found
March 16, 2018 (4 months ago)

Tama ang aking hinala, ito'y iyong masasabi
Mamumulaklak na naman mga makatang labi
Sapantaha'y naging totoo, sus Melencio
Idadaan na naman sa tula, pamba-babaeng bisyo !

Hahaha !

"Virtual is like everything else. Assume nothing. Only then can you truly see what you're dealing with." - Quellcrist Falconer , Altered Carbon

Like (0)  ·  Report
User Not Found
March 16, 2018 (4 months ago)

Tama rin ang aking hinala, na akoy iyong ilalaglag
Sabagay kilala mo na ako, kaya di na papalag
Saking matamis na dila, babae sana'y malaglag
Sadyang lang magagaling silang umilag
Yaan mo na, baka sakaling makabitag
Sana di sumingit ang Kambing, baka akoy masuwag

Bwahahahaha!

If life's a joke, then why aren't you laughing :))

Like (0)  ·  Report
User Not Found
March 16, 2018 (4 months ago)

Mga babae'y napapanatag sa tilamsik ng dila
Malilikot na alingawngaw ng 'yong akda at diwa
Mas mabagsik pa sa pilik-mata (ng kambing) o gayuma
Pag dalaga sana'y nabihag, wag sana umepal ang 'yong rayuma.
Ang sinasabi mong ika'y aking nilalaglag, naku wag
Don't me please. Panties nila sa sahig mo pa rin nila ilalatag.
Ganyan ka katindi Kulas, ikaw ang aking idol
Kaya Kambing hoy! Lumabas ka na dyan tol.

"Virtual is like everything else. Assume nothing. Only then can you truly see what you're dealing with." - Quellcrist Falconer , Altered Carbon

Like (0)  ·  Report
User Not Found
March 16, 2018 (4 months ago)

Parang ayoko ng sumagot, lalo lang nababaon
Kung may papatol man, swerte pag nagkataon
Sagana lang sa kantiyaw kahit di naman totoo
Tulad nga sa tula, laging pinapaasa ang loko

At tula man yan, alam natin ang totoong kwento
Hindi lang siya talastas ng letra na may ritmo
Nangyari at muling mangyayari, paalala ko sayo
Hanggat maaga pa wag ka ng umasa pare ko

Yung Kambing isa din yung maloko
Dinadaan sa polo barong, kala mo gwapo
Eh isang pirma na lang ng bulate, naka-salamin na
Parang natutulog lang itsura, Kambing lumabas ka!!!

Hahahahaha

If life's a joke, then why aren't you laughing :))

Like (0)  ·  Report
User Not Found
March 16, 2018 (4 months ago)

Kambing ba'y tuluyan nang na-kaldereta
Or sadyang napuruhan lang sa viagrang ni-reseta
Naalala mo pa ba yung tula, yung sa Mercury nangyari
Kaarawan nun ng babae na sa chatroom ating nilalagari

Indyanan din ang tema nun, parang sumpa na yata sa ating sistema
Sa alak ko ba, sa barong nya or sa motor mo ang problema
Nakakasawa na ha, parang awa nyo na, hanapan nyo ko ng jowa
Nang di mawindang kagagawa wala wentang tula, 'nak ng tokwa !

Hahahaha !

"Virtual is like everything else. Assume nothing. Only then can you truly see what you're dealing with." - Quellcrist Falconer , Altered Carbon

Like (0)  ·  Report
cunTrina01
March 16, 2018 (4 months ago)

Aba, aba, aba,
Dalawang ginoong makata
Nagpalitan ng salitang matatalinhaga
Mukhang resulta ng pagkaka-indyan sa luneta.

Kagaling nga naman! Pambihira :)

Smile :)

Like (0)  ·  Report
User Not Found
March 16, 2018 (3 months ago)

Walang matalinhaga, magkaugaga ka pa sa paghanap ng halaga
Ng mga letrang binalangkas, sadyang inakma para mabigkas
Mga kalatas ng talastas, binigwas ng wala sa oras
Sadyang ungas lang ang di mabanas pag di pa alam na sya'y natodas.

"Virtual is like everything else. Assume nothing. Only then can you truly see what you're dealing with." - Quellcrist Falconer , Altered Carbon

Like (0)  ·  Report
User Not Found
March 15, 2018 (4 months ago)

Inakit, naakit, syet anong sakit
....... ng pwet ! (kakaantay)
Tinalo, talo, ang ending inalo
------ ang labo ! (sumablay)

May neks taym pa naman na deyt.. at mga bro neks taym ulit. LOL.

"Virtual is like everything else. Assume nothing. Only then can you truly see what you're dealing with." - Quellcrist Falconer , Altered Carbon

Like (0)  ·  Report
User Not Found
March 16, 2018 (4 months ago)

Masakit, aray, nasaktan ng labis
..... bumabaon! (sa hukay)
Bumangon, nakatayong muli
..... humuhugot! (ng tagumpay)

Uu naman, hindi madadala kahit maindyan.... yup gawa ulit tayo hehe.

If life's a joke, then why aren't you laughing :))

Like (0)  ·  Report
S
SeniorCitizen50
March 16, 2018 (4 months ago)

Hugot moments nila yan 😜

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
User Not Found
March 16, 2018 (4 months ago)

Minsan lang naman sir SC50... yaan mo na kami hehe

If life's a joke, then why aren't you laughing :))

Like (0)  ·  Report
YankumiOh
March 21, 2018 (3 months ago)

May talino ka besh pero walang bait. πŸ˜‚

"People my age can afford a spontaneous travel to Thailand. While I can't even afford a spontaneous soft pretzel." (c) to the owner

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Pusanggala
March 25, 2018 (3 months ago)

Sadyang kaypait kung ikay pag intayin
Walang mas hahapdi kung ikay indyanin
Ngunit di na dapat pang yaan ay isipin
Pagkat sanay ka ng magintay, abangers ka pa man din

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment