Sex Story

Laglag

May 10, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Mature, Romance | Tags: , ,

Hindi sa'kin yan.

Ilang linggo pa lang ang lumipas, marami nang nakapansin. Kita mo nga sa mukha mo. Lagi na lang basa sa pawis, minsan naman, sa luha.

Pero ewan ko ba kung saan galing. Ewan ko kung paano. Ewan ko kung kanino. Basta hindi sa'kin yan.

Paano ba kasi nagka-ganito? Parang noong nakaraang araw, masaya naman ang buhay. Masaya naman tayong dalawa. Hanggang sa... Paano nga ba? Nakalimutan ko na.

Hanggang sa nalaman nila...

Oo nalaman nila. Kasi 'yang bunganga mo... Pati ba naman ako, dinadamay? Tinataksil, sinasaktan. Isang gabi lang naman ang hiningi ko sa'yo, pero ngayon, buong buhay ko na ang hanap mo.

Isang gabi ng ligaya. Isang gabi ng sarap. Isang gabi lang, kaya hindi sa'kin yan.

Kita kita ngayon, umiiyak uli sa may kanto, dala ang buhay mong ipinagkait sa bahay niyo. Gabi. Umuulan. Nagpasya kang sabihin kay nanay. Tapos, nalaman ni tatay. Sa isang sandali, may narinig na sigaw.

Akala mo may gustong makinig? Akala mo, may maniniwala? Pakakainin ka't patutulugin muli sa kama? Hindi siya kasya sa bahay ninuman, kaya hindi sa'kin yan.

Ilang linggo pa lang ang lumipas, marami nang nakarinig. Pagsara mo sa pintuan, may hinala na ang lahat. Dinig ang sakit sa tiyan, ang nasusunog mong lalamunan habang sinusuka ang sakit.
Nararamdan mo ba? Nalalasahan mo ba siya? Naaamoy mo ba ang dugong dumadaloy sa kanya? Naririnig mo ba ang tibok ng puso ng... Ewan. Ewan ko na. Ewan ko na kung ano yan, kaya hindi sa'kin yan.

Dinig ko ang iyak na 'di malaman kung kanino galing. Kita sa nagrerebeldeng katawan mo, na sumusuko na't 'di na makagalaw. Kita sa mga mata mong 'di na makakita sa luha, sa tenga mong ayaw nang makinig sa mundo kasi huhusgahan ka lang, sa mga kamay mong puno ng galos sa kakakayod sa buhay.

Masakit.
Mabigat.
Kaya bitawan mo na.

Oo, bitawan mo na. Hindi sa'kin yan, kaya bitawan mo na. Unti-unting nilalamon ang katawan mong bata pa, kaya bitawan mo na.

Pero sa bawat araw na nasasaktan ka, naisip ko - may buhay pa ba? May dumadaloy pang buhay sa mga ugat mong lumalabas 'pag umiiyak ka. Sa bawat sigaw at pilit, kumakapit siya sa'yo.

Pero masyado nang mabigat, at mas mabigat ang mundo na sasalubong sa inyo. Kakapit o bibitaw? Hindi ko masagot, dahil hindi sa'kin yan.

Gabi. May narinig na iyak sa gitna ng ingay ng patak ng ulan. Sa malamig na kuwarto, handa ka na bang bumitaw sa mabigat na buhay? Tanungin mo sa'kin - Hindi sa'kin yan.

'Di mo na ba siya maramdaman? 'Di mo na ba siya malasahan? 'Di mo na ba maamoy ang dugong dumadaloy sa kanya? O baka naman wala nang tibok ang puso mo. Masakit. Malamig.... Read More

About the Author :

Joined: March 20, 2014 (2 years old)
Writings: 12

Send PM · Female · Offline

She tastes like nectar and salt. Nectar and salt and apples. Pollen and stars and hinges. She tastes like fairy tales.
8 comments   0 favorite   2,754 views