Kwentong G*G*

April 2, 2018 (20 days ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Ito yung kwento nating dalawa
Nagumpisa sa di maganda
Aksidente man ang pagkakilala
Nagkasundo at naging tropa

Sinadya mo ba yun? Ako naman si tonta
Simpleng text na oist, kung saan-saan na napupunta
Sa ating dalawa, ako yung siraulo
Syempre alam mo na, Ikaw yung gago

Inaabot na tayo minsan alas kwatro
Ikaw kasi madamot. Atensyon ko, gusto mo laging solo
Madaling araw at manok natilaukan na
Ayaw pa ‘ko tantanan, nakaka-putang ina

Mantakin mo inabot tayo ng dekada
Ininda ko, mga kwento mo na laging pabida
Kinikilig ako, hangang matris at sinapupunan pa
Akala ko totoo, akala ko tunay, akala ko kakaiba

Ang saya ko nun, di ko na alintana ang pagod
Mabasa lang message mo’y parang hinahagod
Lahat ng lumbay ko at mga alinlangan
Kay sarap sanang balikan ating nakaraan

Ang iyong halik lagi sa aking isip.
Pangalan mo laging bukambibig
Ikaw na dating panaginip
Ngayon kahit pangalan mo ayokong marinig

Nangako ka pang ikukulong ako sa ‘yong mga bisig
Hindi ko na maalala kahit anung pilit
Kelan ba nagsimulang lumamig ang ating pag ibig?
Kelan natapos ang init, yung tamis naging mapait.

Sabi mo ikaw ang bida at ako ang iyong prinsesa
Ang ending pala ay iba, ako'y naging extra
Ang kwento nating dalawa ay naging... Read More

About the Author :

Joined: February 23, 2016 (2 years old)
Writings: 6

Send PM · Female · Offline

Bitch Inside so back off!!!
34 comments   0 favorite   643 views