Kisapmata

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:
Date: August 29, 2017 (11 months ago)


Nakataas na ang kamay ko, ba't n'yo 'ko pinutukan.
Hindi naman ako lalaban, ngunit inyo pa ring sinaktan.
Tumagos sa katawan, balang walang pakundangan.
Na unti-unting kumikitil, sa aking buhay na walang alam.

"Inosente po ako!" sigaw ng lalamunan.
Ngunit kayo'y bingi, tuloy ang putukan.
Hanggang ako'y tamaan sa aking tagiliran.
Dugo ay bumulwak hanggang maubusan.

"'Wag po! 'Wag po!" ang paulit-ulit na bulong
Habang hawak hawak ang sugat, dahil sa balang bumaon.
Sana'y 'wag tuluyan at kayo'y maging mahinahon.
Sapagkat ako'y inosente sa pagkakataong iyon.

Luha ko ay pumatak at tumulo ang sipon.
Nang itutok sa ulo, ang inyong lethal weapon.
Alam ko ng wa...

About the Author :

Joined: September 8, 2013 (4 years old)
Writings: 40
Send PM  ·  Male  ·  Offline
Description:
Love is blind, but open ur mind! Sex first den next seven....lol:-)
Signature Text:
Blood is thicker than water, But my loyalty is thicker than my BLOOD

Suggested writings:

2  ·  9  ·  2  ·  552
 · 

Comments
sniper_eyes.23
August 29, 2017 (11 months ago)

May 3 tula pa ko na nagawa... kaso after 24 hours pa ulit makakapaskil ng isa.
Goodmowning.

Blood is thicker than water, But my loyalty is thicker than my BLOOD

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
HudasInChains
Status: Suspended

August 29, 2017 (11 months ago)

Ganda bro ! EJK sa mata ng inosenteng biktima. Sakit if you look at it closely. Yung last 2 lines.. sakit!

"Your Weak Will Won't Help Her Heal Her Heart." - Layne Staley (Alice in Chains)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
HudasInChains
Status: Suspended

August 29, 2017 (11 months ago)

Luha ko ay pumatak at tumulo ang sipon.
Nang itutok sa ulo, ang inyong lethal weapon.
Alam ko ng wala na akong pagkakataon
Na sabihin kay Papa at Mama na mahal na mahal ko sila.

...... yung lethal weapon ... nakakawalang gana... pangit... mas okay pag puro...

pero sakin lang yun.

"Your Weak Will Won't Help Her Heal Her Heart." - Layne Staley (Alice in Chains)

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
sniper_eyes.23
August 30, 2017 (11 months ago)

Sir salamat... hehehe..
Naghahagilap talaga ko ng tagalog para pamalit sa lethal weapon.. kaso napagod na utak ko kakaisip. Hinahanap ko kasi ung tutugma sa tunog.
Pag may naisip ka sir baka maaari mong i share.. para mapalitan ko po.

Blood is thicker than water, But my loyalty is thicker than my BLOOD

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
starst1949
August 30, 2017 (11 months ago)

Nice protest  poem, kaya lng sana palitan ang term na lethal weapon.  Sana rin instead of mama at papa, ay inay at itay  ang ginamit for impact and appropriateness.  Kasi madalas mahihirap naman ang mga EJKs
Well opinion ko lang naman.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
sniper_eyes.23
August 30, 2017 (11 months ago)

Penge idea po pamalit sa lethal weapon kinulang ako ng baon eh. Hehhee.
Palitan ko na din ung mama at papa.
Kabataan kasi ngaun mama papa ung tawag na sa inay itay.. halos mga 80s na lang mga tumatawag sa magulang ng inay at itay. ..

Blood is thicker than water, But my loyalty is thicker than my BLOOD

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
starst1949
August 30, 2017 (11 months ago)

palagay ko  mas ok yung NAY, at TAY  ...kahit ngayon ay ginagamit yun ng mga kabataan, lalo na ang mga  karaniwang pamilya.

tama ka mas  madalas  MA at PA lamang ang tawag nila.

be that as it may,  tignan mo ang mga biktima ng EJK...ang kanilang ayos, ang pinangalingan...palagay ko mag angkop ang nay at tay sa kanila,    

pero ito ay yula mo at ikaw ang amo.    opinion lang ang akin.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
sniper_eyes.23
August 30, 2017 (11 months ago)

Luha ko ay pumatak at tumulo ang sipon.
Nang itutok sa ulo, ang sandatang magbabaon.
Alam ko ng wala na akong pagkakataon.
Na sabihin kay Tatay at Nanay na mahal na mahal ko sila.


Ito kaya ok na?

Blood is thicker than water, But my loyalty is thicker than my BLOOD

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
starst1949
August 30, 2017 (11 months ago)

Snipereyes,   wag mo ng baguhin...obra mo yan at maayos naman.  at saka ang importante ay ang maganda at makabulujang mensahe ng iyong poem.

Suggestion lamang ang sa amin. Para sa mga next poems mo

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment