Sex Story

Lori - Hamon Ng Tukso

September 21, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Mature, Toys and Masturbation | Tags:

Lori - Hamon Ng TuksoSi Lori, nag-iisang anak ng mag-asawang Mr. and Mrs. Santos. Lumaking maluho dahil galing sa isang prominenteng pamilya. Nasa abroad ang kanyang ama, at nagtratrabaho bilang Mechanical Engineer sa isang bansa sa Middle East. Ang inang si Claire, ay Vice President ng isang kilalang bangko dito sa Pilipinas. Lahat ng gusto ng dalaga ay binibigay ng mga magulang. Sa pamimili ng damit niya inuubos ang karamihan ng kanyang pera. Lalo pang tumaas ang kanyang pag-demand mula sa mga magulang dahil malapit na siyang makapagtapos sa unibersidad na pinapasukan.

Gaano pa man siya kaswerte sa pera ay kabliktaran ito sa pag-ibig. Mahigit isang taon na ang nakalipas nang hiwalayan siya ng unang kasintahan dahil sa isa pang babae. Minahal niya ito ng lubusan at binigay ang lahat-lahat. Ngunit sa isang iglap lang ay nabali-wala ito. Simula noon, nag-iba na ang kilos ni Lori. Naging pilyang dalaga ito. Pati ang pakikitungo niya sa mga lalaki'y nag-iba din. Hindi na siya nagseseryoso sa mga ito at kung kani-kanino na lang pumapatol. Mas naging mapangahas si Lori sa sex. Isang bagay na maglalagay sa kanya sa kapahamakan.

Nasa last semester na ng 4th year college nang makilala niya ang binatang si Marco. Pinakilala siya ng kanyang kaibigan dito. At dahil pareho naman silang single noong mga panahong iyon, ay madali silang nagkaigihan at nagkalapitan ng loob. Isang araw lang sila nag-date at pagkatapos noon ay lagi na silang nagsisiping. Madalas ay nagpupunta sila sa mga motel at doon nagpapakasarap. Pero noong kalaunan ay sinasama na ni Marco si Lori sa bahay nila.

Doon niya nakilala ang nakatatandang kapatid ni Marco na si Louie. May asawa na ito pero wala pang anak. Sampung taon ang pagitan ng edad nila. Makisig pa rin ang pangangatawan nito at may katangkaran. Lagi pa itong naka polo kapag nagpupunta si Lori sa bahay nila Marco. Isang bagay na nagbigay ng kaunting paghanga at pagkagusto sa dalaga. Palihim niya itong tinatago mula kay Marco.

- - - - - -

Isang umaga, habang nagtatalik sila Marco at Lori ay bigla na lang silang nag-away. Pilit kasi siyang pinapauwi na ng binata. Sa sobrang pagkainis niya'y umalis na lang ito ng padabog. Mabilis siyang lumabas ng bahay at naglakad papunta sa labasan ng village. Walang traysikel sa loob dahil ipinagbabawal ito ng asosasyon para sa sekyuridad ng lugar. Walang nagawa si Lori kung hindi'y maglakad na lang ng malayo.

Samantala, makalipas lang ng ilang minuto, si Louie nama'y papaalis na ng bahay para pumasok sa opisina. Hindi niya kasabay ang asawa dahil nauna na itong umalis dahil maaaga ang nakatakdang pagpupulong sa mga klieyente.

Habang nagmamaneho ang ginoo, nakita niyang naglalakad si Lori. Itinabi niya ang sasakayan sabay baba ng bintana...

“Lori!” sigaw ni Louie.

Lumapit sa kotse ang dalaga...

“Kuya Louie, ikaw pala 'yan.”

“Nasaan si Marco? Bakit hindi mo kasama?” tanong ng ginoo.

“Ay, wala ho eh. Hindi na ako nagpahatid.” pero sa totoo'y, ayaw talaga siyang ihatid ng binata dahil nag-away sila.

“Halika. Sumakay ka na. Isasabay na kita palabas.”

Hindi na nagdalawang-isip si Lori at sumakay na lang ng kotse.

“Nag-away kayo?” tanong bigla ni Louie.

“Huh? Ano po?”

“Ayaw mo pang sabihin, eh, halata naman sa mukha mo na inis ka.”

Natahimik ang dalaga at tumingin na lang sa labas. Nabalot ang kotse ng katahimikan pagkatapos noon. Habang nagmamaneho si Louie ay hindi maiwasang mapasulyap sa mga hita ni Lori. Naka pekpek shorts lang kasi ang dalaga kaya kapansin-pansin ang mapuputi at payat na hita nito.

“Nasaan po ang asawa niyo, Kuya Louie?” napatanong bigla si Lori.

Mabilis na bumalik sa tamang ayos ang mga mata ng ginoo...

“Uhm, maagang umalis eh. May meeting with clients.”

“Ah, okay.”

Bangong-bango si Lori sa halimuyak ng ginoo. Sa tuwing naamoy niya ang pabango ni Louie ay nakakaramdam ito ng kakaibang galak. Lalo pa niya itong nagugustuhan.

Papalapit na sila sa labasan. Balak ni Lori bumaba doon at mag-taksi na lang pauwi dahil out of the way ang daan papunta sa kanilang bahay.

“Diyan na lang po ako ibaba.” sabay turo sa may kanto. May mga taksing nag-aabang na sa labasan kaya nama'y hindi siya mahihirapan pang sumakay.

“Sigurado ka ba? Gusto mo ihatid na lang kita? Maaga pa naman eh.” alok ni Louie.

“Ay, hindi na po, Kuya. Mag-taksi na lang po ako.”

“Ok, sige. Anyway, I'll get your number na din, just in case. Baka kasi kung ano pa mangyari.”

“Sige po.”

Pagkatapos magpalitan ng number ay bumaba na ang dalaga. Nagpasalamat muna ito kay Louie bago sumakay ng taksi. Hinintay muna ng ginoong makaalis ang sinasakyan ni Lori bago tumungo papuntang opisina. Hindi pa nag-iinit sa kinauupuan ay tinext na kaagad ni Lori si Louie at nagpasalamat ulit. Nag-reply din naman kaagad ang ginoo at sinabing mag-ingat siya. Napangiti na lang ang dalaga.

- - - - - -

Kalahating oras bago nakauwi si Lori sa kanilang tahanan. Pagpasok ng bahay, ay nandoon ang inang si Claire, at sinalubong siya kaagad ng sampal...

“Saan ka nanaman galing bata ka?! Ha?! Bakit hindi ka nanaman umuwi?!” ang sabi ng ina sa anak.

“What do you care, Ma?!” pabalang na sagot ni Lori habang hinihimas-himas ang pisngi.

“Anong what do I care? Siyempre, nanay mo ako eh! Malamang, may karapatan akong malaman!”

“Ma, malaki na ako. I can take care of myself! Just leave me alone, ok?” nagsimulang maglakad ang dalaga papunta sa kanyang kwarto.

“We're not done yet, young lady! Come down here!” sigaw pa ulit ni Claire.

Hindi na ito pinansin ng anak at dumiretso na lang sa kanyang kwarto. Kahit sobrang galit, ay wala din nagawa ang inang si Claire. Umalis na lang ang ina at nagpahatid sa drayber pappunta ng opisina. Nanatili lang ito sa bahay para hintayin ang anak at pagsabihan. Pero wala din siyang napala.

Pagkatapos umalis ang ama ni Lori papunta sa ibang bansa ay laging nag-aaway na ang mag-ina. Sa simula pa lang ay hindi na sila magkaintindihan. Walang nagbibigayan sa kanilang dalawa. Ang gusto kasi ng dalaga, at dahil nasa murang edad pa lamang siya'y magpakasaya at magpunta kung saan-saan kasama ang mga kaibigan. Ang ina nama'y gusto lang siyang matahimik sa bahay dahil alam niyang maraming masasamang elemento sa lansangan. Isang tipikal na nanay, ika nga. Pero dahil doon ay mas lalong nagrerebelde si Lori. Kapag hinahayaan naman ng ina ay hindi ma-kontak o kaya'y kinabukasan na uuwi. Kaya ganoon na lang ang galit ni Claire. Naipon na ito kaya nagawang saktan ang anak.

Nagkulong sa kwarto ang dalaga. Pagkatapos maligo ay nagpahinga lang ito sa kanyang kama. Makalipas ang ilang sandali, nag-text sa kanya si Louie...

Louie: San ka na?
Lori: Nandito na po sa bahay. Sorry, hindi ko kaagad nasabi sa inyo. :P
Louie: Ah, okay. Mabuti naman.
Lori: Kayo po?
Louie: Office na. By the way, huwag mo nakong i-”po”. Kahit Louie na lang. Hehe. :)
Lori: Ok, Louie. :)

Hindi nag-reply ang ginoo. Naghihintay pa din ang dalaga kung may masasabi pa din ito sa huli niyang text. Pero mga bente minutos na at wala pa rin. Kaya nama'y nagbukas siya ng mapaguusapan...

Lori: Hay! Nakakainis dito sa bahay! :(

Nag-reply din naman kaagad si Louie...

Louie: O, bakit naman?
Lori: Well, first, I'm missing my dad. Second, I hate my mom!
Louie: Huh? Bakit naman? Masamang magalit sa magulang. You should always love them back, no matter what. And nasaan pala ang daddy mo?
Lori: Nag-away kasi kami and SINAMPAL niya ako! GOD! Dad is in Dubai, by the way.
Louie: I'm sure there's a reason why she did that. And for sure, hindi niya sinasadya iyon.
Lori: I know. I was also acting like a brat, so I think I deserved that slap.
Louie: Hindi naman siguro. Mag-usap lang kayo ang let her know what you feel about the situation. Talking is good.
Lori: Oh well! Thanks for the advice. You're such a good guy! Ang swerte ng asawa mo sa'yo. :)
Louie: Haha! Wala yun. I'm just trying to help. ;)
Lori: Mwah! Thank you! :*

Sa sobrang kilig at saya ng dalaga ay hindi napigilang mag-text ng ganoon. Sa kabilang panig, hindi na naka reply ulit so Louie dahil nagsimula na ang kanyang meeting.

Naging magka-text mate ang dalawa. Lagi na silang nagpapalitan ng mensahe. Pero itinatago ito ni Louie mula sa kanyang asawa. Ayaw lang niyang pag-isipan siya ng masama nito. Sa una'y malinis ang intensyon ng ginoo at walang halong dumi. Pero habang lumalalim ang pagkakaibigan at paguusap ng dalawa'y unti-unti itong nagbabago. Lalo na nang mas naging bukas ang damdamin ni Lori para kay Louie.

- - - - - -

Miyerkules, nasa eskwelahan si Lori at nag-aabang ng sunod niyang klase. Mula sa kanyang likuran ay lumapit is Marco at humihingi ng patawad sa nangyari. Hindi na kasi nagpapansinan ang dalawa pagkatapos ng kanilang away. Pero noong araw na iyon ay nagpakumbaba ang binata at humihingi ng pasensya. Tinanggap naman ito ng dalaga pero pagkaraan lang ng ilang pangangamusta ni Marco ay niyaya na niya kaagad si Lori na magtalik ulit. Natawa na lang ang dalaga at lumipat ng pwesto. Hindi na sumunod pa ang binata at ang akala niyang makaka-iskor ulit siya sa kaibigan, ay laking pagkakamali niya.

Nakahanap ng ibang matatambayan si Lori at napa-text kay Louie...

Lori: Haha! Ang kapatid mo, nag-sorry na sakin.
Louie: Eh di okay. Bati na kayo? :)
Lori: Ok na sana eh. Kaso ilang minuto lang, niyaya na ulit ako ng sex! What the hell?!
Louie: Seryoso?! Akala siguro easy girl ka lang. Pagpasensyahan mo na yang kapatid ko. Minsan eh, hindi nag-iisip. :(
Lori: It's okay, though. And by the way, easy girl talaga ako, pero namimili ako ng ka-sex. LOL! :))

Biglang naging interesado sa usupan ang ginoo at nagbitaw ng pahaging na biro...

Louie: Kasama kaya ako sa listahan mo? Haha! :P
Lori: Hm. Hindi ako pumapatol sa may asawa eh. Pero, in your case, I might make an exception. :)
Louie: Interesting. Bakit mo naman nasabi?
Lori: Kasi matagal na akong may crush sa'yo. That's why.
Louie: Really? Why?
Lori: There's just something in you that makes my body itch. 

Napaisip ang ginoo sa nabasa at napakabig bigla. Hindi niya akalaing seryoso na pala si Lori sa nararamdaman. Alam niyang nilalandi na siya ng dalaga pero naging maingat pa din ito...

Louie: Tempting. You're pretty, Lori, You truly are. Pero alam mong may asawa nako and you know how complicated it is...
Lori: I know, Louie, no worries. Sinabi ko lang nararamdaman ko. And sorry for saying that. Madami lang kasing nangyayari sa buhay ko lately.
Louie: No need to say sorry. Hm. How about we have some coffee? Just to relax your mind.
Lori: Sure! When and where?

Nagplano ang dalawang magkita pero lingid sa kaalaman ni Edda at Marco. Nag-iingat pa din kasi si Louie dahil baka kung ano pa ang isipin ng asawa at kapatid. Sa loob-loob naman ni Lori, mas lalo siyang nahahamon na akitin si Louie. Kadalasan ay siya ang nilalapitan at hinahabol ng mga kalalakihan. Pero sa pagkakataong iyon, unang beses pa lang na siya ang maghahabol sa isang lalaki.

- - - - - -

Kinabukasan ng hapon, nagkita si Louie at Lori sa isang coffee shop na malapit sa opisina ng ginoo. Pumuwesto sila sa likurang bahagi ng lugar dahil nanigurado lang si Louie na walang makakakita sa kanila na kakilala. Si Lori ay katatapos lang ng mga klase. Si Louie nama'y bumaba lang saglit at babalik din sa opisina.

“Kamusta ka naman?” tanong ni Louie sa dalaga.

“Ok naman. Ikaw? Buti nakababa ka. Hindi ka ba busy?” tanong naman ni Lori.

“Kanina lang may meeting with the team. After that, puro petiks na lang. He he! Musta studies mo?”

“Going good, so far. Malapit na midterms so todo aral, kuno. But yeah. I just want to relax lang muna before I start studying.”

“Yup! Mag-break ka muna after all the stress that happened to you. Anyway, have you talked to my brother after yesterday?”

“Nope. Wala na kaming communication. So, musta naman kayo ng asawa mo?”

“Ok naman.” matipid na sagot ni Louie. Sa loob-loob ng ginoo ay nagiging malamig na ang misis sa kanya. Kapag gusto nitong sumiping ay tinutulugan o kaya'y nagdadahilan lang ang misis. Pero itinatago niya ito kay Lori.

“Hm. You're such a liar. Kung ako nabasa mo noong tinanong mo ako about samin ni Marco, nahuli mo kaagad ako eh. Likewise lang. It shows to your face na hindi ka masaya. Tama ba?” madaling nabasa ng dalaga ang ginoo dahil hindi ito makatingin ng diretso sa kanya.

“Well, actually, tama ka. She's gone cold lately. I don't know why.”

“That's sad. I hope I can make you feel better somehow.” may malalim na ibig sabihin si Lori.

“Ha ha! I'm fine. Nagkita tayo dito para sa'yo, diba? Kaya tama na ang drama ng buhay ko.” biglang iwas ni Louie.

Mailap pa din ang ginoo dahil kahit nakukutuban na niyang may gusto sa kanya ang dalaga kaya umiiwas-iwas pa din ito. Sa kabilang panig nama'y, masugid na itinutulak ng dalaga ang nararamdaman para kay Louie.

Mga ilang minuto pa'y nagpasya na silang umalis. Nag-alok si Louie na ihatid ang dalaga sa terminal ng taksi.

Habang nagmamaneho si Louie ay umakmang iinumin sana ang kapeng binili nang biglang may sumingit na motor sa kanilang harapan. Agad siyang napa-preno ng malakas at tumapon ang mainit-init pang inumin sa kanyang pantalon. Nagulat silang pareho. Nakiusap ang ginoo kay Lori na kunin ang tissue box mula sa compartment ng kotse. Kinuha naman ito ng dalaga at pumilas ng ilang rolyo ng tisyu. Imbis na ibigay ito sa ginoo ay siya ang nagdampi ng tisyu sa pantalon. Napakislot si Louie at hindi malaman ang gagawin. Nag-pokus na lang siya sa pagmamaneho at hinayaan muna si Lori maglinis ng natapong kape.

Ilang sandali pa, nakaramdam na lang ang ginoo na may kasamang himas na pala ang ginagawa ng dalaga. Hindi napiligang manigas ang ari niya. Nahiya ito kay Lori. Iba naman ang nararamdaman ng dalaga. Ginawa niya itong oportunidad para akitin ang ginoo. Ang nagsimulang simpleng kagustuhan ay unti-unting napupunta sa tuksuhan.

Pagkatapos ng ilang minuto, nakarating na sila sa terminal ng taksi. Pumarada muna si Louie sa tabi. Kasabay noon, inalis na ni Lori ang tisyung hawak-hawak at ang kamay na mismo ang dumadampi sa alaga ni Louie...

“Anong ginagawa mo?” mahinang tanong ng ginoo.

“I want you...” sagot ng dalaga.

Lumapit ito sa mga labi ni Louie at humalik. Hindi gumanti ang ginoo. Umatras si Lori. Bumitaw sa pagkakahimas ng sandata ni Louie at binuksan ang botones ng kanyang uniporme. Tumambad ang bra ng dalaga, at sa loob noo'y ang kanyang masaganang dibdib. Napatingin si Louie at hindi na nakapagsalita.

Lumapit ulit si Lori at sumunggab ng mainit na halik. Sa pagkakataong iyon, gumanti na si Louie. Mabagal silang naglaplapan. Tinitikman at nilalasap ang pagkakataon. Mga ilang minuto din ito tumagal pero biglang may tumawag kay Louie kaya nama'y napatigil silang pareho. Bumalik sa pagkakaupo si Lori. Si Louie nama'y kinuha ang telepono para sagutin ito.

“Hello?” sagot ng ginoo. “Oh, Hun! Napatawag ka?” si Edda ang nasa kabilang linya.

Sinenyasan ni Louie si Lori na bumaba na ng sasakyan dahil baka marinig pa siya ng asawa. Maingat naman bumaba ang dalaga at sumakay na ng taksi. Umalis naman kaagad is Louie mula sa pinaradahan at bumalik na sa opisina.

Habang papauwi si Lori ay napangiti ito. Malapit na niyang makuha ang ginoo. Lalo pa siyang nagalak at napaisip kung ano pa ang pwedeng gawin para maakit ng tuluyan si Louie.

- - - - - -

Umaga ng Biyernes, nasa opisina na si Louie nang biglang naisip na i-text si Lori. Hindi na kasi ito nagparamdam pagkatapos ng mainit na kaganapang nangyari sa kanyang sasakyan. Ang hindi niya alam ay, taktika ito ni Lori – hayaan ang ginoo na unang magbukas ng komunikasyon sa kanilang dalawa.

Louie: Hi! Good morning! Gising ka na?

Matagal nang gising si Lori pero nasa kama pa din...

Lori: Good morning, Louie! Yep, kagigising lang. Bakit?
Louie: Ah, okay. Wala lang. Gusto lang sana kita kamustahin. Hindi ka na kasi nag-text kagabi. Musta tulog mo?
Lori: Ok naman. Masarap. Ikaw?
Louie: Ok din. To be honest, iniisip kita kagabi bago ako matulog.
Lori: Really? Anong iniisip mo?
Louie: Halikan natin. Nagustuhan ko yun.
Lori: Hm. That's nice to know. Do you have an email? I will send you something.... Read More

Part #: 1

About the Author :

Joined: September 9, 2015 (1 year old)
Writings: 6

Send PM · Male · Offline

16 comments   6 favorites   5,430 views