Kwento mo ay Kwento ko!

September 2, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Unang tungtong ko, sa kwartong ito.
Apat na sulok nito'y, puno ng mga kwento.
Mga kwentong hindi mo, makikita sa kanto.
Dahil ang kwentong ito'y, puno ng MISTERYO!

Hindi kababalaghan, at hindi rin imbento.
Ang bawat nilalaman, ng bawat isang kwento.
Ngunit ramdam mo, ang bawat kataga nito.
Sapagkat, kwento nila'y, sya ring KWENTO MO!

Sa bawat kwento mo'y, hangad mo ay komento.
Ang pag usapan ka't, magkaroon ng argumento.
Ngunit di mahalaga, dami nang nagkokomento.
Dahil ang puntirya mong tunay, laman ng kuro-kuro!

Siguro'y lito ka na, sa bawat salita ko.
Kaya't tatapusin ko na, mga paliwanag ko.
Upang maunawaan mo ng todo-todo.
At di na sumakit pa, ang iyong ulo.

hindi mahalaga ang bilang ng mga viewers, o bilang ng komento.Ang mahalaga ay iyong nilalaman ng bawat sinasabi nila sayo. simpl... Read More

About the Author :

Joined: September 8, 2013 (3 years old)
Writings: 34

Send PM · Male · Offline

Love is blind, but open ur mind!
Sex first den next seven....lol:-)
5 comments   2 favorites   797 views