kelangan ng friction?

June 24, 2014 (2 years ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Hay naku kamuntikan na, bakit ba kasi naging kampante ako? Kaya ko pa naman sana painitin ang buong sistema at tumagal sa ganoon ng ilang sandali, na ang pagtiis sa ganoon ay magbibigay sa akin kakaibang ngiti hanggang matapos ang buong event at sa bahay ay makauwi. Pero ok lang, sanay na ako sa ordinaryo kaya dina ako nanghinayang ng husto nung di ako napabilang sa nabigyan ng medalya. Saan ba ako nag kulang? Yan ang tanong ko sa aking sarili pagkatapos agad nung sukatan ng galing ng mga malilikot ang paa. Kinulang na pala ako ng libog nyahaha nakalimutan ko na kung bakit ako nagsimula at kung bakit kelangan maging mabilis at matatag pag malapit nang matapos kasi yun ang nagtutulak sa akin para ako’y magpatuloy at di mawalan ng determinasyon at pagasa.

Hindi nga naman ibibigay sayo ang bagay na dipa mo kayang tanggapin o pangalagaan. Dahil lahat ng dumarating na mga bagay o pangyayari sa buhay ay may dahilan kasi maari ding makasama kung wala sa tamang oras... kung nakabilang ako sa may award ay baka napatakbo ako uli sa sobrang tuwa tapos biglang natapilok at naitulak ko ang lalaking kumukuha ng litrato at nabasag ang lente ng kanyang camera, tiyak magagalit yun sa akin at pwedeng gulpi ang abutin ko o isumpa nya ako nang sampong ulit, lol. Anyway eto nga pala ang playlist nung tumatakbo ako pero yung unang tatlo lang ang napakinggan ko sa byahe kasi nkarating na ako sa finnish line ng tumunog ang ikaapat.

Ain’t it fun – paramore, Find you – zedd, Talk dirty – jason derulo, Counting stars –one republic

laging tandaan ang kasabihan na – ang di lumingon sa pinanggalingan nauungusan ng kalaban. Isang metro lang... Read More

About the Author :

Joined: November 30, 2012 (4 years old)
Writings: 3

Send PM · Male · Offline

Suggested writings:
9 comments   0 favorite   878 views