Liham ng Isang Tatay sa Kanyang Unica Hija

September 7, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , ,

Liham ng Isang Tatay sa Kanyang Unica HijaDear Anak,

Hindi ko masasabi kung gaano ang itatagal ko sa mundo, gusto ko sanang maging imortal pero malabo yun. Hindi ko rin alam kung buhay pa ko or tigok na ko pag nabasa mo to kaya sinulat ko to just in case nga na isa na lang akong pataba sa lupa. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita at ikaw ang na nagbigay ng kakaibang kahulugan sa buhay ko.

Itong liham na ito ay para bigyan ka ng mumunting aral na magagamit mo hanggang sa lumaki at tumanda ka. Gusto kong lumaki kang masaya at matinong tao na marunong magpahalaga sa sarili at sa ibang tao.

Maging magalang ka, hindi lang sa nakakatanda kundi sa lahat ng tao. Mahalaga ang me respeto ka sa kapwa mo. Hindi porket lumaking mahirap or madungis ang balat eh mas mababa ang karakter nya sayo. Maniwala ka sa akin, marami akong kilala na lumaking marangya at nakapagaral pero nuknukan naman ng sama ng ugali.

Hindi ka papanget pag nagsabi ka ng 'Sorry'. Aminin mo ang kasalanan mo, hindi magiging mababa ang pagkatao mo pag inamin mo na nagkamali ka

Magpasalamat ka pag inabot ng ibang tao ang bayad mo sa jeep. Magpasalamat ka sa lahat ng bagay maliit man o malaki

Ok lang kung umastang lalake paminsan minsan. Kung gusto mo ng sports na panglalake, sige lang, subukan mo lahat gusto mo gawin. Susuportahan kita sa lahat ng gusto mo wag ka lang magdadrugs anak.

Hindi ka cool sa panggagaya ng iba lalo na pag masama ang ginagawa nila. Hindi ka cool pag gumaya ka sa pagyoyosi nila at pagiinom ng mga tropa mo. Insecurity ang tawag sa pagpapadala sa peer pressure

Money is 'NOT' the root of all evil, mas masaya ang me pera anak kumpara sa walang laman ang wallet mo. Nagiging masama lang ang pera dahil a maling paggamit. Pero kailangan mo ng pera para mabuhay.

Wag mo pangarapin na magtrabaho para sa ibang tao, magnegosyo ka para ikaw ang boss at sila ang magtatrabaho para sayo. Kokonti ang porsyento ng empleyadong yumaman. Nasa negosyo ang pera lakas lang ng loob at wag kang matakot matalo.

Gumamit ka ng utak sa lahat ng pagkakataon. Anak, mas ok yung me utak kesa sa puro ganda at kaseksihan. Ang ganda lumilipas ang talino habang buhay yan.

Wag mo ipagpabukas ang mga bagay. Sunggaban mo ang bawat pagkakataon. Ikaw ang humanap ng oportunidad, wag mong antayin na ang oportunidad ang lumapit sayo.

Walang nangyayari sa buhay ng mga batugan. Kumilos ka, simulan mo ang pagiging masipag sa loob ng bahay. Matuto kang magayos ng bahay, magluto, maglaba. Mahirap tumanda ng walang alam anak at inaasa ang lahat sa ibang tao.

Wag kang maging maramot at swapang. Magbigay ka sa lahat ng tao hindi lang sa mga kamaganak mo. At pag nagbigay ka wag kapiranggot lang, ibigay mo ang nararapat ng buong puso.

Wag kang tatawid sa kalsada pag bawal. Disiplina sa sarili ang susi sa lahat ng bagay. Kailangan mo ng disiplina sa lahat ng gagawin mo.

Ang obligasyon ay obligasyon wag mong tatakbuhan. Bayaran ang dapat bayaran gawin ang kailangan gawin.

Mga manyakis lang ang natutuwa sa damit na kita pati kaluluwa. Magdamit ka ng maayos. Kung nasa beach ka pwede kang mag bikini pero wag kang lalabas sa Daang Bakal ng ito lang ang suot kahit gaano pa kainit. Kung maganda ang katawan mo takpan mo pa rin ng damit wag mo idisplay ng wala sa lugar.

Kung magpapatattoo ka, pumili ng angkop at disenyong me kahulugan sa buhay. Wag kang magpapatattoo ng ikasisira ng buhay mo i.e. SPUTNIK, Bahala na Gang, Alegre Commando, etc... Kung buhay pa ko isama mo ko para maisama kita at makapili ng magaling na artist.

Ang kulay pink, orange at purple na buhok eh para sa mga clown. Unless sa circus ka nagtatrabaho, saka ka na magkulay ng matingkad sa buhok.

Pag me alak, me balak... Wag kang sasama sa lalaking aayain ka lang maginom. Magbigay ka ng distansya at kung hanggang saan lang dapat magpunta, kung magiinoom grupo dapat.

Wag kang maniniwala sa lalake pagsinabi nya na, "mahal mo naman ako di ba?" Wag kang papayag sa kundisyon ng lalake lalo na kung isasangkalan nya ang pagmamahal para lang makuha nya ang mga bagay na gusto nya.

Hindi porket pogi mabait at hindi ka sasaktan. Ang lahat ng lalake me posibilidad na maging kumag pogi man o panget.

Wag mahuhulog ang loob mo sa mga matatamis na salita ng lalake. Kaya ka binobola kasi me gusto syang makuha.

Kung wala kang pera maraming paraan para magkaroon, pero wag na wag mong isasanla ang prinsipyo mo lalo na ang pagkatao mo.

Wag na wag mong paniniwalaan ang "Cuddle cuddle lang tayo!" or "Gusto ko lang na tayong dalawa lang, para makapagusap tayo ng maayos" Wag na wag kang sasama pag sinabi nya na "Kakain lang tayo sa pansitan..." Para sa detalye, tanungin mo ang mga ninong mo tungkol dito.

Hindi porket binigyan ka ng regalo, chocolate, at bulaklak, eh kailangan palitan mo yun ng ibang bagay lalong lalo na ang katawan mo.

Kung hindi mapigilan ang tawag ng laman, gumamit ka ng proteksyon. Mas madali at mas murang magpalit ng gomang me semilya kesa lampin ng batang me wiwi at uu.

Matuto kang magmaneho ng sasakyan (matic or manual), wag kang aasa sa boypren mo o sa mga kaibigan mo.

Hindi mo kailangan mahalin ang larong football, basketball, boxing, MMA, etc... Pero kailangan mong alamin ang rules at kilalanin ang mga top players. Wag kang tatanga tanga at tanong ng tanong pag pinapanood ang laro sa TV

Huhusgahan ka ng mga tao sa kung ano itsura mo, ganun talaga ang mundo anak kaya sa umaga pa lang alamin mo na ang isusuot mo at kung papaano mo ipepresinta at dadalin ang sarili mo.

Magmahal ka ng tapat at wag na wag kang mamamngka sa dalawang ilog. Ang lalake pag nangaliwa tanggap ng mga tao ang babae pag nangaliwa habang b... Read More

About the Author :

Joined: October 21, 2013 (3 years old)
Writings: 18

Send PM · Male · Offline

34 comments   6 favorites   2,250 views