Kami Ni Best! - Part 4.1

May 4, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Romance | Tags: , ,

Kami Ni Best! - Part 4.1Kadugtong lang po ito. Enjoy.

~Raven

"Nasan na ba kasi yun! Bakit di pa sya bumabalik!" hindi ako mapakali dahil malapit na magtanghali ay di pa din bumabalik si Kathy, sabi ni Lyka umalis pagkabigay ng kape sa kanila.

"Alam mo tol maupo ka muna nakakahilo ka na ha, baka naman nag enjoy lang ng pamamasyal si Kathy kaya di pa bumabalik" 

"Alice hindi ba nagpaalam sayo?"

"Hindi eh, Naiwan nya din yung phone nya sa kwarto" 

"Shit!" 

Hindi na ako makapaghintay na bumalik sya kaya umalis na ako para hanapin ulit sya, Hindi ko na lang pinansin ang tawag nila at nag diretsyo lang ako. 

Hindi pa man ako nakakalayo nakita ko agad si Kathy at tumatawa sya kasama ng isang lalaki!

"Kathy lets go" hinila ko ang kamay nya.

"Pare teka lang baka masaktan sya dahan dahan naman" salita ng lalaking kausap nya kanina. Halos magkasing taas lang kami.

"Wag kang maki alam! Girlfriend ko to kaya kahit anong gawin ko wala kang pakialam! Lets go!" tiim na bagang kong sabi habang nakatingin lang ng diretsyo sa mata nya.

"Kevin, im fine i have to go. Thank you sa time"

"You sure?" tss

"Yeah" hinila ni Kathy ang kamay nya at nauna ng maglakad. 

"Kathy wait" hinawakan ko ang kamay nya para pigilan sya. Tumingin lang sya sakin ng walang emosyon.

"Sino yung kasama mo?!"

"Si Kevin, nakilala ko kanina" huminga ako ng malalim para maalis ang init ng ulo ko. Hindi kasi maayos kung ano man to kapag sinabay ko ang galit ko.

"May nagawa ba akong mali?"

"Meron ba?" 

"Asawa ko wala akong ginagawa, Kung meron man sabihin mo sakin para maintindihan ko please?" 

"Kagabi nakita kong nasa harap mo si Alice, tapos kaninang umaga nakita ko na may lipstick ang labi mo. Hindi ako nag lalagay ng lipstick Raven kaya imposibleng sakin galing yun"

"Hindi ko alam yun promise, Ang alam ko lang nakatulog ako sa balikat mo yun lang tapos sabi ni Lyka bigla ka na lang daw umalis, pwede naman natin pag usapan yun di ba? Kapag may problema ka sabihin mo sakin para mapag usapan natin ha" 

"Sorry" 

"Ok na tayo ha? Ayoko din na nakikipagusap ka sa ibang lalaki"

"Mabait naman si Kevin"

"Fine, basta kasama ako kapag may kinakausap kang iba ok? Lets go gutom na ako eh"

Pagbalik nakin sa dun nakahanda na ang tanghalian namin, Wala din si Alice si Vince ay Lyka naman mukhang nagkakamabutihan na.

"Hoy bruha! anong drama yun ha! Ginugutom mo kame" pagrereklamo ni Lyka kay Kathy

"Gaga hindi drama yun, At ginugutom ka pa sa lagay na yan ha! Halos kainin mo na din pati pinggan!" pabirong sagot ni Kathy kaya nagtawanan na lang kame, Matakaw talaga si Lyka kahit hindi halata sa katawan nya

"Kain na tayo" sabi ko na lang nagugutom na din kasi ako.

Nang matapos kami kumain ay nag kanya kanya na kami si Vince at Lyka namamasyal, habang kami ni Kathy nasa cotage lang nakahiga sya sa lap ko.

"Asawa ko, punta daw dito si Balong on the way na" sabi ko sa kanya pagkabasa ng text ni Balong. May inasikaso kasi yun kaya di nakasabay samin.

"May magagawa pa ba ako?"  kinurot ko na lang ang ilong nya.

"Behave ka lang ha"

"Tss opo" 

Nagkwentuhan lang kami ng mga bagay bagay na pwede naming gawin sa future. Yung mga plano namin kapag nagging mag asawa na kami.

"Ilan ba ang gusto mong baby" tanong nya sakin.

"Mga 5 para mas masaya"

"Ang dami naman nun"

"Sige mga 6 na lang" hinampas nya ako sa braso

"Ahahaha joke lang. Basta gusto ko lima"

"Baliw."

"Ikaw ha, Gusto mo simulan na natin gawin?" pabiro kong sabi sa kanya

"Hmm pwede din" O__o nagulat ako sa sinabi nya.

"Talaga!?" 

"Ahahahaha syempre joke lang nuh" 

"Sayang"  pabulong kong sabi pero narinig nya pala.

"Gusto mo ba talaga?" 

"Ayaw ko naman na pilitin ka, Ok lang sakin kaya ko pang magtiis" sagot ko sa kanya kahit gustong gusto ko na

Hinallikan nya ako sa labi kaya napatingin ako sa kanya.

"Gusto mo ba?" 

"Oo per--" hinalikan nya ulit ako, Aba nakakadami na to ah.

"Oo o hindi"

"Oo gusto ko" ngumiti sya sakin at hinalikan nya ulit ako, Kaya tinugon ko ang halik nya. Ilang segundo bago kami nag bitaw.

"Ok birthday gift ko sayo" Napayakap ako sa kanya ng mahigpit at pinaulanan sya ng halik sa sobrang t... Read More

Part #: 8

About the Author :

Joined: May 16, 2013 (3 years old)
Writings: 11

Send PM · Female · Offline

~ ♥♡ i do believe in FOREVER ♡♥ ~
7 comments   0 favorite   2,985 views