Erotic Confession

Kapirasong Papel

May 31, 2014 (2 years ago)
Posted in Confession: Taglish | Categories: Romance | Tags:

Kapirasong PapelSome things happen to us noong high school na mas masarap kalimutan. Mga kapalpakan at katatawanan. Ang iba nga'y sumusugat pa sa puso. Pero meron din naman na napakasarap balik-balikan.

Julie was my classmate since first year high school and have been friends since. Kakatwa ang panliligaw na ginawa ko. Ito yung part ng high school life ko na masarap balikan. Paano ko nga ba niligawan? 

Nasa 3rd year na kami noon and we're both 15 years old. Mga bata pa at pawang puro laro ang lahat. I was so skinny and short pa. Late bloomer ako physically but she started to blossom into a very fine young lady kaya sangkaterba na agad ang manliligaw.

So one morning I just sent her a note sa isang pirasong papel just like before but this time with a different message in it. Uso pa noon kase sa classroom ang pasahan ng message dahil wala pang cellphone.

"Pwede bang ako naman ang manligaw?"

I saw her face nang mabasa nya yung isinulat ko. She grinned at tumaas ang kilay. Ninerbyos ako. Then nakita ko na nagsulat siya after a minute na tinititigan ang kapirasong papel.

"What?.., Why?"

Yun lang ang nakasulat! Yung bestfriend pa niya ang taga-abot ng papel na nakaupo sa pagitan namin. Walang kaalam-alam sa nangyayari. So thru that note I replied back na parang naglalaro lang talaga kaming dalawa:

"I think I gave all your suitors enough time. Ako naman. 'I love you!'"

Then wala ng sagot. Parang tumigil bigla ang mundo. Bawat segundo ay parang umaalingawngaw sa tenga ko.

Bakit parang biglang ang tagal ng oras, tanong ko sa sarili ko.

Last period na namin noon. Malapit ng mag-uwian pero wala pa ring sagot si Julie. Kinakabahan na ako lalo. I was thinking na baka nagalit siya o baka mas type nya na best friend lang ako. Parang gusto ko ng magsisi nung time na yon. Bigla akong nalito. Hindi ko tuloy alam kung sasabayan ko siya sa pag-uwi gaya ng nakagawian. Weekend pa naman at sa Monday ko pa siya makikita ulit kung sakali.

Haaayyyyyyy, sa isip ko.

Sa kakaisip ay napaigtad ako ng biglang mag-ring ang bell. Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Nauna siyang lumabas dahil mas malapit siya sa pintuan ng room. Nag-iisip ako kung sasabayan ko ba siya o hindi. Torpe ko kase talaga. Very low ang self-confidence ko. Hindi nga ako makatingin sa kinauupuan nya in the entire time na naghihintay ako ng reply. 

Pagdating sa gate ng school ay sinabayan ko ang mga barkada ko na lalake. Kinalimutan ko muna si Julie. Nililibang ko na lang pansamantala ang sarili ko. Sobrang dami ng estudyante na lumalabas kaya medyo siksikan na. Dire-diretso na sana ako ng may humatak sa manggas ng uniform ko.

Julie: "Hoyyyy!"

Seryoso ang mukha niya ng hilahin ako sabay abot niya sa akin ng isang pirasong papel. Pero ang cute pa rin niya talaga kahit mukhang galit. Very refreshing ang face niya. No wonder a lot of guys like her. Napatulala ako at nanginginig na binasa ang nasa papel. I was shocked sa nakasulat.

'I LOVE YOU TOO!'

Pag-angat ng mukha ko ay wala na siya. Nakaalis na pala! Nagpalinga-linga ako upang hanapin siya pero wala na talaga. I let her go at di ko na muna sinabayan. My heart was still racing but I felt like the happiest young man in the universe. Sumisigaw ang puso ko sa kaligayahan!

I hav... Read More

About the Author :

Joined: February 7, 2014 (2 years old)
Writings: 20

Send PM · Male · Offline

Writer, blogger, sex guru etc..,
43 comments   0 favorite   1,908 views