Blog

Kuripot Daw??

November 20, 2014 (2 years ago)
Posted in Blog: Taglish | Categories: Non-Erotic | Tags:

Sa araw-araw ay marami na tayong nga nakasalamuha na iba't ibang ugali ng mga tao. One of the more amusing but annoying character ay ang pagiging kuripot.

Syempre different levels din yan mula sa simple hanggang sa sagad sa buto na kakuriputan. Pero iba ang kuripot sa nagtitipid lamang. Malaking kaibahan. I want to give you one of my experience that happened few years ago.

One morning, while nasa Starbucks ako sa loob ng airport terminal ay apat na Indians ang  pumasok at naupo sa katabing table. Since nakaharap ako sa counter ay natural na maobserbahan ko ang mga  customers na pumipila. 

Lumapit ang isa sa kanila sa counter. Buong akala ko ay oorder ngunit ito pala ay hihingi lamang ng mainit na tubig. Syempre libre pati ang cup ng Starbucks. Seryoso ang mukha ng babae ng iabot ito sa kanya at tahimik namang bumalik ang lalake sa kasamahan.

'Hmmm...' Sa isip ko.

Yung nanghingi ng mainit na tubig ay napansin ko na may dinukot sa jacket. Isang maliit na pakete ang lumantad at napag-alaman ko na ito'y Lipton Tea. Binuksan at ibinabad niya agad sa cup. Dahil may free milk at sugar naman sa store ay nakabuo siya ng pampainit sa umaga. Galing, di ba?

'Nakalibre ang loko', sa loob-loob ko.

Buong akala ko ay tapos na. Hindi pa pala dahil pagkaubos ng tsaa ay tumayo naman ang isa at siya naman ang humingi ng mainit na tubig gamit ang cup ng naubos na tea. 

'Aba ayos 'to ah!' Paghanga ko.

Mas lalo tuloy akong naging interesado sa susunod na mangyayari. Ang pakiramdam ko ay may masasaksihan akong kakaiba nung araw na yon. 

Hindi nga ako nagkamali. 

Nakita ko ang pag-ulit ng sistema ng nauna kung paano nakalibre and in short ay nakaraos ang apat ng hindi gumagastos hanggang sila'y makaalis. Lahat pala sila ay may baon na tsaa hahaha.

"Hijo de puta!" Ang narinig ko mula sa counter pagkalabas nung grupo. 

Out of curiosity ay lumapit ako para itanong ang nangyari. Natutuwa pa naman sana ako noong una dahil being resourceful is actually good and very encouraging.

"Sir, those four Indians are airport employees and they do it every freaking morning! Very cheap!!!" Inis na sabi ng babae.

Epic if not classic, di ba?

Ang pagiging kuripot para sa akin ay cancer sa pagkatao BUT a curable cancer. Kapag nagpatuloy ay di lang pabigat sa iba kundi mabigat palagi ang kalooban sa kakaisip kung paa... Read More

About the Author :

Joined: November 22, 2012 (4 years old)
Writings: 95

Send PM · Male · Offline

Blogger and writer. Friendly and diplomatic.
32 comments   0 favorite   1,355 views