Kung Walang Ikaw

December 16, 2015 (11 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

.

Kung walang ikaw, parang wala na rin ang lahat
Ikaw ang dahilan kaya umibig sapagkat
Ginising mo ang tulog na puso ko at isip iminulat
Sa kakaibang ligaya na walang katapat

Pero anong ginawa at iniwan sa isang tabi
Tanging lungkot at luha ang naging sakbibi
Sa aking pagdurusa na walang kaparis
Mabuti pang pumanaw na, kaysa tumangis

Kung walang ikaw, parang wala na ring ako
Walang na ring silbi ang mabuhay sa mundo
Nung iniwan mo, tinangay mo ang aking puso
Humihinga man ako, para saan pa ito?

Luha'y di napipigil, kusang pumapatak
Ikaw ang isinisigaw, Ikaw ang nakatatak
Sa pusong ito na matapos mong mawasak
Nakita kitang sa iba'y tumatawa, nagagalak

Tanong sa Itaas, Kailan Mo po ako kukunin?
Ng matapos na ang hirap at pasanin
Minsan inisip na rin sarili'y w... Read More

About the Author :

Joined: September 2, 2015 (1 year old)
Writings: 152

Send PM · Male · Offline

Its just me, so nevermind :)
17 comments   0 favorite   918 views