Kase Mahal Kita

December 1, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Tinanong kita kung mahal mo ako, sabi mo Oo.
Tinanong mo ako kung mahal kita, sabi ko Oo.
Tanong ko, kung pakakasalan kita papayag ka ba?
Tanong mo, kung pakakasal ako sayo may maipapangako ka ba?

Kapag nagpakasal ka sa akin,
Sisiguraduhin ko na yun yung araw na pinakapagsisisihan mo.
Hindi ka makakatikim kahit konting ginhawa sa piling ko.
Titiyakin kong magdurusa ka at gagawin kong miserable ang buhay mo.

Huwag kang mag-alala aalagaan pa rin naman kita.
Lalo na ang iyong kagandahan at kasexyhan, alagaan natin yan.
Dahil iyan ang iyong magiging puhunan sa ating kabuhayan.
Dahil ikaw ang magtatrabaho at ako sa bahay lang.

Para mas malaki ang kita, dun ka sa kabaret mamasukan.
Pa-table ka sa kung sino mang kalalakihan.
Ipapa-VIP kita dahil ang bigayan don ay may kalakihan.
Gabi-gabi kitang ibubugaw para mabilis ang pagasenso ng kaban.

Ipagtatayo kita ng bahay.
May location na ako, dun sa ilalim ng tulay.
Bukod sa malawak na, libre pa yung bubungan, dingding na lang ang kailangan.
Lalagyan ko na lang ng pinagtagpi-tagping yero, tarpaulin, sako o kung anong Pwedeng itapal.

Banig natin karton at dyaryo.
Papaypayan mo ako sa pagtulog kase walang bentelador.
Papahiran ko ng grasa ang buong katawan mo, para waterproof at iwas sa dengue.
Mamumuhay tayong parang mga taong grasa.

Madalas tayong kakain sa labas.
Kase sa labas lang talaga tayo pwedeng kumain.
Hintayin nating maitapon yung tira-tirang pagkain sa mga resto.
Kalkal dito, kalkal doon. Solve!

Priority natin yung alak at yosi ko.
Bubugbugin kita sa twing lasing ako.
Mambababae ako kada sabado.
Gulpi ka kapag ikaw ay nagreklamo.

Kapag nag-anak na tayo gusto kambal agad, para riding in tandem.
Bata pa lang sila tuturuan ko na silang magnakaw, magrugby at magtulak ng droga.
Tuturuan ko rin silang mamalimos at mangalakal,
Para naman may katuwang ka sa pagpapalaki sa'kin.

Ngayon sabihin mo, magpapakasal ka pa rin ba sa akin?
Nainis ka at sinampal mo ako sa... Read More

About the Author :

Joined: July 10, 2013 (3 years old)
Writings: 177

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
11 comments   4 favorites   803 views